Tama ka nga ng Hinala. Nalaman mong hindi iyon kadena. Mabilis gumapang sa iyo ang katotohanang buhay ang gumagapos sa paa mo. Kinapa mo kung ano iyon. May nahawakan kang bilugan na bagay. Naramdaman mo rin ang dalawang bilog na butas na tila inukit sa bilugan na bagay. Ibinaba mo ang ilang daliri mo, sa ibaba ng dalawang bilugang butas ay sumuot ang iyong daliri sa isang tatsulok na hugis...
BUNGO!
Isang buhay na kalansay ang nakakapit sayo!
Ngunit kalmado ka pa rin kaya nakapag-isip ka pa ng maayos. Umusal ka ng mga bulong. Tumigil sa pagkakahawak sayo ang buhay na kalansay. Tumayo ka at umusal pa ng marami pang panalanging bulong.
•Tuloy tuloy at maingat mong binaybay ang kadiliman ng silid. >>>10
•Lumapit ka sa pader. >>>14