CHAPTER 07

6.6K 206 7
                                    

Chapter 7: Representative

DASHII YAS WHITE


Nandito ako ngayon sa cafeteria dahil recess na. As usual, si Alecx at Giixer nanaman ang kasama ko. Kasi sila lang naman talaga ang parati kong kasama.

Nagtititingin ako nang puwedeng bilhin hanggang sa maisipan kong oranger juice nalang ang inumin. Pag kabili ko ay umupo na ako sa upuan namin, doon kasi kami parating umuupo. Nandoon si Lecx at Giixer na naglalandian. Charot, syempre nagaayaw, parati naman eh.

"Hoy alam niy–" sasabihin ko palang sana na, the more the more you love ay nagsalita na agad silang dalawa. Magkasabay pa.

"Ano?" parehong iritado ang pagmumukha nila. Luh? Bakit parang galit sila? Bakit parang kasalanan ko? Charot.

Wala naman akong ginagawa sakanila ha.

"Inaano ko ba kayo? Diyan na nga kayo!" Sabi ko at nabubuwisit na iniwan sila roon. Paglipat ko ng pwesto ay may umupo sa harapan ko. Si Zach 'yon. Luh? Close ba kami nito, nakikiupo. Pero dahil nga sobrang mabait ako, nginitian ko nalamang siya.

H'wag kayong malisyosa, totoong ngiti 'yon, anong akala niyo saakin fake? True, fake talaga ako. Bahagyang kumunot ang noo niya sa pagngiti ko pero nakabawi rin kaagad. Ngumiti din siya pabalik, kaya naman tumaas ang isa kong kilay. Uto-uto, akala niya naman ayos na kami? Oh boi, my ass.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad na sana para lagpasan siya, kaso nga lang ay natalisod ako nang wala sa oras.

"What the fuck?" sigaw niya kaya naman napaigtad ako. Putcha, hindi ko naman sinasadya.

"S-sorry hindi ko sinasadya." pigil tawang sabi ko. Sa expression nang pagmumukha niya, talaga namang matatawa ako. Ano gusto niya? Umiyak ako kasi natapunan ko siya?

"Sinadiya mo 'to no" Inis na sabi niya. "Huwag mo nang ideny dahil halata namang sinasadya mo." namumula na sya sa inis. Ang laki ng problema niya. Pupwede naman siyang magpalit nalang.

In fairness, cute niyang magalit. Sarap ikiss. Charot.

"H-hindi ko naman talaga sinasadya." Sabi ko at yumuko, ang hirap itago ng tawa ko. Sa sobrang pagpipigil ay may umalpas na tawa mula sa bibig ko. Fuck. Swear to God hindi ko talaga sinasadya na matapunan siya.

"Ano bang problema mo ha?" galit na sigaw niya kaya marami na talagang napatingin saamin. Isang seryosong tingin ang ipinukol ko sakaniya bago ako magsalita.

"Ikaw ang problema ko!" sigaw ko pabalik kaya naman nagulat ang ibang malapit samin. Hindi naman kasi ako palasigaw kapag may kaaway, ngayon lang kasi nakakarindi na siya. Mabait daw ako, kahit hindi naman talaga.

"Dahil ba yon sa narinig mo ha?" sigaw niya nanaman kaya napatawa ako.

"Bakit, meron pa bang iba?" sarkastikong tanong ko.

"Ilang beses na nga kaming nagsorry diba?" sigaw nanaman niya. Warfreak 'to grabe.

Magkalapit lang kami pero dahil warfreak din ako, sinigawan ko rin siya ulit.

"Bakit kaba sumisigaw ha?" sigaw ko sakaniya. Magsasalita pa sana siya nang biglang may pumasok sa loob nang cafeteria.

"Anong meron dito?" sigaw ng isang kalmadong boses.

Putcha, syempre yung Principal 'yon.

"W-wala po ma'am." sabay sabay na sabi ng lahat ng estudyanteng nakarinig sa tanong ng Principal.

"Anong wala eh nagsisigawan nga kayo?" galit na siya sir. Nagtanong pa nakita at narinig naman niya tsk.

"S-sorry ma'am." sabi ko, samantalang yung lalaki dito sa tabi ko ay wala manlang ginawa. Nakatingin lang sakin si kupal. Tinaasan ko siya ng kilay pero inirapan niya lang ako.

Meeting Mr. MendozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon