TL 18

42 2 4
                                    

Ikatlong araw, bukang liwayway. Nasaksihan mo ang tanawing hindi mo malilimutan.. Nalanghap mo ang purong hamog...

Napakaganda talaga... isang paraiso..

"Uuwi ka na ba?

o

Mananatili ka dito?"

"Ano po ba ang mangyayari kapag umuwi na ako?"

Ngumiti ang pinunong pantas at nagwika..

"Ang tao'y nakagagawa ng mga hindi mo lubos maisip na mga bagay... subalit wala siyang kakayahan para unahan ang kapalaran kung wala siyang ginagawa... Hindi ko malalaman ang iyong tandhana.. kahit masilip ko ito'y wala rin akong magagawa...meron ba? Ikaw ang may kontrol ng buhay na ipinahiram sa iyo... ikaw ang magpapagulong ng iyong tadhana.."

"Paano naman po kung magpapaiwan ako dito?"

"Mabubura ang mga bakas mo sa hinaharap, hindi ko masasabi, hindi ako Diyos... makalilimutan ka ng iyong pamilya, kaibigan at mga kakilala... makalilimot sila habang ika'y patuloy na magbabalik tanaw..."

Nanunot sa pagkatao mo ang kaba at takot... sinong hindi makararamdam ng nararamdaman mo ngayon kung nahaharap sa ganitong kaseryosong pagpapasya? nagpatuloy ang pantas sa kanyang pangungusap..

"Handa ka bang malayo sa modernong panahong kinabibilangan mo? Handa kabang putulin ang ugnayan mo sa pinagmulan mong pamilya? Handa ka na bang mabura sa alaala ng mga taong kinagisnan mo habang ikaw ay makararamdam ng matinding kalungkutan?"

Uuwi ka ba? (Uuwi) >>>11

o

Dito ka na mamumuhay?(Mananatili ka rito.) >>>16

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon