"The fact that the person who told you not to cry,
Was the very reason why you cried is funny.
Don't you think?" - anonymousComment down about this quote! ^_^
***
Kabanata 15! (Lawrence & Mary) 📖
•••
HAPPY BIRTHDAY, ROSE!
•••Pagkabasa ni Mary sa sulat, mabilis nyang Nilingon ang kung saan naglalakad ang lalaki pero wala na syang nasilayan. Inilibot nya ang kanyang paningin pero wala padin. Sa halip ay nakita nya si Lawrence na nakatayo sa may pintuan ng silid. Akmang lalapitan nya sana ito pero may kumalabit na sa kanya.
"Hoy!" sigaw nito at napatalon nalang sya sa pagka bigla dahil dito. Hinarap naman nya ang taong yun pero Napa-irap nalang sya ng mapagtanto kung sino ito.
"Papatayin mo ba ako sa pagka bigla?" pasigaw nyang sabi dito.
"Sorry naman. Haha!" Tatawa-tawang sabi nito.
"Ah, ganun? Patayin kaya kita ngayon din?" sabi ni Mary sabay pulupot ng dalawang kamay sa leeg ni Jose. At saka nya dini-inan yun at tuluyan na ngang namatay si JC pero syempre...
Joke lang yun! Haha! 😂
"Ito naman. Patay agad agad? Hindi ba pwedeng pakasal muna tayo?" biro pa nito.
"Gago! Huwag ako! Ang landi mo talaga eh noh?" irap na sabi ni Mary sabay tingin sa kinaroroonan ni Lawrence kanina pero wala na ito dito. Inilibot nya ulit ang paningin pero hindi na mahagilap ng kanyang tingin kung nasaan ito.
Kaya ipiniling nya na lang ang ulo kung bakadakaling imahinasyon nya lang ang kanina. Baka dahil sa kagustuhan nyang makita si Lawrence ay kung ano-ano na ang mga nakikita nya.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jose sa kanya ng mapansin ang ginagawa nya.
"Okay lang ako." sagot nya sabay ngiti.
"Well, HAPPY BIRTHDAY! BESHIE!" sigaw nito sabay yakap sa kanya ng napaka higpit.
"Salamat!" sabi naman nya at niyakap din ito pabalik. Nang kakalas na sana si Mary sa yakap nilang dalawa ni Jose, bigla nalang itong mabilis na humarap sa kanan ni Mary at pagkatapos ay hinalikan sya sa kanang pisngi. Dahil pagka bigla, hindi na kaagad naka react si Mary sa nangyari.
Pero sa kabilang banda, may isang lalaking kanina pa nakatingin sa kanila. Nakakuyom ang mga palad habang madilim ang aura na nakatingin sa kanila.
"I'll get you no matter what, Rose!" sabi ng lalaki at pagkatapos ay aalis na sana sya sa kanyang kinatatayuan pero may isang babaeng humarang sa kanyang daraanan.
"Can't you just tell her what you fell? You're just hurting yourself!" sabi ng babae sa kanya.
"Bakit, ikaw ba? Kaya mo bang sabihin sa kanya na mahal mo sya? Tsk! Bago mo ako pagsabihan, ayusin mo muna yang love story mo!" aalis pa sana sya ng sabihin nya yun pero nagsalita na naman ang babae.
"Oh really? But me? I already give up on him! Pero ikaw, umaasa ka padin na masusuklian nya ang pagmamahal mo sa kanya." sabi nito sabay alis sa kinaroroonan nila at pumunta sa mga kaibigan nya. Ang lalaki naman ay naiwan doon habang nakatulala.
"Sigurado ka kaya na wala na talaga, Sheena?" sabi nya sa babae at tuluyan nang umalis sa lugar.
Hindi pa natatapos ang celebration ng birthday ni Mary ay umalis na sya sa party para puntahan ang isang taong kanina pa nya hinahanap at hinihintay na dumating.
At si Lawrence naman ay nakatihaya sa kanyang kama habang nakatingin sa kawalan. Iniisip kung tama ba ang pagpunta nya sa birthday ni Mary kanina?
Pero masaya padin sya dahil sa kahit papaano ay nakasayaw nya si Mary sa pagkakataong yun.
*Knock! Knock!*
Katok ng isa sa kanilang katulong sa pintuan ng kanyang silid. Pero lumipas ang ilang minuto ay hindi nya ito binubuksan o kaya hindi man lang sya tinutugon sa katok.
"Sir Lawrence, may naghahanap po sa inyo." sigaw ng katulong pero hindi padin nya ito tinutugon.
Lumipas ang ilang minuto at tumigil na ito sa kakakatok sa kanyang pintuan. Ang akala pa nya ay tuluyan na itong umalis pero may kumatok na naman sa pintuan ng lumipas ang ilang minuto.
"Ano ba yaya! Can you just shot the fuck up?" galit na nyang sigaw sa kumakatok at bigla nga itong tumigil.
"Lawrence, can you please open the door? I just need to talk to you!" pagka rinig nya sa boses na yun, bigla nalang nagising ang kanyang diwa at napamulagat ang kanyang mga mata.
'What is she doing here? Is the party has been finished?' tanong nya sa kanyang sarili. At dali dali syang bumangon sa kanyang higaan at naglakad na papuntang pintuan.
"What are you doing here? Tapos na ba ang debut mo?" tanong nya kay Mary nang makita nyang suot suot pa nito ang kanyang ball gown kanina.
"Bakit ka hindi pumunta sa kaarawan ko? Akala ko ba kaibigan kita? Bakit ka hindi pumunta sa pinaka importanteng event ng buhay ko?" maluha-luhang tanong ni Mary sa kanya. Hindi na kasi nito maitago ang sakit na kanyang nararamdaman sa lalaki sa harapan nya.
Nang makita ni Lawrence ang maluha-luhang si Mary, bigla nalang lumambot ang puso nya. Akmang hahawakan nya sana ang ang ibabaw ng ulo ni Mary pero bigla nalang bumalik sa kanyang isipan ang masayang pag-uusap, pagyakap, at paghalik ni Jose kay Mary at doon na lumabas ang galit na kinikimkim ni Lawrence mula pa kanina.
"Sigurado ka bang kailangan mo pa ako dun?" puno na sarkasmong tanong ni Lawrence sa kanya.
"W-what?" nagtatakang tanong ni Mary ng sabihin ni Lawrence yun.
"Hahahahahahaha!" napa kunot noo nalang sya nang bigla nalang itong tumawa pero Kitang-kita parin ang sakit at luha sa mga mata nito.
"Bakit ka ba tumatawa? Nababaliw ka na ba?" naiinis nang sabi ni Mary. Paano ka ba naman hindi tatawa kung seryoso kang nakikipag-usap pero tinawanan ka naman pala?
But the one who bothers her is the pain and tears that she saw into his eyes. It's feels like her heart has been tear apart and she also even feel the pain he feels right now.
'Why am I being like this? Why do this man had this effect on me?'
To be continued!...
***
Hope you enjoy!💗😊😊😊
BINABASA MO ANG
Highschool Love Story!
FanficStory ng mga manhid, bitter, pretender, torpe at nagpapakatanga na ang dahilan ay: Pag-ibig! May tanong lang ako. Do you believe in destiny? Do you believe in love? Do you believe in forever? And the last question is: Do you believe in happy ever af...