"People change in two reasons:
Either their minds have been opened
Or their hearts been broken!" - Steven AitchisonComment down about this quote! ^_^
Alfredo Molester at the multimedia!
*****
Kabanata 4! 📖
"Shit! Jermelyn, what the hell did you do to her?" sigaw ni Sheena nang makita nyang nakaupo si Flory sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang kanyang pisngi. Kitang-kita pa kung gaano ito namumula. Makikita naman sa mukha ni Sheena ang galit para sa taong nasa harapan nya ngayon.
"I've already warned you Jermelyn. Huwag mo akong sisihin kung ano man ang bagay na mangyayari sa'yo ngayon." sabi n Sheena at saka hinila ang braso ni Jermelyn papuntang Cr.
"Ano ba! Nasasaktan na ako." pagpupumiglas nito sa kamay ni Sheena na nakahawak sa kanyang braso. But the more she does that, the more Sheena tightened her arm holding her. Napasigaw pa si Jermelyn dahil sa sakit pero kung titingnan si Sheena ngayon, parang hindi nya naririnig ang pakiusap ni Jermelyn.
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na sila sa tapat ng Cr. Sa mga panahong din iyon ay nanumbalik na sa katinuan si Flory dahil sa pagkakatunganga nya sa mga pangyayari. Napagtanto nya ding wala na sa tapat nya ang dalawang tao. Nilingon nya ang nasa likuran nya at nakita nya kung paano magalit ng husto si Sheena.
Kinakaladkad nya si Jermelyn papuntang Cr. Dahil sa nakikita nyang expression ni Sheena sa panahong yun, alam na nya ang pwedeng mangyari kay Jermelyn. Tinakbo nya ang distansyang namamagitan sa kanilang tatlo para pigilan si Sheena sa kung ano man ang maaari nitong gawin.
Sasampalin sana ni Sheena si Jermelyn pero mabilis na hinawakan ni Flory ang kamay niya para hindi na matuloy. Inalis ni Sheena ang kamay nyang nakahawak kay Jermelyn at saka hinarap si Flory.
"What are you doing? This damn girl hurt you. Don't you think she deserves to be treated that way?" galit na sabi ni Sheena habang tinuturo ng kanyang kanang daliri si Jermelyn. Magsasalita na sana sya para sabihing hayaan nalang ito pero may sumingit na baritong boses di kalayuan sa kanila.
"Sheena, enough!" sigaw ni Fernando. Napalingon si Flory sa kanyang likuran at nakita nyang nakatayo doon si Fernando kasama sina Aiken, Lawrence, Alfredo, Mary at Jazetine.
Makikita sa mga mata nina Mary at Jazetine ang pag-aalala pero ngisi naman sa mga lalaki. Lalong-lalo na si Aiken.
"Fine! Let me just finish this one." sabi ni Sheena at saka...
PACK!
"Let's go?" nakangiti nyang sabi kay Flory sabay pulupot ng kanyang kamay sa braso nito at saka naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan.
Naiwan naman si Jermelyn dun na nakatunganga sa inasal ng kaaway. Nang makaalis sina Sheena sa corridor papuntang Cr saka nalang nakahinga ng malalim si Jermelyn na tila ba nabunutan ng tinik.
"Flory, tell us honestly. Nang dahil ba sa amin kaya ka inaaway ng ibang tao?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Mary nang makarating sila sa canteen. Napayuko nalang si Flory dahil sa hindi nya kayang sagutin ang tanong ng bagong kaibigan.
"Sabihin mo nga, naging hobby mo na ba ang yumuko kapag hindi ka makasagot sa mga katanungan ng mga tao?" deretsong sambit ni Fernando nang hindi sya kaagad nakasagot.
"Kuya naman. Chill ka lang pwede?" singit ni Sheena nang makaramdam sila ng unti-unting pag-angat ng tension sa pagitan ng dalawa. Para maiba ang usapan, sinimulan na ni Aiken na inisin si Sheena.
"Oy pangit!" tawag ni Aiken kay Sheena. Pero hindi nalang sya pinansin nito at nagbusy-busyhan sa pag-uusap nila ng kuya nya. Inulit pa nya ng ilang beses ang pagtawag sa pangalan nito pero wala nga talaga.
"Kausapin mo nga ako." sabi nya nang nakipagpalit sya ng upuan kay Mary para makausap ito. Nilingon naman sya ni Sheena pero tinignan lang sya nito sabay turo sa sarili na parang tinatanong kung sya ba ang kinakausap nito. Napahawak nalang sya sa kanyang batok si Aiken sabay pikit sa mga mata.
"Jazetine, sana basurahan ka nalang." sabi ni Alfredo habang titig na titig kay Jazetine. Sa pagkakaalam ni Jazetine na ito ay isang biro lang, sinakyan na nya.
"Bakit?" sagot ni Jazetine sabay ngisi at nakipagtitigan pa kay kay Alfredo. Napalunok nalang si Alfredo dahil sa inasal ng dalaga. Huminga muna sya ng malalim bago bumanat.
"Dahil kahit na ibinabasura, binabaliwala at hindi mo pinapansin ang pagmamahal ko, at least alam ko sa sarili ko na sa'yo padin ang bagsak ng puso ko na patuloy na nagmamahal sa'yo." sabi ni Alfredo.
Napabuga nalang si Flory nang iniinum nyang tubig dahil sa narinig. Tiningnan nya ang taong nasa harapan nya at lahat sila ay nakatingin na sa kanya.
"Flory, okay ka lang?" tanong ni Sheena sa kanya. Tumango lang sya bilang sagot sabay punas ng kanyang labi.
"Tsk, yan tuloy. Ang cheesy mo kasi Alfredo." natatawang sabi ni Mary.
"Bakit, kasalanan na ba ngayon ang umibig?" Banat na naman ni Alfredo.
"Aish, Oo na! Oo na! Ikaw na ang panalo. Palibhasa may inspiration ka na." naiinis na sabi ni Mary sabay ob-ob sa lamesahan.
"Hayaan mo aking sinta. Matatamis na salita ay pag-aaralan, mapasaya ka lamang." biglang hirit ni Lawrence sa usapan. Napalingon naman silang lahat dito lalong-lalo na ang matagal na nitong kaibigan.
"Hala! Okay ka lang Lawrence? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang sabi ni Mary while checking it's temperature. Mas lalo namang namula si Lawrence dahil dito.
"May tanong lang ako sa'yo, bakit ba ang manhid-manhid mo?" tanong nito. Napakunot naman ang noo ni Mary dahil dito. Ang mas malala pa, parang nag-isip pa ito nang maisasagot.
"Nako naman! Ang complicated nyong dalawa. Ang isa, napakamanhid. Tapos ang isa naman, napakatorpe." pailing-iling na sabi ni Aiken.
"Ikaw nga under sa isa dyan eh!" pang-iinis ni Fernando. Napaharap naman sa kanya si Aiken at tinapunan ng masamang tingin.
"Kapag ikaw umibig, hoyo ka sa akin." tuluyan nang nainis si Aiken kaya naman tumayo na sya at umalis. Napatingin silang lahat sa kanya nang may pagtataka. Huwag nalang natin isali ang mga lalaki. Sila lang naman ang nagkakaintindihan sa istoryang ito.
"Hala, anong nangyari dun?" tanong ni Sheena sa kakambal. Bumuntong hininga muna ito bago harapin si Sheena.
"Talaga bang nakikinig ka sa pinag-uusapan namin kanina?" nakakunot noong tanong sa kanya ni Fernando. Napatango naman si Sheena bilang sagot.
"Aish, ano ba ang dapat kong gawin sa inyong mga babae?" sabi nalang ni Fernando sabay sabunot sa mga buhok dahil sa iritasyon.
To be continued!...
•••••
Ang complicated ng love story nila noh? May mga manhid, torpe, under at kung ano-ano pa.
Fast talk tayo. Reader ka man o silent reader. Ano game?
Q1. Saan ka dito, manhid, torpe o pretender?
Q2. Kaninong story ang gusto mo sa book na ito?
Q3. Kanino sa mga characters ang naiintindihan mo ang pinagdadaanan?
Answers of mine:
A1. Pretender
A2. Aiken at Sheena
A3. LawrenceBabosh mga readers. Hanggang sa muli. 😘😘😘

BINABASA MO ANG
Highschool Love Story!
FanfictionStory ng mga manhid, bitter, pretender, torpe at nagpapakatanga na ang dahilan ay: Pag-ibig! May tanong lang ako. Do you believe in destiny? Do you believe in love? Do you believe in forever? And the last question is: Do you believe in happy ever af...