"Uuwi na ako"
Nagpasya kang umuwi...
Nagkaroon ng orasyon.. tinulungan ka ng mga pantas..
Hindi mo malilimutan ang kakaiba at mahiwagang lagusan kung saan ka nila ibinalik sa iyong pinagmulan.. Nung una isa lang itong simpleng silid sa templong walang pader at bubong na napaliligiran ng lawa...
Nasa gitna ka ng malaking simbolong siyang naging lagusan.. may mga kakaibang kulay ng kristal sa paligid.
Nakita mong naging malapasta (ng spaghetti) ang iyong katawan... kakaiba ang pakiramdam... akala mo ay mamamatay ka na.. o kaya ay matutulad kay Eruclif na naglaho.
Ito ang naging pasya mo. Ang umuwi ka sa kinabibilangan mong panahon.
Sa iyong pagbabalik, ganun din ang nasaksihan mo. Kagaya ng dati. Nabuhay ka kasama ng iyong pinakamamahal na pamilya, mga kaibigan at kakilala.
Tumanda katulad ng normal na tao... baon baon ang magandang karanasan mo sa mahiwagang panahong minsan mo nang nakita.
At mamamatay kang kasama ang mga alaalang hindi mo makalilimutan at nagbigay kahulugan sa buhay mo...
~~~~~~WAKAS