"Don't be to too confident when someone tell's you they love you.
The real question is; 'until when?'
Because just like seasons people change!" - anonymous.Comment down about this quote! ^_^
*****
Kabanata 11! (Alfredo & Jazetine) 📖
"Jazetine, sigurado ka ba talaga na pupunta ka?" tanong ni Sheena. Nasa loob kasi sila ng kotse ni Fernando.
"Una na ako sa loob." paalam ni Fernando sabay baba sa kotse. Hinawakan nalang ni Sheena ang kamay ni Jazetine na hanggang ngayon ay hindi pa sumasagot. Pansin din nyang nanlalamig na ang kamay nito.
"Sige, hihintayin pa namin si Flory eh." pagpapaalam ni Sheena para makapag-usap sila ng masinsinan ni Jazetine. At para din Hintayin si Flory.
"Oo naman. Nandito na tayo eh!" pilit na sabi ni Jazetine at saka tumawa ng peke. Mapaklang ngumiti sina Flory at Sheena sa inasta ng kaibigan.
"Oy, mga pare. Salamat sa pagdalo ah?" nakangiting sabi ni Alfredo nang matanaw nya si Fernando, Aiken, Lawrence, at Mary sa di kalayuan. Sinubukan din nyang tanawin ang taong nasa likod nila pero hindi nya nakita sina Sheena, Flory at Jazetine.
"Sino ang hinahanap mo?" tanong ni Fernando ng mapansin nyang sumilip ito sa bandang likuran nila at kahit na alam nya ang dahilan.
"Sina Sheena?" tanong nya.
"Mamaya pa atah sila darating." sagot ni Aiken.
"Hi!" mahinang sabi ng isang babae na nasa likuran ni Alfredo. Nakakunot noo silang lumingon dito except si Alfredo.
"Ahm guys, meet Juselle Manalangit. My fiancé. Juselle, meet my friends. Mary, Lawrence, Aiken and Fernando." pagpapakilala ni Alfredo sa isa't-isa. Inilahad naman ni Mary ang kamay nya para makipag-kamay pero sakatong dumating sina Sheena.
Hindi na maiwasang humanga ang mga lalaki sa ayos ng kadarating lang na mga babae. Mas lalo na si Fernando. Parang na starstruck sya sa ayos ni Flory. Ang badoy kasi manamit ni Flory sa school nila. At ngayon, ang laki ng pinagbago ng kanyang itsura.
"Ang bibig mo. Baka mapasukan yan ng langaw." bulong sa kanya ni Sheena na nasa tabi na pala nya.
"Oh! Who is this wonderful lady in front of us? Care to introduce us?" halos mapanganga sila ng sabihin ni Flory yun. Parang hindi kasi ito ang nagsasalita. May British accent pa.
Agad ding nagsalita si Alfredo dahil sya ang unang naka process sa mga ginawa ni Flory.
"Ahm! Sheena, Flory and J-jazetine. M-meet my fiancé, Juselle Manalangit. Juselle, meet my friends." at mas lalo pa silang napanganga ng nakangiting inilahad ni Flory ang kamay nya sa harap ni Juselle.
Ang galing ding umarte eh. Parang bali wala lang sa kanya ang mga nangyayari. Mapait nalang na ngumiti si Alfredo dahil sa inasal ni Jazetine. May kumirot sa kanyang puso. Ngayon na nga nya napatunyan na wala nga talaga. (Ang tanga nya kasi. Ang daling mag give up. Tsk!)
"Shall we lead you to your table?" formal na tanong ni Juselle. Nag nod nalang sila bilang pagsang-ayon. Napagtanto din nila na kabaliktaran ng ugali ni Jazetine ang pag-uugali ni Juselle. Masyado itong formal magsalita, kumilos at maglakad. Makikita talaga na galing ito sa mayamang pamilya.
"Sweetie pie, heto oh." malambing ma sabi ni Juselle kay Alfredo. Pagka harap nito, deretsong isinubo ni Juselle ang pagkain. Napahigpit nalang ang pagkakahawak ni Jazetine sa kanyang kutsara dahil sa nakikita. Dahil sa inis napaharap nalang sya sa katabi nya at walang pasabi sabi na sinubuan ito.
Napanganga si Lawrence dahil sa pagsubo nito sa kanya. Nang tingnan nya ang tinitingnan ni Jazetine, Napatango nalang sya at sinakyan ang sweetness ni Jazetine.
Napansin nyang may bahid ng sauce sa gilid ng labi ni Jazetine at dahil nga sa gusto nyang paselosin si Alfredo, pinunasan nya ito. Alam din kasi nyang naka totok ang pansin nilang magkakaibigan sa kanilang dalawa.
"Next time, kumain ka ng tama ha?" dahil sa pinaggagawa nilang dalawa, hindi nila alam na may isa din pala sa kanilang kaibigan ang Nagseselos.
Hindi na napigilan ni Alfredo ang kanyang nakikita at walang pasabi-sabi na Hinalikan si Juselle sa harap ng mga kaibigan.
BLAG!
Napatingin sila sa pinanggalingan nito at dali daling tumayo si Jazetine sa pagkakaupo dahil sa pagkabasag ng baso nya.
"Ahm, I need to go." na-uutal na sabi ni Jazetine sabay dampot ng bag at walkout. Hindi din nagtagal at umalis nadin si Lawrence. Sinundan pa ito ni Mary.
"Tsk!"
PACK!
Halos lahat ng tao sa venue ay napatingin kay Sheena nang sampalin nya ng pagkalakas-lakas si Alfredo.
"What was that for?" naka tayong tanong ni Alfredo habang hawak-hawak ang pisngi nya.
"Sinasabi mong napakamanhid ni Jazetine dahil hindi nya maramdaman ang pagmamahal mo diba? Pero ano ang ginagawa mo ngayon? Ni hindi mo man lang maramdaman na may nasasaktan ka na sa mga pinaggagawa mo. Bwisit ka." sigaw ni Sheena. Sinubukan pa syang pigilan nina Flory pero hindi na sya nagpa-awat pa.
"Sana naman natauhan ka na sa sampal na yun. Alam mo ba na halos pagkamalang Baliw si Jazetine sa airport nang umalis ka."
"A-akala ko ba..."
BOGSH!
Hindi na naituloy ni Alfredo ang sasabihin nya nang basagin ni Sheena ang isang swan sculpture na gawa sa glass na nasa likuran nya lang.
"This is bullshit!" nanggigigil na sigaw ni Sheena sabay sabunot sa sariling buhok.
"Ewan ko sa inyo ha. Pero ako na atah ang mababaliw sa mga pinaggagawa nyong lahat. Hindi na talaga kayo makaintindi." matapos sabihin ni Sheena yun ay nag walkout nadin sya.
Nagtatanong na tingin ang ipinukaw ni Alfredo kina Fernando. Napailing nalang ang karamihan sa kanila.
"Ewan ko sa'yo." sabay-sabay na sabi nina Aiken at Fernando sabay alis. Naiwan naman dun si Flory dahil sa inisip nya na sya nalang atah ang magsasabi kay Alfredo kung ano talaga ang nangyari.
Lumipas nadin ang ilang minuto at nai-kwento na ni Flory kung gaano nagluksa si Jazetine nang umalis si Alfredo ng bansa. At sa sandaling ito, iniisip na ni Alfredo kung saan nya pupuntahan si Jazetine.
'Punta ka dito sa may garden. Your welcome' - text sa kanya ni Lawrence. Walang paligoy-ligoy pa at pumunta na nga si Alfredo dito.
"Ang tanga-tanga ko." paulit-ulit na sabi ni Jazetine sa kanyang sarili habang si Lawrence ay sinusubukan syang patahanin.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ng isang boses sa likuran nila. Automatic namang Napatigil si Jazetine sa pag-iyak ng marinig ito.
To be continued!...
*****
BINABASA MO ANG
Highschool Love Story!
FanfictionStory ng mga manhid, bitter, pretender, torpe at nagpapakatanga na ang dahilan ay: Pag-ibig! May tanong lang ako. Do you believe in destiny? Do you believe in love? Do you believe in forever? And the last question is: Do you believe in happy ever af...