Chapter 8: Bitter
DASHII YAS WHITE
Marami rami narin kaming nagawa at pauwi na ako ngayon. Oo share ko lang, bakit ba?
"Bukas 8 am, susunduin kita sainyo." Sabi niya at nagiwas nang tingin.
"Ah sige sige." sabi ko at lumabas na ng kwarto nya, pagbaba ko ng hagdan at nasa sala na ako ay nakita ko ang mommy ni Zach nakangisi saamin. Parati siyang masaya no? Bakit kaya?
"Anong ginawa niyo dun sa kwarto?" medyo seryosong tanong ni Tita Val pero nakangisi parin. Weird naman. Pero ayos lang, maganda naman siya.
"Gumagawa ng presentation malamang." Maattitude na sabi ni Zach. Ang sungit talaga, pati nanay niya dinadamay niya.
Walang galang ampota, isilid ko 'to sa sako.
"Akala ko kung ano na hehe." Sabi ni tita Val. Kumunot naman ang noo ko at inisip kung ano ang puwedeng ginawa namin.
Wala namang mali roon? Nagpahilot lang naman ako. Pero hayaan mo na, baka nacurious lang talaga siya.
"Ate Yas, samahan mo lang po ako saglit don sa kwarto ko pwede po ba?" tanong nya sabay kindat kay tita Val. Ngumisi naman si tita Val. Ang cute nila nakakainis.
"Chariah, uuwi na si Dashii." umepal nanaman si Zach
"Please ate." sabi ni Chariah at nag puppy eyes, pumayag naman ako dahil ihahatid naman ako ni Zachyrie pauwi.
"Sige, tara." sabi ko at nagpahila na sakanya paakyat sa kwarto niya. Nilock pa nga niya yung pinto nito.
"Alam mo ate Yas, parati kang kinekuwento samin ni Kuya hihihi." sabi niya. Syempew puro pangit 'yon, walang dulot 'yung lalaking 'yon eh.
Madaldal, makulit, at maingay. Ayan ang tatlong pupwede niyang sinabi tungkol saakin. Psh, siya nga epal, walang kuwenta kausap, masama ugali, masungit, pero syempre guwapo.
Charot, h'wag kang malandi self. Masama 'yan sa kalusugan.
"Ano naman mga sinasabi niya?" tanong ko at bahagyang umirap.
"Tulad po ng maganda ka raw po totoo naman po 'yon, tapos mabait, maingay,
madaldal pero cute, tapos malakas ka raw manuntok, tapos magaling ka daw po sa sports, tapos astigin ka raw po." Sabi niya na ikina nganga ko. Holy shit.Maganda raw ako. Omg. Joke, paki ko, hindi ako affected.
"T-talaga ba? Baka naman niloloko mo lang ako." Sabi ko, ngumiwi naman siya saakin, pero bakit ang cute niya pa rin?
"Hindi po ako liar, sabi nga ni mommy h'wag daw ako mag sisinungaling kase bad yon." tumatango tangong sabi nya.
Ang cute nya tapos ang bait pa. Pati si Tita Val ay mabait rin. So bakit at anong pinang-gagalingan nang kasungitan ng hinayupak na 'yon?
"Haha okay, matulog ka na, para lumaki ka. Good night baby." Sabi ko at pinisil ang pisnge niya.
"Opo, goodnight." sabi niya t'yaka kumaway, lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba. Nakita ko si Zach na nakakunot nuo nang makita akong bumababa.
"Halika na nga!" naiinis na sabi niya.
"Eto napaka sungit mo, pasalamat ka pogi ka eh!" bulong ko, nakakabadtrip siya teh!
"Matagal na akong pogi tsk." mayabang na sabi niya.
"Oo ganyan kayong mga pogi, puro paasa! Paasa ng paasa mamamatay rin naman tsk!" inis na sabi ko at padabog na sinara ang pintuan ng kotse niya. Badtrip talaga, gabing gabi naiinis niya pa ako.
BINABASA MO ANG
Meeting Mr. Mendoza
RomanceMeet Series #1: Mr. Sungit Meets Ms. Kulit Makulit at Masungit ? Paniguradong WORLD WAR III ang dating. Masungit sya pero sweet yun nga lang seloso. Makulit syempre hindi mawawala ang pagiging sweet, clingy at kung ano pang kaharutan, pero pagmahal...