"Nakikita ka lang na lumuluha,
Durog na durog na ang pagkatao ko.
Nakikita ka lang na nasasaktan,
Double ito sa aking nararamdaman.
Kaya maaari bang ako nalang?
Maaari bang ako nalang ang makaranas ng mga sakit?
Makaranas sa bawat pagdurusa at hinagpis?" - @dark_elite105Comment down about this quote! ^_^
*****
Kabanata 5! 📖
Lumipas ang mga buwan at nagpapasalamat si Flory na wala nang umaaway at umaapi sa kanya sa tulong nadin ng kanyang mga kaibigan. Mas naging close pa sila sa isa't-isa. Si Fernando ang naging mas pinaka-close nya sa mga ito.
Naging guy best friend nya ito at sa kasamaang palad, tuluyan na syang nahulog dito. Hindi kagaya ng dati si Fernando na palaging masungit, hindi namamansin, man of few words at mas gustong mapag-isa. Naging masayahin, palakaibigan, madaldal minsan, at palaging nakikisama sa mga kaibigan.
"Oy, Flory!" masayang sabi ni Fernando nang tuluyan na itong nakalapit sa kinaroroonan nila. Inakbayan pa sya nito pagkatapos ay ginulo-gulo ang buhok. Napatulala nalang si Flory nang masilayan nya ang ngiti ni Fernando. Walang halong lungkot at kaplastikan ang makikita mo.
"Flory, okay ka lang? Kanina pa ako nagsasalita dito eh hindi ka nakikinig." sabi ni Fernando sabay pout. Napangiti nalang si Flory dahil sa inakto nito.
"Ikaw naman oh! May iniisip lang. Ano ba kasi yun?" tanong nya sabay ngiti. Ang panginoon lang atah ang nakakakita kung gaano sya nahihirapang itago ang nararamdaman nya para sa taong nasa harapan nya. Kung magbibigay lang nang award ang panginoon kung sino ang best actress at pretender, si Flory Mar Taylor na yun.
Sa isang banda, biglang may pumasok sa isipan ni Fernando para inisin si Flory. Ngumisi pa sya bago ito simulan.
"Oh, ano na naman ba ang nginingisi-ngisi mo dyan?" kinakabahang sabi ni Flory dahil may nararamdaman syang hindi maganda sa gagawin o sasabihin sa kanya ni Fernando.
Humakbang ito papalapit sa kanya at sya naman itong parang nasa k-drama na humahakbang paatras. Dahil sa batong nakaharang sa daan, natapilok sya at napapikit nalang sya. At ang inaasahan nyang babagsak sya sa sahig ay hindi na nangyari. Idinilat nya ang kanyang mga mata at nasilayan nya ang mukha ni Fernando na subrang lapit sa kanya.
Ilang sandali pa ang nakalipas bago nya napagtanto kung ano ang position nilang dalawa. Nakahawak ang dalawang kamay ni Fernando sa likuran nya habang naka-bend para mahanap ang balance sa kanilang dalawa.
"Enjoying the position?" nakangising tanong sa kanya ni Fernando. Dahil sa pagkataranta, sinuntok nya ang dibdib ni Fernando kaya ang nangyari ay tuluyan na syang nahulog sa sahig.
"Array!" maluha-luha nyang sabi habang hinihimas ang bandang balakang nya. Naupo naman si Fernando para pantayan sya. Inilapit nito ang mukha sa bandang taynga nya at may ibinulong.
"Be honest Flory. May gusto ka ba sa akin?" bulong nito sabay ngisi. Namula naman ang pisngi ni Flory dahil sa narinig. Kung hindi lang sana ganun ang position nila, baka nakita na nito ang namumula nya.
"Bakit hindi ka makasagot? Totoo ba ang sinasabi ko?" pang-iinis nito. Dahil sa nararamdaman nyang pinaglalaruan lang sya nito, itinulak na nya ito at saka tumayo.
"Ang hangin mo talaga eh noh? FYI, hindi lahat ng babae pwedeng mahulog sa'yo." pagtatanggol ni Flory sa sarili.
"OK, chill ka nga lang. Bakit ang defensive mo? Nagtatanong lang naman ang tao eh." tawa ni Fernando sabay gulo sa buhok ni Flory. Napa pout nalang si Flory dahil dito.
"Ang cute mo talaga." nanggigigil na sabi ni Fernando sabay pisil sa pisngi ni Flory.
"Aish, ang sakit talaga eh!"
Habang nagkukulitan ang dalawa, nakatingin naman sa kanila ang mga kaibigan nila na nasa likuran lang. Napangiti nalang si Sheena dahil sa wakas ay nagbago nadin ang Ice Prince. Sakto namang napatingin sa kanya si Aiken at bakas sa mukha nito ang pagtataka.
"Ano na naman ba yun?" tanong ni Sheena sabay harap kay Aiken. Nakataas pa ang kilay nito na tila ba naghahamon ng away.
"Tsk, para kang timang. Ano ang nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ni Aiken. Napapikit nalang ng mata si Sheena dahil alam na nyang sinisimulan na nitong asarin sya.
"Ano na naman ba yun? At paki alam mo ba?" pambabara nito sabay tingin ulit kina Flory at Fernando.
"Ito naman, parang nagtatanong lang eh. Masama ba yun? Ang sakit ah." sabi nito sabay hawak sa kanyang bandang puso na para bang nasasaktan. Napailing nalang si Sheena dahil sa anaakto nito.
"Tsk, doon ka na nga lang. Nakakarinding pakinggan ang boses mo eh." inis na sabi ni Sheena sabay tulak nito papunta kina Alfredo.
"Oh pare, wapang-wala ka talaga kay Sheena. Tsk, tsk!" pailing-iling na sabi ni Alfredo at Lawrence sa kanya.
"Wow naman. Hinyang-hiya naman ako sa inyo. Speaking of hindi ko sya makuha-kuha, nakuha nyo na ba sina Mary at Jazetine." ngisi nya.
"Buti pa si Fernando. Nag-uusap at naglalambingan sila ni Flory." sabi ni Lawrence sabay ngiti ng mapakla.
"Sa tingin nyo. Mutual kaya ang feelings ng dalawang yan sa isa't-isa?" sabi ni Jazetine kasama si Mary sa likuran nina Alfredo habang hawak-hawak ang kanyang chin. Napahawak nalang sila sa kanilang puso dahil sa bigla-biglaang pagpapakita nina Jazetine at Mary.
"Muntik na kaming magka heart attack ng dahil sa inyo." sabi ni Alfredo.
"Sinasabi nyo bang kasalanan pa namin kung palagi nalang kayo umiinum ng kape at naging matatakutin na kayo?" pambabara ni Mary sabay taas ng isang kilay.
"Hindi kami natakot. Kinabahan lang kami." pagtatanggol ni Lawrence sa kanila.
"Yeah right. Whatever you say. Tsk!" sabi ni Mary sabay lingon sa kinaroroonan nina Flory at Fernando.
"Sagutin nyo nga muna ang tanong ko. Mutual na ba ang feelings ng dalawang yan?" tanong ni Jazetine kaya napalingon na din ang mga lalaki sa mga yun.
"Hmmm, masasabi kong Oo." sabi ni Mary na nasa kaliwa ni Jazetine.
"Yes, they may have the feelings for each other. Pero hindi nila alam ito." - Alfredo.
"What do you mean?" - Mary and Jazetine.
"What he means is... Ang akala nila, ginagawa lang nang pagkakaibigan ang ginagawa nila pero kung tayo ang tatanungin, parang may relasyon sila." singit ni Aiken.
"Ahhhhh!" nasabi nalang nina Lawrence, Mary at Jazetine habang tumatango.
"Guys, tara na. Magsisimula na ang palabas." sigaw ni Fernando sa kanila habang naka-akbay kay Flory.
"Sige, nandyan na." sabay-sabay nilang sabi sabay tawa.
To be continued!...
•••••
Kabanata 5, finished! Hope you all enjoy! 😘😘😘😊😊
BINABASA MO ANG
Highschool Love Story!
FanfictionStory ng mga manhid, bitter, pretender, torpe at nagpapakatanga na ang dahilan ay: Pag-ibig! May tanong lang ako. Do you believe in destiny? Do you believe in love? Do you believe in forever? And the last question is: Do you believe in happy ever af...