Nagising ka at nakita mong magaling na si Erucliff.
"Hindi ko inaasahang magiging ganito ka dali ang lahat. Nandito na tayo sa templo, at sa tulong mo, makakaalis na ako sa panahong ito...Makakapunta na ako saan ko man gustuhin!" Ngumiti si Eruclif, ang matamis ngunit nakakalason niyang ngiti.
Naglakad siya paikot sa iyo..
Alam mo kung anong ginagawa niya..
Sa kinauupuan mong sahig, merong simbolong nakaguhit.
Kahit anong gawin mong galaw ay di mo magawa.
Pirme kang nakaupo.
Ikaw ang gagawin niyang medium.
Ikaw ang nataya sa larong ito.
Ikaw ang huling piraso ng lagusan.
Ikaw ang susi ng kanyang kalayaan.
at ito'y
Isang pagtataksil!!!
Umupo siya sa tapat mo.
Nag-indian sit rin.
Ipinakita niya ang palad niya...
Ayaw mo iyong tingnan!!! Hindi maari!!!
Nanginginig ang bola ng iyong mga mata..
Mukhang dito nalang maipapakita ang pagtutol mo.
Sa magalaw na bola nalang ng iyong mga mata makikita ang halo- halong emosyong gustong kumawala sa iyo.
Pagsarado ng palad niya..
Pumikit rin ang iyong mata..
Isang mahabang pagtulog...
Lumipas ang isang araw..
Nagising ka at naiwan kang nag-iisa.
Ang masama.. mukhang nagiwan pa ng regalo si Eruclif..
Katulad ng dati...
Binuhay niya ang mga patay na...
At sila ang iyong huling hantungan..
WAKAS