TL 3

126 5 2
                                    

Naputol ang usapan ninyo. Napapalibutan na kayo ngayon ng mga kalaban. Mga buhay na kalansay! Sila na naman! Ang mga halimaw sa loob ng silid na pinagkulungan mo.

"Mga kalaban!" Pinrotektahan mo si Eruclif.

Mabilis na sumusugod ang mga buhay na kalansay at nagmumula sila sa iba't ibang direksyon.

Mukhang mas lumakas ang mga ito! Gumagamit narin sila ng mahika at mga armas! 

Mabilis, asintado....

*Tssssssssok!!~

Mula sa kung saan may panang tumama sa braso ni Eruclif. Dumaloy ang dugo sa braso niya. Nakita mo ang sakit sa ekpresyon ng mukha niya. Hawak hawak niya ngayon ang duguan niyang kanang braso. Nagkaroon din ng mala ugat na marka sa paligid ng sugat niya. Ang ugat ay waring nasa loob ng balat niya. Ang mga sanga ng ugat ay kulay kahel. Napaluhod si Eruclif, napaupo.

Mukhang siya ang pinupuntirya ng mga buhay na kalansay!

"Kaasar!" 

Para hindi na muling masaktan si Eruclif, gumawa ka na ng barrier na magiging pananggalang niya.

Pinugutan mo ang isang kalansay ng ulo gamit ang espada mong may mahika, pagkatapos ay tinandyakan mo ang katawan nito... naglaho ito na parang alipato. Pagkatapos mabilis mong dineflect ang pana na pinupuntirya ang barrier gamit ang iyong espada! Itinaas mo naman agad ang isa mo pang kamay para huliin ang panang sasakto sana sa pagitan ng dalawang mata mo. 

Isang mahika mula sa itaas! Nakakalipad narin ang mga kalansay! Mabilis mong naibalik ang atake gamit ang iyong mahika.

Bumalik sa kalansay ang tira niya, pagkatapos ang atake mong nakapagpabalik sa tira niya ang tumapos sa kanya. Nagsimula ito ng mala kidlat na puminsala sa mga kalansay na nasa lupa. Lahat ng mga magkakadikit ay nawasak at nawala.

Sa background, kahit hindi ka nakatingin ay makikitang nanghihina na si Eruclif.

"Wala na sila! Patingin ng sugat mo!" Tinanggal mo ang barrier niya at tiningnan ang kalagayan niya.

"Eruclif?"

"Eruclif sumagot ka." Nakatungo lang siya..

*TIBOK..

Parang may dumagok sa iyong likod kahit wala naman.

Nagdadalawa ang paningin mo... lumalabo at nawawala ang focus nito.

Bumagsak ka sa lupa..>>>13

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon