"Minsan, kahit ginawa mo na ang lahat,
Masasaktan at masasaktan ka pa din.
Kaya huwag mong sisihin si love at destiny.
Dahil ikaw ang nagmahal at nagpakatanga,
At hinding-hindi magiging sila." - @dark_elite105Comment down about this quote! ^_^
*****
Kabanata 10! (Alfredo & Jazetine) 📖
Nandito si Jazetine ngayon sa rooftop ng isa sa mga building ng university. Nakatanaw sa mga taong naglalaro ng soccer, track and field, at marami pang iba.
Mahigit isang linggo nadin ang nakalipas nang makaalis ng bansa si Alfredo. Simula nun, palagi nalang syang balisa at napapansin na ng mga kaibigan nya ang pamumutla at pamamamayat. Wala na kasi syang ganang kumain.
"Hanggang kailan ka tatayo dyan?" tanong ng isang tao sa kanyang likuran. Lumingon sya dito at napansing nakatayo si Lawrence habang nakapamulsa.
"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ni Jazetine. Lumapit naman si Lawrence sa kanya at tumayo sa gilid.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon, magagawa ng lalaki ang maghintay. Darating din sa punto na dahil sa sakit, nagagawa na nilang bumitaw. Kasi ang alam nila, hindi kailan man masusuklian ng taong mahal nila ang pagmamahal na iniaalay nila. Alam mo ba Jazetine," pinutol muna ni Lawrence ang sasabihan nya saka Bumuntong hininga at ipinagpatuloy ang sasabihin.
"Elementary palang tayo, crush ka na ni Alfredo. Hanggang sa tumagal ang mga taon at lalo pa syang nahulog sa iyo. Minsan pa nga. Tinanong namin sya kung bakit ikaw pa ang nagustuhan nya. At alam mo ba kung ano ang naging sagot nya: ' Hindi ko alam. Nung una, paghanga lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Pero lumipas ang panahon at hindi ko na namalayan na mahal ko na pala sya. Sa araw daw na magkakasama tayo, masaya na ako. At pati sa paniginip ko, sya lagi ang pumapasok dito. ' Maluha-luha pa nga sya nung sinasabi nya yun. Habang kami, naku-cornihan na sa mga pinagsasabi nya."
"Hanggang sa isang araw, napagdesisyunan na nyang magtapat sa iyo nung grade 8 tayo. Pero sa mga panahong yun, si Asher pala ang mahal mo. Kaya hindi na nya itinuloy ang pagtatapat nya nang makita nya kung gaano ka kasaya. Sa araw ding yun, pinapunta nya kami sa bar para mag-inuman. Ang pagmamay-ari pa nila. At doon na nya inilabas ang lahat ng sakit. Nagkagulo pa doon dahil sa may bumangga sa kanya ng papunta sya sa Cr binugbog nya yun para kahit papaano ay mabawasan ang nararamdaman nya."
Nang matapos nang magsalita si Lawrence ay Nilingon nya si Jazetine. Hindi na sya nagulat nang makita nyang Umiiyak na nga ito.
Si Jazetine naman, tila nag-flashback sa kanyang utak ang mga nangyari noon. Ang pagkwekwento nya kung gaano nya kagusto si Asher sa mga panahon pang yun. Ang mga sugat ni Alfredo na hanggang ngayon ay hindi pa nya alam kung saan nya nakuha. At ang sinabi nito sa canteen last month.
'Bakit hindi nalang ako? Bakit hindi nalang ako ang mahalin mo?'
'Bakit hindi nalang ako? Bakit hindi nalang ako ang mahalin mo?'
'Bakit hindi nalang ako? Bakit hindi nalang ako ang mahalin mo?'
Tila parang sirang plaka na paulit-ulit na sinasabi ng kanyang isipan. At mas lalo pang tumindi ang kanyang iyak sa sandaling yun.
"You know what, I don't know kung dapat ko bang sabihin sa'yo ito pero... Dapat mo na atang malaman. Ahm, Jazetine. May ipinamimigay si Alfredo sa'yo." sabi ni Lawrence sabay abot ng isang invitation card.
Pagkakita palang ni Jazetine sa card, parang gusto na nyang tumalon mula sa kinatatayuan nya papunta sa baba. 10 floor pa nga ang building eh. Panigurado, patay ka na.
'Engagement Party!'
'Alfredo Molester
And
Juselle Manalangit'"BAKIT IKAW PA? BAKIT SA PANAHON PANG NATUTUNAN NA KITANG MAHALIN, SAKA KA PA MAPUPUNTA SA IBA?" sigaw ni Jazetine at pagkatapos ay napaluhod sa sahig kakaiyak.
"Wala na ba talaga tayong magagawa? Is she already too late?" tanong ni Sheena sa mga kaibigan. Naluluha nadin sya sa kanyang nasisilayan. Sino ba naman ang kaibigan na gustong nakikita ang kaibigan na Umiiyak?
"I don't know. Ngayon ko nga din nalaman na Tinanggap na pala nya ang arranged marriage na inalok ng tatay nya." sabi ni Lawrence.
"Tsk! Ang manhid kasi ng mga babae." pailing-iling na sabi ni Aiken.
"Torpe kasi ang iba dyan. Bakit hindi nalang kaya nila sabihin ang nararamdaman nila sa isang tao? Kumbaga, straight to the point." sagot ni Sheena.
"Madaling sabihin, mahirap gawin." napatingin silang dalawa kay Lawrence na gumuguhit ng sabihin nya yun.
"Wow naman. Pati din pala ikaw?" manghang sabi ni Aiken.
"Binata ka na!" biro naman ni Fernando sa kanya. Napa irap nalang si Lawrence dahil sa inasta ng mga kaibigan at ipinagpatuloy na naman ang pagguguhit.
"Naging hobby mo na ba ang pagguguhit? Nung last month ka pa nakahawak ng papel at lapis ah!" sabi ni Mary sabay tabi sa kanya. Dahil sa pangyayaring iyon, bigla nalang tumayo si Lawrence at saka umalis. Napakunot noo nalang si Mary dahil sa inasta ni Lawrence.
"Anyare dun?" tanong nina Flory at Sheena sa mga kasama nya.
"Tsk! Hayaan nyo na sya. Baka may PMS lang yan." sabi ni Mary at saka nag walkout.
"Wow naman. Walkout king and queen lang ang peg ng dalawa ah!" biro ni Sheena at nagtawanan na nga sila.
"Tsk! Tama na nga yan. Pinag tri-tripan nyo lang ang mga wala dito eh!" naiinis na sabi ni Fernando.
"Oo nga noh! Ang sama nyo." sabi ulit ni Aiken at nagtawanan na naman ulit sila.
"Mga loko loko. Mas mabuti pang umuwi nalang tayo." pangisi-ngising sabi ni Flory. Nang sabihin ni Flory yun, bigla nalang sumeryoso ang expression nina Sheena at Aiken na tila ba may naalala sa mga sinabi ni Flory.
"Pupunta ba tayo?" seryosong tanong ni Sheena sa mga kasama nya.
"Wala tayong magagawa. Yun ang naging desisyon niya eh!" seryoso ding sabi ni Aiken. At napangiti nalang sila ng mapakla.
"Sana nga hindi nya pagsisihan ang desisyon nya." muling sabi ni Fernando. Lumipas ang ilang sandali at umalis na nga ng tuluyan ang dalawang lalaki at nagpa-iwan ang dalawang babae para patahanin si Jazetine.
To be continued!...
*****
Tayo na at magbunyi. Naka-abot nadin ako ng ng Kabanata 10!
BINABASA MO ANG
Highschool Love Story!
FanfictionStory ng mga manhid, bitter, pretender, torpe at nagpapakatanga na ang dahilan ay: Pag-ibig! May tanong lang ako. Do you believe in destiny? Do you believe in love? Do you believe in forever? And the last question is: Do you believe in happy ever af...