"Halos ipagsigawan ko sa boung mundo na mahal kita!
Halos mabaliw na ako sa kaiisip kung para ba tayo sa isa't-isa.
Maaari ngang nasasaktan na ako ng paulit-ulit.
Maaari ngang tawag-tawagin nila akong manhid.
Kung sa dulo nitong paghihinagpis ay kasiyahang wala nang kapalit!" - @dark_elite105Comment down about this quote! ^_^
*****
Kabanata 6! (Alfredo & Jazetine) 📖
Kasalukuyang nakatanaw ngayon si Jazetine sa labas ng cafeteria habang nakatanaw sa dalawang taong nag-uusap. Halatang hinihintay ng babae kung ano ang sasabihin ng lalaki sa kanya. Habang ang lalaki naman ay nakahawak sa kanyang batok at halatang kinakabahan. Napangiti nalang ng mapait si Jazetine dahil sa nangyayari.
"Booo!" sigaw ni Alfredo na nasa kanyang likuran. Napaharap nalang sya dito dahil sa inis.
"What is it this time, Alfredo?" tanong nya dito. Halata din ang pagka inis sa kanyang boses.
"Sasabihin ko lang sana na..." hindi na natuloy ang sasabihin ni Alfredo nang matanaw nya ang dalawang taong tinitingnan ni Jazetine kani-kanina lang.
"Oh, sina Asher at Judilyn yun diba?" tanong ni Alfredo habang turo-turo ang mga ito. Nilingon ulit ni Jazetine ang mga ito at nakatingala na sa kanila habang nakatingin at kumakaway-kaway pa sa kanilang dalawa ni Alfredo. Ngumiti naman si Alfredo at kumaway din pabalik sa dalawa.
"Ang swerte ni Asher noh? Natagpuan na nya ang babaeng para sa kanya." sabi ni Alfredo kay Jazetine. Napangiti nalang ng mapakla si Jazetine dahil dito. Hinarap sya ni Alfredo at nakikita nito kung paano pilit na ngumiti si Jazetine na may kasamang sakit. Makikita ito sa mga mata nya na nasasaktan habang nakatingin kina Asher.
"Bakit hindi nalang ako? Bakit hindi nalang ako ang mahalin mo?" may sakit sa mga salitang sabi ni Alfredo. Napaharap sa kanya si Jazetine na nakakunot noo.
"Ano ang sabi mo?" tanong nito na nakakunot padin ang noo. Napabuntong hininga nalang si Alfredo dahil sa mga pinaggagawa ni Jazetine. Ang hirap talaga kung isang dakilang manhid ang mahal mo. Tsk!
"Isa ka ba talaga sa mga dakilang manhid sa mundong ito o sadyang nagbubulag-bulagan ka lang sa mga nangyayari?" deretsong sambit ni Alfredo na mas lalong nagpagulo sa isip ni Jazetine.
"Ano ba ang mga pinagsasabi mo? Pwede bang deretsohin mo nalang ako?" naiinis nang sabi ni Jazetine.
"Ewan ko sa'yo!" sabi nalang ni Alfredo sabay labas sa kanilang silid aralan. Naiwan naman doon si Jazetine na nakaawang ang mga labi. Iniisip padin nya kung bakit ganun nalang mag react si Alfredo.
'Hindi kaya... Hindi, hindi! Impossible naman atah yun.' pailing-iling na sabi ni Jazetine sa kanyang sarili. Naniniwala kasi sya na kaibigan lang ang turing ni Alfredo sa kanya. Mula nang magka isip sya ay ito na ang naging kaibigan nya. She treasured him like the way she treasured her own family.
"Oy, Jazetine! Bakit ganyan ang itsura mo? May gumugulo ba sa isipan mo?" tanong sa kanya ni Mary nang napansin nilang palagi itong wala sa sarili, tulala at parang ang lalim ng Iniisip.
"Tsk, positive. May gumugulo sa isipan nya." sabi ni Sheena habang nagbabasa ng libro. Kung papansinin nang karamihan, parang wala syang pakialam sa paligid nya dahil palaging nagbabasa ng libro at palaging nakatutuk sa cellphone nya. Nung una pa nga, ang akala ng mga kaibigan nya ay may text mate sya pero nagbabasa lang pala sya. And for more information, abangan nalang natin.
"Jazetine, okay ka lang? Namumutla ka na eh. Samahan na kita sa clinic." nag-aalalang sabi ni Flory pero tanging pilit na ngiti lang ang iginanti ni Jazetine. Tumayo na ito para sana umalis pero sa hindi nya maintindihang pangyayari ay biglang umikot nalang ang kanyang paningin at tuluyan nang nanlabo ang paningin and everything turns to black to her sight.
"Jazetine!" sigaw ni Alfredo sa kanyang pangalan. Yun ang huli nyang narinig bago pa man sya tuluyang nawalan ng malay.
"Jazetine, wake up!" mahinahong sabi ng isang boses na nasa kanyang tagiliran ang syang gumising sa kanya. Pero mas pinili nyang nakapikit ang kanyang mga mata. Naramdaman nyang hindi lang sila ni Mary ang nandoon sa silid na yun. May kasama silang mas higit pa sa dalawang tao.
"Mary, where am I?" tanong nya sa katabi. Inilibot nya ang kanyang paningin at nakita nyang nakatulog katabi ni Mary si Sheena at Flory. Habang nakaupo sina Fernando, Aiken at Lawrence sa mahabang sofa.
'I'm in the clinic. Nasaan na nga ba si Alfredo?' tanong ni Jazetine sa sarili.
BOGSH!
"What the f*ck is that?" sigaw ni Asher kay Alfredo habang nakaupo at pinupunasan ang dumudugo nyang labi. Tumingala pa sya para tanongin sana si Alfredo pero nakatanggap na naman sya ng isang malakas na suntok.
"Alfredo, ano ba?" sigaw ni Judilyn habang nakaharang sa pagitan nina Alfredo at Asher. Napangiti nalang si Alfredo at marahang tumawa.
"Napakatanga mo, Asher. Hindi mo ba alam na may nasasaktan ka na sa mga pinaggagawa mo?" puno ng sakit, galit at pighati na sigaw ni Alfredo.
"Ano ba ang pinagsasabi mo? As far as I know, walang taong sinaktan si Asher." sigaw pabalik sa kanya ni Judilyn habang tinutulungang tumayo si Asher.
"Akala nyo lang yun. Look at what you've done. Nang dahil sa inyo, nanghihina na si Jazetine. Nang dahil sa'yo Asher, unti-unti nang nawawala sa akin si Jazetine." sigaw nya sa kanila at saka sinuntok sa huling pagkakataon si Asher at naglakad na paalis. Naiwan na dong tulala sa pangyayari sina Asher at Judilyn.
"He's already in love to his own best friend. He's also been to much to her." sabi ni Asher sa sarili.
"Asher, listen. Wala kang kasalanan. Umibig ka lang naman diba? All we have to do is make Jazetine realizes that she doesn't love you." sabi ni Judilyn sabay ngiti.
"How? Kahit na mapagtanto nyang hindi nya ako mahal, wala ding mangyayari dahil patuloy lang syang masasaktan." mahinang sabi ni Asher sabay yuko.
"No, I can see it. She does love Alfredo. Hindi lang nya maramdaman yun. Hali kana. We'll go to the clinic." pakukumbinsi ni Judilyn sabay hatak sa kanya papuntang main building kung saan ang clinic.
To be continued!...
*****
Yeah, I know this chapter is a bit lame but please understand. Wala nang pumapasok sa utak ko sa sandaling ito. Ang bilis po ba nang mga pangyayari? Don't worry. Maliliwanagan rin yan sa mga susunod na kabanata.
joesonghabnida! (Sorry!)
Paumanhin!
I'm so sorry!Babawi nalang ako sa susunod na mga kabanata.
jalgayo! (Korea)
Bye! (America)
Chow! (China!
Sayunara! (Japan)
Adiós! (Spanish)
Paalam! (Pilipinas)Aish! Wala na akong alam. Basta bye! Hanggang sa susunod! -__-
BINABASA MO ANG
Highschool Love Story!
FanfictionStory ng mga manhid, bitter, pretender, torpe at nagpapakatanga na ang dahilan ay: Pag-ibig! May tanong lang ako. Do you believe in destiny? Do you believe in love? Do you believe in forever? And the last question is: Do you believe in happy ever af...