TL 21

43 3 1
                                    

Kasama mo ngayon ang bago mong kakilala. Nakakaaliw naman kahit papaano dahil meron kang kakwentuhan. Parehas pala kayong naikulong dito ayon sa kwento niya. Marahil gaya mo rin siyang naglalakbay, yun siguro ang dahilan kung bakit parehas kayo ng kasuotan.

Sa iyong paglalakad, sa bawat pagliko at bawat pagbabago ng anyo ng lugar ay unti-unti mong naaalala ang lahat. Ang dahilan kung bakit ka napadpad dito at kung ano ka.

Papunta kayo ngayon sa sagradong lugar na kakailanganin mo para makabalik ka sa sarili mong panahon. Mabuti naman at may alam ang kasama mo. Mapapadali ang iyong paghahanap.

"Nakapagtataka." nasambit mo.

"Bakit meron bang problema?" Alalang tanong rin ng kasama mo.

"Hindi ko kasi makausap ang mga gabay ko."

"Gabay? hindi mo na sila kakailanganin pa dahil nandito naman ako. Hindi ba't sinabi mong kailangan mo lang ng lugar kung saan may mga materyal na buhay? Lugar kung saan nakatono na ang lahat?"

"Sabi ko nga... malapit na ba tayo?"

"Malapit-lapit na!" Masigla nitong sagot sayo.

Tumigil ka saglit sa paglalakad. Seryoso kang nagtanong sa kanya.

•Sino ka bang talaga?>>>9

•Papaano tayo makakatakas dito?>>>19

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon