"Umiyak man ako sa taong minamahal ko,
At least proud ako dahil marunong akong magmahal ng totoo.
Aaminin ko sa'yo na mahal kita.
Nagseselos ako kapag may kasama kang iba,
Nagtatampo ako kapag mas inuuna mo sila.
Gusto kitang ipagdamot pero inisip ko:
Akin ka ba talaga?
O akin ka lang kapag wala sila?" - anonymous.Comment down about this quote! ^_^
Lawrence Greene at the multimedia!
*****
Kabanata 3! 📖
"Waaah!" sigaw ng isa sa tatlong babae. Napahawak nalang si Flory sa kanyang puso dahil dito. Sino ba naman ang hindi magugulat kung seryosong seryoso kayong lahat pero biglang may sumigaw? Magpatingin nalang kayo sa doctor kung hindi man. Just kidding! ^_^
"Ang cute cute mo!" sigaw ng babaeng may curly black hair at saka biglang yinakap si Flory ng walang pasabi-sabi. Napangiti naman ang dalawa dahil sa inasal ng kanilang kaibigan.
"What's your name dear?" nakangiting tanong ni Sheena sa kanya. Bumitaw naman ang babae sa pagkakayakap sa kanya. At saka itinuon ang kanilang boung attention sa kanya na para bang inaantay ang sasabihin nya.
"A-ahm, Flory Mar Taylor." mahinang pagpapakilala nya. Nabigla naman ulit si Flory dahil sa inakto ng babae. Papaano ba naman, yinakap ulit sya ng babae kani-kanina lang.
'Masyado ba akong mataba para pagkamalang teddy bear?' tanong ni Flory sa isipan.
"Mary, tama na nga yan. Hindi na makahinga ang tao eh." sabat ng isa sa kanila. Bumitaw naman sa pagkakayakap ang babae at saka sya bumalik sa kinatatayuan nya kanina.
"Sheena Mae Natividad nga pala." pagpapakilala ni Sheena sabay abot sa kamay. Tinanggap naman agad yun ni Flory. Nagtaka nga din sya dahil sa ganito pala ang totoong ugali nila. Sino ba naman ang hindi diba? Ibang-iba ang ugali nila kanina sa ugali nila ngayon.
(Meet Sheena Mae Natividad. Isang palaban na babae at sa kanya lang tiklop ang mga lalaki sa kanilang barkada. Is and dakilang pretender din. Pero huwag mong gagalitin. Panigurado, may bagay na Mababasag sa kapaligiran nyo. Swerte ka pa kung hindi ang mukha mo Ang basag. Twin sister of Fernando Natividad. Pranka din magsalita.)
"Rose Mary Pascual." sabi ng may curly black hair. At niyakap ulit sya.
(Meet Rose Mary Pascual. Ang childish ng barkada. Masayahin pero isa sa mga dakilang manhid.)
"Such a clingy baby!" bulong ng hindi pa nagpapakilala.
"Pakialam mo ba? Eh ang cute cute nya eh!" nanggigigil na sabi ni Mary. Plano pa nyang kurutin ang pisngi ni Flory pero hindi na natuloy dahil pumagitna na ang isa."Jazetine Santos." sabi nito.
(A/n: Pronounce Jazetine as 'Jayztin'.)(Meet Jazetine Santos. Ang lover girl ng barkada at isa sa mga manhid. Hindi pinapansin Ang effort ng tao sa kanya.)
"Okay, tell me. Ano ang ginawa mo at nagalit talaga sa'yo ang babaeng yun?" tanong ulit ni Sheena sa kanya.
"Ahm, I've just meet the 4 hunks." mahinang sabi ni Flory.
"Ahhh, kaya pala ganun nalang katindi ang galit sa'yo." sabi ni Mary habang hawak-hawak ang kanyang chin na tila ba nag-iisip."Well, sumama ka nalang sa amin para hindi ka nya gulohin ulit." sabi ni Sheena at naglakad na paalis. Napatulala naman si Flory dahil sa sinabi ni Sheena. Dahil sa hindi pa sya gumagalaw sa kinatatayuan nya at naiiwan na sila ni Sheena, napagdesisyunan na nina Jazetine at Mary na ipagtulakan sya papunta sa kung saan.
"Hahahahahahaha!" tawa ng tatlong lalaki sa isang silid. Pero may isa sa kanila ang tahimik lang na parang ang lalim ng iniisip. Lumipas ang ilang sandali at natahimik na ang boung silid.
"Fernando, ang tahimik mo na atah!" sabi ni Lawrence sa kanya. Pero hindi pa rin kumikibo si Fernando sa kanyang kinauupuan. Mabilis na tumabi sina Aiken at Alfredo sa magkabilang side nya.
"Pre, pwedeng makilangoy?" tanong sa kanya ni Aiken para makuha ang attention nya.
"Ha?" takang tanong ni Fernando ng bumalik na ang kanyang diwa.
"Ang tanong nya, pwede daw bang makilangoy? Ang lalim ng iniisip mo eh! Papunta na ba yan ng Pluto kung hindi ka namin kinausap?" pag-uulit ni Alfredo. Napabuntong hininga nalang si Fernando dahil dito."Pero mga dre, seryoso ah! Ang epic talaga ng expression ni Jermelyn kanina." nagpipigil tawa na sabi ni Lawrence habang nakaupo sa kabilang sofa. Napatawa nalang ulit sila ng maalala nila ang pangyayari.
"Iba talaga ang kakambal mo Fernando. Baradong barado ah! Hindi hinahayaang magpatalo sa kanyang mga kalaban." tawa ng tawa ng sambit ni Alfredo. Sumang-ayon nalang silang lahat dun.
"Ikaw Aiken, matanong nga kita. Ano ang feeling kung ang kaaway mo ay si Sheena?" tanong ni Lawrence kay Aiken. Natahimik naman si Aiken ng dahil dun pero di kalaunan ay nagsalita nadin.
"Believe it or not, hindi nyo kakayanin. Ang lupit kaya nun magsalita." sagot ni Aiken sa tanong ni Lawrence. Napangisi nalang ang tatlo dahil sa sagot nya.
*****
Habang naglalakad si Flory kasama ang tatlong bagong kaibigan, halos lahat na tao ay nakatingin sa kanila. O mas madaling sabihing sa kanya.
'KUNG NAKAKATUNAW LANG ANG TINGIN, MATAGAL NA AKONG TUNAW. AT KUNG NAKAKAMATAY MAN ANG NGITI, MATAGAL NA SILANG PATAY!' sabi ni Flory sa kanyang isipan. Paano ba naman, parating nakangiti ang mga kasamahan nya kaya hindi rin nya maiwasang mapangiti. Pero sa bawat ngiti nya, nakakamatay na tingin, ngisi at nakapamaywang na mga babae ang bubungad sa kanya. Halos iilan lang sa mga ito ang ngumi-ngiti sa kanya ng may sincerity. Sa isip-isip nya, mas okay na yun kaysa sa lahat nalang ng tao ay parang galit sa kanya.
Nagpatuloy sila sa paglalakad at naka salubong na naman nila sina Jermelyn. Parang nawala ang takot nila at humarap sa kanila na nakataas na ang mga kilay.
"Ano ba ang araw ngayon, paligsahan na kung sino ang may pinakamataas na maabot ng kilay?" pambabara ni Sheena sa mga ito. Makikita mo din na parang wala itong gana na kausapin at harapin sila.
"Boom, basag!" sabi ng ilan sa mga tao dun. Makikita naman sa expression nina Jermelyn ang pagka inis sa sinabi ni Sheena. Kaya pulang-pula na ngayon ang ang mga mukha nila at nakakuyom ang kamao na tila pinipigil ang galit.
Pala isipan din sa mga tao kung saan mas nagalit sina Jermelyn. Sa pagkakainsulto ba nila o dahil sa hindi sila karapat dapat na pagtuonan ng pansin.
Naglalakad si Flory ngayon papunta sa Cr. Nang napansin nyang hindi nakaayos ang shoelace ng sapatos nya at kanina nya pa ito tinatapakan, napagdesisyunan nyang tumigil muna sa paglalakad para ayusin ito. Natapos na sya sa pag-aayos at pagtayo nya, sakto namang may kinabunggo sya. Sa lakas ng impact nito ay napaupo nalang sya sa sahig.
Tumingala sya para tingnan kung sino ito but the moment she recognize who the person is, the first word interred to her mind is...
'DEATH!'
Ang una nyang nakita sa expression nito ay pagkagulat. Pero nang mapadako ang tingin nito sa kanya, napalitan na ng galit at pagkamuhi ang itsura nito. Sumilay ang isang nakakamatay na ngisi sa labi nito at pagkatapos ay...
PACK!
Umalingaw-ngaw sa boung paligid ang lakas ng sampal ng palad nito na dumako sa kanyang pisngi. And the next thing you can see to her face is...
FEAR!
To be continued!...
•••••
Sino kaya ang taong sumampal kay Flory?
May makakakita at tutulong kaya sa kanya?
Hintayin nyo nalang ang sagot sa dalawang tanong na iyan sa susunod na kabanata! ^_^
BINABASA MO ANG
Highschool Love Story!
Fiksi PenggemarStory ng mga manhid, bitter, pretender, torpe at nagpapakatanga na ang dahilan ay: Pag-ibig! May tanong lang ako. Do you believe in destiny? Do you believe in love? Do you believe in forever? And the last question is: Do you believe in happy ever af...