TL 12

39 2 0
                                    

Hindi mo ito ginamit. May iba ka pang naisip. Magpapalabas ka ng alaga.

Pumunit ka ng tela mula sa iyong damit.

Mula rito'y nakagawa ka ng buhay na alaga..

Pinalipad mo muna ito sa kadiliman. Tinantiya ang layo ng paglipad nito.

Sa iyong senyales, ang kulisap ay biglang nagliwanag. Itinuro ng iyong alaga ang direksyon palabas.

Nagimbal ka rin sa iyong nakita. Samu't saring halimaw ng dilim ang laman ng silid! Meron sa kisame, sa sahig at mangilanngilan pang naka tambay lang sa pader.

Dahil nakita ng mga halimaw ang enerhiyang iyong nilikha. Nakita mong sinira nila ito. Parang pinag-aagawan nila ang enerhiyang nagmumula sa kulisap mong alaga.

Mabuti nalang at tanda mo ang direksyon palabas ng silid.

Umusal ka ng dasal para pigilin pansamantala ang paggalaw ng  mga halimaw. Nakalabas ka ng silid!

Dahil may kadiliman parin sa labas ng silid, dito mo na ginamit ang mahiwagang kristal.

Nagsisimula na ring gumalaw ang mga halimaw  sa silid mong pinanggalingan. 

Sinusundan ka na nila!!!

Lumiko ka sa may tunnel. Kamuntikan pang mahagip ng talim ng gate na kalahating nakasara ang noo mo. Buti nalang at nakayuko ka agad. Nararamdaman mong maraming sumusunod sa iyo...>>>25

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon