Lumapit ka sa pader, ito ang ginawa mong gabay. Di ka pa nakakalayo ay napansin mong nag-iiba na ang aura ng isang bahagi. Sinugatan mo ang iyong daliri gamit ang singsing mong may karayom na nakatago sa loob. Nagsulat ka sa bahaging kakaiba ng pader gamit ang iyong dugo. Nagkaroon ng pintuan. Kumalat ang malamlam na liwanag... ngunit nagsisimula na ring kumilos ang mga nilalang sa dilim...>>>25