TL 5

62 6 1
                                    

Naputol ang usapan ninyo. Napapalibutan na kayo ngayon ng mga kalaban. Mga buhay na kalansay! Sila na naman! Ang mga halimaw sa loob ng silid na pinagkulungan mo.

"Mga kalaban!" Sigaw mo.

Sumenyas si Eruclif. Pinatatabi ka niya, para bang sinasabi niyang siya lang ang lalaban.

"Hindi pwede! Marami sila! Kaya ko ang sarili ko! Tutulungan kita!"

Umasinta ka ng mga namamana.. sila ang mabilis mong pinatumba. Nagpakawala ka ng mga maliliit na bola ng enerhiya na sinlaki lang ng piso. Ito ang tumapos sa lima't unang mga kalansay na nakita mong namamana.

"Kaya ko na ito, ayokong masaktan o mawala ka... kailangan kita... mahalaga ka sa akin.."

"Pero mas mapapabilis kung tutulungan kita. Hindi ako mawawala! Sabay tayong tatakas dito!"

Pagkasabi noon ay may barrier na pumrotekta sa iyo. Hindi ito galing sa iyong salamangka. Gawa ito ni Eruclif.

Sabay kayong lumaban.

Marami sila. Ang masama pa nito, gumagamit na sila ng mahika at sandata.

"UMILAG KA!" sigaw mo.

Sa huling bitaw niya ng mahika, sa huling pagpulbos niya sa kalaban ay siya ring tama ng bagay na mukhang dart.. Ang kaibahan lang... pagkatapos tumama ng maliit na dart ay humaba ito na siyang dahilan ng tuluyang pagtagos nito sa dibdib ni Eruclif.

Kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa dibdib ni Eruclif, naglaho ang dart.

"Eruclif!"

"Bilisan natin. Pumunta na tayo agad sa templo... Maari tayong makakuha ng sapat na enerhiya doon... kaya ko pa ito.. (itinapat niya ang palad niya sa dibdib niyang may sugat...) konting mahika lang at..."

Inalalayan mo ang pabagsak na si Eruclif, Sinubukan mong pagalingin ang sugat niya... Sumarado ito pansamantala ngunit may kung anong pumupunit dito mula sa loob. Sa ano mang oras ay magiging sariwang sugat ito ulit.

Dalidali mong hinubad ang kapa ng pangchoir/pangkulto mong damit... konting hiling at bulong at nabuhay ito! Isang masasakyan.

Nakarating kayo sa templo, mukhang bumubuti naman ang lagay ni Eruclif...

Bago makapasok sa bulwagan ng templo ay may naramdaman kang kakaiba..

Parang may dumagok sa iyong likod kahit wala naman.

Nagdadalawa ang paningin mo... 

Lumalabo at nawawala ang focus nito.

Huli mong naramdaman ang pag-alalay sayo ni Eruclif?>>>13

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon