Kabanata 12! (Lawrence & Mary) 📖

22 6 5
                                    

"Kung sasaktan mo lang sana ako ng ganito,
Mas mabuti pang pinatay mo nalang ako." - @dark_elite105

Comment down about this quote! ^_^

*****

Kabanata 11! (Lawrence & Mary) 📖

Hindi din nagtagal at nagkaunawaan na sina Jazetine at Alfredo. Tinanong pa ni Jazetine kung papaano na si Juselle pero isa lang pala ito sa childhood friends ni Alfredo at may boyfriend na.

Ikwenento din nya na halos patayin na sya ng boyfriend nito nang malamang Hinalikan ni Alfredo si Juselle sa party. Ang usapan lang kasi ay magpapanggap lang ito na fiancé ni Alfredo pero dahil nga sa selos ay nahalikan nya ito.

"Hahahahahahaha!" tawa ng mga kaibigan nya matapos nyang magkwento.

"Yan ang napala mo." matawa-tawang sabi ni Aiken.

"Buti nga sa'yo!" pagsang-ayon ni Jazetine.

"Babe naman eh!" parang bata na sabi ni Alfredo at pinagtawanan na naman sya.

"Nung last month pa yan ah?" sabi ni Mary ng makitang gumuguhit na naman si Lawrence ngayon.

"Paki mo ba?" sabi ni Lawrence sabay irap.

"Parang bakla." bulong ni Mary sa sarili nang makita nyang umirap si Lawrence.

"Anong sabi mo?" kunot noong tanong ni Lawrence.

"May narinig ka ba?" mataray na sabi ni Mary.

"Meroon."

"Edi Meroon. Tsk!" sabi ni Mary sabay walkout.

"Anong problema ng isang yun?" tanong ni Lawrence sa mga kasama pero parang wala silang narinig. Sina Aiken at Fernando ay naglalaro ng pitik bulag. Sina Sheena at Flory, naglalaro ng pick pack boom at sina Alfredo at Jazetine ay pinaglalaruan ang cellphone ni Alfredo. Ang cool ng barkada nila noh?

"Pick pack boom. Holy holy hoy. Sinong matalo syang unggoy." - Flory and Sheena.

"Yes, panalo ulit ako." masayang sabi ni Flory.

"Tsk, madaya ka." sabi ni Sheena sa kanyang sarili.

"Guys, punta kayo sa birthday party ko ha? Kayo kasi ang nasama sa mga 18 roses at 18 candles ko eh!" sabi ni Mary habang kamot kamot ang batok nya.

(A/n: Grade 12 nga pala silang lahat. At STEM ang kinuha nila.)

"Oh, akala ko ba umalis ka na?" tanong ni Lawrence. Umirap nalang si Mary at saka itinuon ang pansin sa mga kaibigan.

"Ikaw Alfredo at Jazetine ang 15th rose and candle ko. Si Aiken at Sheena ang 16th. At sina Fernando at Flory ang 17th." paliwanag ni Mary. Napatigil nalang si Lawrence sa pagguhit dahil sa narinig.

"Paano si Lawrence?" tanong ni Flory. Napatampal nalang sa noo ang mga kasama nila dahil sa sinabi ni Flory. Ito din kasing si Flory, hindi din nakakaramdam.

"Ahm..." napatingin silang lahat kay Mary nang simulan nitong magsalita.

"Hindi ko din alam. S-sina mama kasi ang pipili ng 18th rose ko at b-baka si Lawrence ang 14th rose." pagkasabi ni Mary dun napatingin silang lahat kay Lawrence ng tumayo ito at Nagsimula nang maglakad.

"Hay nakoh!" sabi nalang ni Fernando sa sarili.

"Another love story to solve." pagpaparinig ni Aiken. Pero napangisi nalang si Sheena dahil sa iniisip.

"Oh, ano na naman ba ang nginingisi-ngisi mo dyan?" tanong ni Aiken ng mapansing nakangisi ito.

"Wala ka na dun." sabi ni Sheena sabay ngiti.

"Creepy!" sabi nalang nila sa sarili dahil sa pagngiti nito. Minsan lang kasi ito kung ngumiti at kung nagkataon man, may binabalak ito. It's either makakasama o makakabuti sa tao.

Habang naglalakad si Mary papunta sa kanilang silid, may bigla nalang bumangga sa kanyang isang lalaki.

Tumingala sya para tingnan ito dahil sa may pagka matangkad din ito. Mga magkasing tangkad lang sila ni Lawrence. Aaminin nyang gwapo ito pero wala padin eh. Walang spark, alam nyo yun?

"Ahm miss, sorry nga pala." sabi ng lalaki habang tinutulungan syang kunin ang kanyang mga gamit.

"Okay lang." Mahina nyang sambit at saka naglakad na paalis. Naiwan naman doon ang lalaki na naka ngiti.

"Okay class, may classmate nga pala kayo ngayon. He's a transferee. Ahm, you may now get inside." their teacher politely said.

"Sana lalaki."
"Sana babae."
"Sana gwapo."
"Sana maganda."
"Huwag naman sana nerd."

Halos lahat sila ay yun ang sinasabi sa sarili at isipan. Nagsimula nang maglakad ang bagong estudyante papasok sa kanilang silid.

"Thanks god!" sabi ng mga kababaehan nang makapasok na ito.

"Class, silent." sabi ng teacher.

Bulungan doon.
Bulungan dito.
Bulungan sa lahat ng dako. Pero ang 8 lang ma estudyante ang parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid.

Sina Alfredo at Jazetine ay nagkwekwentuhan.
Si Lawrence ay gumuguhit na naman.
Si Mary ay naka sobsob ang mukha sa lamesahan.
Si Flory ay nagbabasa ng Geometry book.
Si Fernando ay natutulog.
Si Aiken ay nakikipagharutan sa kanyang katabing babae.
At si Sheena ay nagbabasa ng libro habang nakangisi. Binabasa ang last book ng Twilight.

What would you expect to them right?

"Ahm, anyeonghaseo. Jose Carl Park imnida. Jose for short." sabi ng bagong estudyante sabay bow. At sa pagkakataong ito ay sinulyapan na sya ng walo.

Halos manlaki ang mata nila sa nakita. Habang si Flory ay nagtataka kung bakit ganun nalang ang expression ng kanyang katabing si Fernando. At si Sheena naman ay Nanatiling nagbabasa pero mas lumawak na ngayon ang ngisi nya

"Let the game begin' sabi pa nito sa isipan.

"Ahm, student. Mayroon ba kayong gustong itanong kay Jose? Is it okay for you, personal question is included." tanong ni Ginang Espinosa sabay tingin kay Jose. Bago pa man sya makasagot, ngumiti na muna sya.

"Sure, I'll be glad to answer those question." ^_^

"Koreano ka ba?" - student.

"Actually, I'm a half-korean and half-pilipino." - Jose.

"May girlfriend ka na ba?" - student.

"None." - Jose.

"Eh nagugustuhan?" - student.

"He he! Mayroon atah?" Sabi nya habang nakahawak sa kanyang batok.

"Nandito ba sya?" - student.

"Maybe." natatawang sabi ni Jose. Parang ine enjoy nya lang ang mga tanong eh.

"Kaya ka ba lumipat dito para sundan sya?" - student. Sa question na yun hindi nakasagot si Jose. Kaya naman nang mapansin ng guro na hindi na sya comfortable, napagdesisyunan na nyang patahimikin nalang ang mga estudyante.

To be continued!...

****

Ano kaya ang magiging role ni Jose sa buhay ng ating mga bida?

Isa ba sya sa dahilan kaya magkakaroon ng third party?

Highschool Love Story!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon