TL 7

55 3 4
                                    

Pumasok ka at nakalabas ka ng madilim na silid!

Gumana ang iyong mahika, nakalabas ka sa dungeon na parte ng isang ruins.

Pinagmasdan mo ng mabuti ang paligid. Inaalala mo kung ano ang mga nangyari. Dahil ang pinakamalaki mong tanong ay bakit ka nakakulong kanina? Bakit ka nasa panahong ito? Nasaan kana ba?

"Naikulong ka rin pala rito? Buti at nakalabas ka."

Meron palang tao sa likod mo. Isa siyang magandang nilalang. Katulad mo rin siya, hindi siya kalansay. Ang nakakatuwa, medyo pareho kayo ng kasuotan. Kasuotan na parang pang-choir na pangkulto. Yun nga lang mas malinis ang suot niya kesa sa iyo...

Nakatingin ka lang sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na ang aking kawalang galang, ang ngalan ko ay Eruclif."

(Ikaw ay isang manlalakbay na babae o lalaki?)

•♂(M)>>>8

•♀(F)>>>4

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon