Kabanata 13! (Lawrence & Mary) 📖

20 5 0
                                    

"Bakit ngayon ka lang?
Bakit ngayon,
Kung kailan ang aking puso'y
Mayroon nang laman.
Sana ay nalaman ko,
Na darating ka sa buhay ko.
Di sana ay naghintay pa ako..." -  freestyle, Pops Fernandez.

Comment down about this quote! ^_^

*****

Kabanata 13! (Lawrence & Mary) 📖

Habang nakatayo si Mary ngayon sa rooftop ng kanilang main building, bigla nalang may humawak sa kanyang dalawang braso mula likuran.

"Boooo!" sigaw pa nito.

"Anak ng tipaklong." sigaw ni Mary habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. Lumingon sya sa kanyang likuran para tingnan kung sino ang tao. Napa-irap nalang sya ng mapagtanto kung sino ito.

"Welcome back to me?" sabi nito sabay yakap sa kanya at ngumiti pa.

"Hoy, bitaw." sabi ni Mary sabay tap sa braso nito.

"Miss na talaga kita. Beastie!" sabi nito.

"Bakit ka pa nagpakita?" tanong ni Mary sabay taas sa kanyang kilay.

"Ito naman. Dalawang taon lang akong nawala Nakalimutan mo na ako kaagad?" naka pout nitong sabi sabay arteng makasimangot.

"Sino ba kasi ang umalis sa atin ng walang paalam?" naiinis na sabi ni Mary sabay irap.

"Oy, tama na nga yang pang-iirap mo. Baka ano pa ang mangyari dyan sa mata mo. Sige ka!" sabi pa ni Jose.

"Tsk, papaano mo sila kakausapin ngayon?" tanong ni Mary sabay tingin sa kanya.

"Hindi ko alam eh! Baka atah mamaya na." sabi ni Jose sabay patong ng kanyang kamay sa may bakal.

"Ano ang pangalan ng babaeng kausap ni Fernando kanina?" tanong ni Jose.

'Ano na naman ba ang kailangan ng lalaking ito kay Flory? Pero Pasensya na. Kay Fernando na yun eh! Hahahahahahaha!' sabi ni Mary sa kanyang isipan.

"Oh ano na naman ba ang iniisip mo at ngumi-ngiti ka mag-isa dyan." tanong ni Jose ng mapansin ang pagngiti ni Mary.

"Wala. At tungkol naman sa tanong mo kanina, it's Flory. Flory Mar Taylor ang pangalan nya." sagot ni Mary.

"She's cute." nakangiting sabi ni Jose sa sarili.

"Kung ako sa'yo, huwag nalang sya. Kay Fernando na yun eh." sagot ni Mary. Napasimangot nalang si Jose ng sabihin ni Mary yun.

Tumagal din ang kanilang pag-uusap at mapapansin ding bumabalik na din ang dati nilang bonding noong bata pa sila. At hindi na nila napapansin na may isang pares pala ng mata ang nakatingin ngayon sa kanila. Makikita kung ano talaga ang nararamdaman nito sa babae.

"Bakit hindi mo nalang sabihin ang nararamdaman mo hanggang sa mas maaga pa?" tanong ng isang boses sa kanyang likuran. Napatingin pa sya sa nagsalita at agad naman nyang itinuon ang kanyang pansin sa dalawang nag-uusap pa hanggang ngayon. Alam naman kasi nya na kung sino man ang nasa likuran nyang yun ay ito ang mas nakakaintindi kung ano ang nararamdaman nya ngayon.

Ikaw pa naman ang magmahal ng isang player? Tingnan lang natin kung hindi mo mahahalataan ang mga nararamdaman ng nasa kapaligiran mo. Ang sakit kayang magmahal ng isang player. Subukan nyo para malaman nyo.

Haha, but it's just a silly joke. And I'm just kidding about that. Huwag nyo sanang seryosohin.

"But I may remind you. Baka magsisi ka sa huli. Masakit ang masaktan. Buti lang sana kung ang mangyayari sa iyo ay parang kay Alfredo at Jazetine. Pero sa mundo natin; may happy at tragic ending." muling sabi ni Sheena bago tuluyang umalis.

"Paano ako lalaban kung sa mga nakikita ko ngayon ay wala na akong ipaglalaban?" tanong ni Lawrence sa isipan at hindi din nagtagal ay umalis na din.

Lumipas na din ang mga araw at ngayon na ang 18th birthday ni Mary o ang tinatawag nilang debut.

"Ma, sino ba talaga ang 18th rose ko?" pangungulit nya sa ina nang pumasok ito sa loob ng silid na kung saan sya inaayusan. Ilang araw fin nyang kinukulit ang magulang kung sino ba talaga ang 18th rose nya.

"Soon Mary. Soon." nakangiti nitong sabi ng ina pagkatapos ay umalis na ito sa silid. Lumipas pa ang ilang sandali at may kumatok muli sa kanyang silid. Napagdesisyunan nyang papasukin kung sino man ito. Baka kasi ang mga kaibigan nya pala ang mga ito. At hindi nga sya nagkamali. Dahil isa isa silang pumasok sa kinaroroonan nya.

"Happy Birthday, Mary!" sigaw nina Jazetine at Flory sa kanya sa sabay yakap. Hindi alintana sa kanila kung pagalitan man sila ng kanyang make-up artist. Habang nakayakap ang dalawa sa kanya, pinilit nyang tingnan ang mga kaibigan na nakatayo sa di kalayuan pero bigla na lang syang na lungkot nang hindi mahagilap ng kanyang paningin si Lawrence.

"Mary, dalaga ka na. Haha!" sabi ni Flory sabay tawa. Pero Kitang-kita naman ma pilit iyon.

"Nasaan si Lawrence?" tanong nya sa mga kaibigan. Lumipas pa ang ilang minuto at wala pading nagsasalita sa mga ito. Kaya naman Nilingon nya kung saan si Sheena at binigyan nya ito ng questioning look. Pero pati ito ay nag-iwas ng tingin.

Kaya mapakla syang napangiti nang dumapo sa isip nya na baka hindi ito dumating o makakarating. Hindi man nya aminin, si Lawrence ang pinagdarasal nya na maging escort at 18th rose nya. Pero ngayon ay nakumpirma na nya na hindi nga ito kasali sa 18th rose nya. Kahit man ito ang 14th ay okay lang. Basta maka attend lang ito.

Ngayon ay dumating na din ang sandali ay makikikilala na nya ang escort nya. Hindi man halata kung titingnan ang physical appearance nya ay mararamdaman mo naman kung hahawakan mo ang kamay nya. Nanlalamig na kasi ang mga ito.

Pilit man nyang kinakalma ang kanyang sarili ay wala pading nangyayari. At mas lalo pang nadadagdagan ang kanyang kabang nararamdaman.

"This is it!" sabi nya sa kanyang sarili nang nasa tapat na sya ngayon ng pintuan pababa sa mahabang hagdanan kung saan sya dadaan at doon din sya sasalubungin ng kanyang escort.

"Thank you, all of you. For gathering today to witness the 18th birthday of my beloved daughter. And now, for all of you to know her, please welcome and give around of applause to... Rose Mary Pascual." pagpapakilala sa kanya ng kanyang ina.

To be continued!...

***
Thanks for reading! Love lots!

Xoxo 😘😘😘

Highschool Love Story!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon