Dahil sa ginawa mo, nakatawag ka ng pansin. Lumapit ang mga nakakikilabot na ingay sa iyo.
Naramdaman mong humigpit ang hawak ng buhay na kalansay sa iyong paa.
Ngayon mo napagtanto na maling desisyon ang iyong ginawa. Mahika ang nagpapagana sa kanila.
Nakalimutan mo ata. Kaya kahit na putulin mo ang ulo ng buhay na kalansay ay balewala.
"AUGK!!" reaksyon mo sa sakit. May tumarak sa iyong tadyang. Tumagos ito sa iyong balat, pumunit ng laman at pumutol ng iyong buto.
Mainit..
mainit na likido ang dumaloy sa iyo...
Huli na ang lahat. Makakasama mo na sila.
~~~~~KAMATAYAN
Malungkot nga ba'ng maranasang lumisan?