"Mananatili ako dito.."
lakas loob mong binitawan ang mga salitang iyon.
"Isang sugal na walang kasiguraduhan ang resulta ang ginawa mo... Ikinagagalak kong maging kasama ka namin.."
Sa una nahirapan kang limutin ang mga naiwan mo..
Naiwan? naiwan mo na ngayon ay hindi nila alam na minsan naging kasama ka nila.
•••
Taong 20** Kung saan nabubuhay pa ang pamilya mong kinagisnan.
Sa loob ng isang silid, sa isang paaralan...
"Ang galing naman ng karakter sa mitolohiyang ito.."
Sabi ng estudyanteng tuwang tuwa sa librong kanyang binabasa...
"Kainis yung Eruclif no? Ang sama niya...buti natalo siya ni.. (COMMENT YOUR CHARACTER'S NAME...AGAIN.. XD) At dahil diyan, Idol ko na siya.."
"Ano kaya yung mga pantas no? May totoo kayang nabubuhay na ganoon sa ngayon? Wala na siguro no? Meron siguro pero wala na yung mga madyik madyik.. simpleng pantas lang... Yung matalino lang ganun?"
"Aba'y di ko alam... ang daldal mo! Magbasa ka nalang siyan! Wala pa akong assignment sa math!!! Peram ako assignment mo!!"
•••
Dahil pinili mong manatili, nalagpasan mo na ang kakayahan ng simpleng tao. Yun nga lang meron itong naging kapalit. Meron itong naging epekto.
Dahil napag-aralan mo nang mabuti ang mga sekretong kaalaman sa tahimik at mas payapang lugar, sa lumang sibilisasyon.... nagi kang isang imortal.
Nagi kang imortal dahil hindi ka na apektado ng oras at panahon, ito ay dahil natatawid mo na ito ng walang kahirap hirap ng hindi nagbabago ang iyong anyo...Maging dimensyon ay natatawid mo na rin... at sa loob ng mahabang panahon... nakita mo rin ang mga taong naiwan mo dati... pero hindi na sila tao sa mga panahong ito... iba na ang buhay nila..
Isa ka na ngayong pagalagalang manlalakbay na naoobserbahan at nasasaksihan ang nais mong makita.
Dito nagtatapos ang istorya mong
naging Mito sa loob ng mahabang panahon...
Ngayon ang iyong paglalakbay ay umiikot para sagutin kung ano ba ang diyos...
papunta ka ngayon sa lalim ng misteryo ng kalawakan..>>>17