TL 20

46 2 0
                                    

Gumising ka sa silid na ang dingding ay gawa sa mga bato at kumikinang na kristal. Kahit walang aircon at kulob ang silid ay medyo malamig dito. Nakaupo ka sa higaan na gawa sa malambot na tela na mano-manong hinabi. Talo pa nito ang mga sikat na tela sa panahong pinagmulan mo.

"Mabuti naman at gising ka na."

"Naiintindihan ko na kayo!"

"Iyon ay dahil wala na ang mahikang nagpipigil sa iyong gabayan ka ng iyong mga bantay."

"Asan na po ako?"

"Nandito ka sa aming  payak na tahanan. Ang lugar na hinahanap mo.."

"Ito na po iyon?"

Tumango ang mukhang pinuno sa lugar na ito at sinabing..

"Ngayon, maari ka ng bumalik sa iyong pinagmulan, hindi namin inaasahan ang pagdating mo... Pero hindi rin namin iniwaglit sa aming isipan ang pagkakataong maaari nga itong mangyari. Ang pagdating ng katulad mo mula sa hinaharap..."

"Pero paano po ako makakabalik agad? Matutulungan niyo ba ako? Ano po bang lugar ito?"

"Ikinagagalak ka naming tulungan....ang lugar kung nasaan ka ngayon ay ang magpapahintulot sa iyong suungin ang batas ng oras at panahon... Ito ang hinahanap mong lagusan.. Ang lagusan kung saan nakatono ang lahat. Lugar kung saan punungpuno ng enerhiya at mga kagamitang buhay."

"Kung ganoon pwedeng pwede na pala akong bumalik? Matagal kasi bago ako nakapaglakbay papunta rito... matagal na oras at panahon ang aming ginugol, akala nga namin ay hindi namin ito magagawa... may mga kasama kasi ako sa pinanggalingan kong panahon, iilan lang kaming naniniwala pa sa dakoparoon...

"Siyang tunay... mas mabilis maglakbay pabalik dahil alam mo na ang papunta rito... ang tanong lang ngayon ay gusto mo pa bang bumalik?"

Natigilan ka.. Bumalik sa iyong gunitain ang dahilan kung bakit nakipagsapalaran kang maglakbay kahit walang kasiguraduhan... kung bakit ginusto mong tumaya noon...

"Hindi na ba ako maari pang bumalik kung hindi ako magpasya ngayon?"

"Maaari pa kung gugustuhin mo at kung makapaghihintay ka. Pero nalalapit na ang oras kung saan malakas ang enerhiyang ibinibigay ng pagkakahelera ng mga planeta at bituin. Kung hindi ka aalis ay maghihintay ka pa ng matagal na panahon, maari ring huling pagkakataon mo na ito...."

"Susugal ka ba??"

natigilan kang muli sa tanong na iyon..

"Kailan po ba bubukas ang lagusan?..."

"Ikatlong araw mula ngayon... Oras sa pagitan ng bukang liwayway at hatinggabi.."

Natutulala ka lang habang malalim na ang iyong isip.. tinapik ka ng pinunong pantas sa balikat..

"Iyon ay dalawang araw pa mula ngayon, dalawang araw ng pag-iisip para sa iyong huling pasya... habang hinihintay mo iyon ay maari ka munang tumigil dito... nais rin naming pasalamatan ka sa pagtulong mo sa aming ikulong si Eruclif..."

"Sino po ba siyang talaga? Bakit tutulungan niya akong... mali.. kailangan niya ako para makaalis sa panahong ito kung pwede naman palang gawin nalang niya iyon??.."

"Mahusay... Oo... iyon ang kanyang pakay... kailangan ka niya para makapaglakbay siya... Kailangan niya ng simbolo na nakatawid na sa panahon at ikaw iyon... ikaw ang susi na nais niyang makuha para makatakas siya sa amin.. Ang huling piraso ng palaisipan.. Ang kanyang isa pang paraan para makalaya ng hindi humihingi ng tulong sa amin.."

"Bakit ayaw niyo siyang payagan nalang na dumaan dito? Dahil po ba sa hindi siya tao? Ano po ba siya? Masama po ba siya?"

"Mga katanungan... nakatutuwa ka..., oo tao siya, tao ang laman ngunit mataas ang kaalaman.."

"Bakit ho ba gusto niyang makaalis dito?"

"Iyon ay dahil ikinukulong namin siya.. kabilang siya sa amin noon..." lumungkot ang itsura ng pinuno na ngayon ay nakaupo narin kung saan ka nakaupo...

"Gusto niyang patakbuhin ang lahat ng nakikita niya... sinubukan na namin siyang unawain at pakiusapan ngunit pinapatay lang niya ang lahat ng nakaharang sa mga balak niya... gusto niyang lagpasan ang pagiging tao... at nagawa niya iyon ng walang kahiraphirap... ni walang tulong mula sa amin.. sariling sikap niya iyong lahat... ngunit akala namin ay doon na siya titigil... Matapos malagpasan ang pagiging tao... ang gusto naman niya ay maging diyos... iyon ang dahilan kung bakit nais niyang umalis dito... pupunta siya sa panahon mo kung saan limot na ng mga tao ang tungkol sa hiwaga ng kalikasan....doon niya gustong mamuno.."

Naalala mo bigla ang "Five Ages of Man" na isang mitolohiya... alam mo ang tinutokoy ng pantas... ang Iron Age ay maihahalintulad sa panahong pinagmulan mo ngayon, kung saan limot na ng tao ang pagiging simple at payak, payapa...

"Maestro handa na po ang hapunan.." Sabi ng isang babae..

"Tara na, saluhan mo na kami sa maliit naming piging..."

======

Lumipas ang dalawang araw, marami kang natutunan sa kanila. Marami kang nalaman sa sibilisasyong ito. Labis kang namangha sa payak nilang pamumuhay na gingamitan nila ng angking kaalaman at matandang talino... humanga ka dahil ang teknolohiya nila, bagamat di tulad ng pinanggalingan mong panahon ay mataas na rin ang kalidad kung sa panahong ito ibabase... Napakasimple pero... nagagamit ng maayos ang mga yamang likas, walang nasasayang... nabubuhay ang tao at ang iba pang likha ng may pagkakaisa..

Marami kang nalamang sikretong lugar, simbolo at samahan. Mas naintindihan mo ang batas ng kalikasan at kung gaano ito kaganda.

Lumalim din ang pagkaunawa mo sa ideya ng pangkasalukuyang panahong kinabibilangan mo. Sa pakiwari mo'y nasa isang mukha ka ng panahon na kinalimutan na matapos itong tawaging kahapon ng sibilisasyong pinagmulan mo.>>>18

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon