"Tama na!
Masakit na!
Oo, mahal na mahal kita.
Pero kung palagi nalang ako ang umuunawa,
Ayaw ko na!
Tao rin ako na may sakit na nadarama." - @dark_elite 105Comment down about this quote! ^_^
*****
Kabanata 8! (Alfredo & Jazetine) 📖
"I repeat my question! Nakita mo na ba?" tanong ulit ni Fernando.
"Aish!"
"Tsk!"
"Psh!"
"KJ!"
Reklamo ng mga nasa paligid. Pero natahimik din sila nang tingnan sila ng masama ni Fernando.
"Ahm, actually. Mary is right. He didn't talk nor take a single glance over me." sagot nya.
"Kausapin mo nalang bukas." ulit ni Lawrence sa sinabi nya kanina. Napayuko nalang si Jazetine dahil dito. May iba kasi syang nararamdaman nang hindi sya kinausap ni Alfredo. Kahit lumingon man lang ay hindi pa nagawa.
Ilan pang sandali pa ang lumipas at napagdesisyunan na nilang umuwi na.
"Jazetine, Flory! Sigurado ba kayong kaya nyo nang umuwi mag-isa?" nag-aalalang tanong ni Sheena sa dalawa. Ngumiti nalang ang dalawa bilang sagot.
"Ito nalang. Magpapahatid nalang ako kay Aiken at si Fernando na ang bahala sa inyong dalawa. Okay lang naman yun diba?" tanong ulit ni Sheena nang maka isip uli ng solusyon. Ngumiti pa ito ng matamis kay Aiken para makumbinsi. Ito namang si pare koy, napaiwas nalang ng tingin. Tumango nalang silang lahat para matapos na ang deskusyon.
"Aiken, ingatan mo yang utol ko ah?" huling bilin ni Fernando nang tuluyan nang makapasok sina Aiken at Sheena sa kotse. Napangisi nalang si Aiken dahil dito. Parang itatanan na kasi nya ang kapatid nito dahil sa mga pangangaral.
"Hindi ko maipapangako eh! Mas maganda atah yun para mabawasan na ang kaaway ko sa mundo." biro ni Aiken pero hindi ito naging biro kay Sheena. Napayuko nalang ito sa passenger seat dahil sa narinig.
"Sira ka talaga." pailing-iling na sabi ni Fernando at akma sana itong tatalikod para pumunta na sila sa kotse nito nang biglang nagsalita si Sheena.
"Kuya, sabay nalang ako sa inyong tatlo." sigaw ni Sheena sabay labas ng kotse. Napakunot noo nalang sina Aiken at Fernando sa inasal nito.
"Bakit naman? Akala ko ba okay na ang lahat?" tanong ni Fernando. Mapait namang ngumiti si Sheena bago nya ito sagutin.
"Gusto mo na ba akong mamatay? May plano atah yang kaibigan mong iwanan ako sa kung saan eh!" Kahit na anong gawin ni Sheena na ngumiti sa mga kaibigan ay mapapansin parin sa boses ng dalaga na kung magsasalita pa sya ay siguradong hahagolgol na ito sa pagluha. Pero ito namang si Aiken, parang hindi makadama. Nalilito na kasi sya kung bakit ganun si Sheena. Matagal na kasi nya itong inihahatid pero ngayon lang ito naging ganito.
"Wow naman Sheena. Hindi ko yun gagawin noh? Bakit, naiilang ka na ba o in love ka na nang tuluyan sa akin?" pagbibiro uli ni Aiken.
"Ewan ko sa'yo." mahinang sabi ni Sheena habang nakayuko sabay punta sa kotse ng kapatid. Naiwan naman dun ang apat na nakaawang ang labi dahil ngayon lang hindi nakipag-away si Sheena kay Aiken.
"Anong problema nun?" tanong ni Aiken. Napabuntong hininga at napailing nalang sina Fernando dahil dito. Habang si Sheena ay kanina pa paulit-ulit sa isipan nya ang sinabi ni Aiken kani-kanina lang.
'Hindi ko maipapangako eh! Mas maganda atah yun para mabawasan na ang kaaway ko sa mundo.'
Umaga na at nakatayo ngayon si Jazetine sa harap ng silid aralan nina Alfredo para sana kausapin ito pero sa kasamaang palad ay hindi pa ito dumarating. Lumipas pa ang ilang minuto at habang nakayuko si Sheena ay may isang pares ng paa ang tumigil sa kinatatayuan nya. Nung una pa ay napangiti pa ito dahil inaakala nyang si Alfredo ito pero pagka angat nya ng paningin nya ay ibang tao ang bumungad sa kanya.
"Jazetine, pwede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong nito sa kanya. Tumango nalang sya dahil kailangan din naman nya itong kausapin.
"Jazetine, hindi ko alam kong saan ako magsisimula pero sasabihin ko nang hindi talaga tayo pwede. Matalik na kaibigan at nakakabatang kapatid lang talaga ang turing ko sa'yo." sabi ni Asher. Ngumiti nalang si Jazetine dahil dito. Hindi nya alam pero hindi sya nasaktan nang sabihin ito ni Asher. Siguro nga ay crush lang talaga nya si Asher kaya ganun.
"Okay lang yun, Siguro nga ay crush lang talaga kita kaya ganun. Pero wala na yun. Masaya ako sa inyong dalawa ni Judilyn. Pero bago yun, can I hug you?" sabi ni Jazetine. Bago pa makasagot si Asher ay niyakap na sya ni Jazetine.
Hindi naman kalayuan sa kanilang kinatatayuan ay may taong kanina pa nakamasid sa kanila. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napa patak nalang ang kanyang mga luha dahil sa nakikita.
"Alfredo, nandito ka na pala. Nakausap ka na ba ni..." naputol ang sasabihin sana ni Lawrence nang mapansin nya ang mga luha na tumutulo sa mga mata ni Alfredo. Kung titingnan mo ito ngayon, durog na durog na sya. Sinundan ni Lawrence ang tinitingnan ni Alfredo at dun na nya naunawaan kung bakit ganun nalang ang nararamdaman ng kaibigan.
Magsasalita pa sana ulit si Lawrence pero umalis na agad si Alfredo nang mapagtanto nyang paalis na sina Jazetine at Asher sa kanilang pwesto at papunta na ang mga ito sa kinaroroonan nila.
"Hay, bakit ba napaka complicated ng dalawang ito? Halata namang mahal ang isa't-isa. Hindi lang maamin-amim. Tsk!" pailing-iling na sabi ni Lawrence sa kanyang sarili.
"Oy, sino ang kinakausap mo dyan?" muntik na syang mapatalon sa kanyang kinatatayuan nang biglang nagsalita si Jazetine sa harapan nya.
"Bakit ka ba pasulpot sulpot sa kung saan?" tanong ni Lawrence kay Jazetine. Inilibot pa nya ang kanyang paningin para malaman kung kasama pa ni Jazetine si Asher. Pero wala nang mahagilap ang kanyang paningin.
"Hindi ako pasulpot sulpot. Sadyang malalim lang ang iniisip mo kaya hindi mo napansing nandito na pala ako sa tabi mo. Tsk!" mataray na sabi ni Jazetine.
"Whatever!" irap ni Lawrence at aalis na sana sya pero tinanong na ni Jazetine sa kanya kung nakita na ba nya si Alfredo. Napa isip nalang si Lawrence kung sasabihin ba nya kay Jazetine ang totoo. Bumuntong hininga na muna sya bago nya sagutin ang tanong ni Jazetine.
"Pasensya na. Hindi pa eh!" pagsisinungaling nya. Napangiti nalang si Jazetine ng mapait at Kitang-kita sa mata at aura nito kung gaano sya kadismayado sa sagot ni Lawrence sa kanya.
'Pasensya na. Kayo na dapat ang lumutas sa sarili nyong problema.' sabi ni Lawrence sa kanyang isipan bago sya magpaalam kay Jazetine dahil may pupuntahan pa sya.
To be continued!...
*****
Hope you like it! 😘😘😘
BINABASA MO ANG
Highschool Love Story!
FanfictionStory ng mga manhid, bitter, pretender, torpe at nagpapakatanga na ang dahilan ay: Pag-ibig! May tanong lang ako. Do you believe in destiny? Do you believe in love? Do you believe in forever? And the last question is: Do you believe in happy ever af...