Kabanata 9! (Alfredo & Jazetine) 📖

20 5 1
                                    

"Papaano ko sasabihin sa iyo na na mahal kita?
Papaano ko sasabihin sa iyo na nasasaktan ako?
Nasasaktan ako kung may kasama kang iba.
Dahil alam ko na ang nandyan sa puso mo ay walang iba kundi ang best friend ko." - @dark_elite105

Comment down about this quote!...

*****

Kabanata 9! (Alfredo & Jazetine) 📖

Lumipas ang mga ilang araw at hindi parin pumapasok si Alfredo simula nang araw na nakita nyang magkayakap sina Jazetine at Asher.

"Guys, hindi nyo ba talaga alam kung Nasaan si Alfredo?" nag-aalalang tanong ni Jazetine sa mga kaibigan na kasalukuyang kumakain sa canteen.

"Jazetine, araw araw mo na tinatanong yan eh! And the answer is NO!" sagot sa kanya ni Mary. Nainis na sya siguro dahil sa halos araw araw ay tinatanong nito kung alam ba nila kung saan si Alfredo.

"Psst, bakit ang init init ng ulo mo ngayon?" bulong ni Lawrence sa kanya. Napa irap nalang si Mary dahil dito.

"Huwag mo nang kulitin. Period nya ngayon." sabi ni Sheena habang nagbabasa ng libro. Pranka din eh!

"Hindi ka man lang ba nagsasawa kakabasa ng mga libro? Halos araw araw mo na atang ginagawa yan ah!" tanong ni Aiken. Pero hindi man lang sya pinansin ni Sheena na nagbabasa parin.

"The Harry Potter! Book 1!" basa ni Aiken sa libro.
"Ngayon mo lang yan nabasa? Manood ka nalang kaya. May complete series ako." patuloy nya sa kanyang sinasabi. Sa sandaling yun, Napatigil na si Sheena sa pagbabasa at tiningnan ng masama si Aiken.

"Kung wala kang matinong sasabihin, pwedeng tumahimik ka nalang?" sabi ni Sheena at akmang Ipagpapatuloy sana ang pagbabasa pero nagsalita na naman si Aiken. Kaya ibinaba na nya ang libro at saka ini unzipped nya ang kanyang bag at ipinasok doon ang libro. Pagkatapos nun ay umalis nalang sya ng walang paalam.

"Anong problema nun? Nung nakaraang linggo pa yun ah." tanong ni Aiken. Napa face palm nalang ang mga kaibigan nya dahil dun.

"Tsk, may isa rin pala ditong torpe." sabi ni Fernando sa kanyang sarili.

"Para namang hindi ito manhid." sabi rin ni Aiken. Bumuntong hininga nalang ang mga naka paligid sa kanila.

Habang nagbabasa si Jazetine sa library, bigla nalang may isang tanong hinihingal na tumigil sa harapan nya. Iniangat nya ang kanyang ulo at nakita nyang si Flory pala ang nandoon.

"Oh, ano ang ginagawa mo dito at bakit ka hingal na hingal? Parang isang kilometers ang tinakbo mo ah!" sabi ni Jazetine.

"S-si... A-Alfredo..." Napakunot nalang ang noo ni Jazetine at halos mapatawa dahil sa halos hindi na makahinga si Flory ay pinipilit parin magsalita.

"Hep hep hep hep!" pigil ni Jazetine kay Flory sa pananalita. Pagkatapos ay inilahad nya ang baon nyang tubig sa kanya.

"Ano pa ba ang ginagawa mo dito?" halos maghestirical na sabi ni Flory nang mahimasmasan na sya.

"Woh, what's with that look?" tanong ni Jazetine dahil sa nagtataka na sya sa inaakto ni Flory.

"Hindi mo pa ba alam? Alfredo is going to New York right now. Nagtext sya kagabi diba?"

Highschool Love Story!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon