TL 22

54 3 0
                                    

"Oo si Eruclif at alam kong traydor ka!!!"

Bago mo pa siya matamaan ng telang nakapulupot mula sa iyong braso ay nakaatras siya.

"Magaling.. Kailan mo pa nalamang nililinlang kita?"

"Simula pa noong makita kita!!!"

Sinugod mo siya ulit. Naiiwasan niya ang telang kinokontrol mo ngayon bilang sandata.

Ang bawat pag-ilag niya sa iyong armas ang nagiging resulta ng pagkakabiyak at pagkakauka ng lupang natatamaan mo.

"Sigurado ka bang nais mo akong tapusin? Hindi mo alam kung nasaan ang lugar na hinahanap mo."

Tumigil ka sa pag-atake.

"Kaya ko iyong hanapin nang mag-isa. Pagkatapos kong tapusin ka ay mawawala narin ang salamangka mong pinipigilan akong makipag-usap sa aking mga gabay!"

(laughs) "Pati iyon alam mo rin? Mahusay, ngunit hindi mo ako kaya!"

Summoning spell: Tumawag siya ng mga halimaw. Halimaw na tulad na nasa loob ng silid na tinakasan mo kanina... Naiintindihan mo na ang lahat.. Siya rin ang nagkulong sa iyo... Sa kanya galing ang mga halimaw na ito. Nung una, para lang silang malikmata, ngunit unti unti silang nabubuo at nagigng konkreto.

"Hindi lang ikaw ang makakagawa niyan..." isip isip mo..

Summoning Spell: Tumawag ka ng mga maliliit na may pakpak na nilalang. Yung iba may pakpak ng tutubi, paru-paro, bubuyog at iba pang mga kulisap. Ang mga nilalang na natawag mo ay may iba't-ibang hugis, kulay at laki. May anyo silang kakaiba. May mukha sila na binibuo lamang ng isang pares ng kakaibang mga mata. May mga kamay at paa ngunit walang mga daliri.

Kung anong dami ng kalansay ay siya ring dami ng iyong mga alagad.

Isa para sa Isa! Walang labis, walang kulang.

(laughs) "Nagpapatawa ka ba? Ilalaban mo sa akin ang mga iyan? Sugod!!"

Sumugod ang mga kalansay. Lumipad rin ang mga makukulay mong alagad.

Kanya kanyang labanan. Pagnawawalan ng kalaban ang isa, tutulong siya sa ibang kasama.

Siyempre nagsasagupaan din kayo ng traydor.

Isa itong laban ng buhay.

Isang laban para sa iyong tadhana.

Ang huling bala na pwede mong ikasa...

Huling laban para sa iyong kapalaran.

Nagtutumbahan ang mga puno sa paligid.

Mayatmaya ang pagkasira ng mga bato.

Nagkakaroon ng mga malalaking uka sa lupa.

Bumagsak si Eruclif! Itatarak mo nalang ang punyal pero maliksi siyang nakatakas sa iyo.

"Hindi ko hahayaang talunin mo ako!"

Dumilim ang paligid, umihip ang malakas na hangin. Umiikot ito ng mabilis kay Eruclif, ito ang nagsisilbi niyang harang..

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon