TPlay the multimedia for better experience, charot. Try niyo, malay niyo nakakaiyak. 'Di ko sure e.
ZACHYRIE RUS MENDOZA
I'm hurt! I love her so much, but I need to do this or else she'll die, and I don't want that thing to happen. Para narin akong namatay pag nawala siya.
"What now babe?" nangiting tanong ni Levin, nang gigigil ako kung hindi lang to babae ay matagal ko na 'tong sinapak.
"Anong what now? At Babe? you can't call me that! It's just for my baby!" naiinis na sabi ko at naiinis an tumingin sakaniya. Uwian na ngayon at nasa bahay ako nila Levin, for fvck sake! Gusto ko ng umuwi at tawagan yung girlfriend ko.
"Kiss me on my forehead while closing your eyes, and while cupping my face, or else...you know what will happen next." nakangisi niyang sabi kaya mas mabilis pa sa alas kwatrong ginawa ko ang sinabi niya.
Alam ko na pinapapicturan niya kami at ibibigay niya kay Dashii pero wala akong magawa dahil natatakot ako na baka may mangyaring masama kay Dashii.
"Tapos na, ano naman?" walang emosyong sabi ko at nilagay sa likuran ang nakakuyom kong kamao. Gusto ko na siyang sapakin ngayon.
"Let's go on a date." nakangiting sabi niya at sumabit sa braso ko, tinanggal ko naman agad iyon at tinanguan siya. Naglakad na kaagad ako papalapit sa kotse ko at nagseatbelt narin.
"Babe, mall tayo." sabi niya naikinangiwi ko. There... Ayan ang pinakaayaw ko sa lahat, mall. Pero pag si Dashii ang kasama ko ayos lang mahal ko naman siya e.
Pero tumango parin ako at nagmaneho na.
Pagkarating namin sa mall ay boutique agad ang pinuntahan niya. Samantalang si Dashii ay pagkain agad ang laman ng utak... and I miss her so fvcking much!
"Babe, bagay ba?" pukaw atensyon saakin ni Levin. Tumango lang ako at inabala ang sarili sa pagcecellphone ng yumakap siya saakin sa bewang. Pilit kong pinapaalis yun sa paraang hindi mahahalata ng ibang tao pero ayaw parin niya! Nakakainis na!
Nang tingnan ko si Levin, nakatingin siya sa isang parte ng botique at ganon nalang ang gulat ko sa nakita, na siyang nagtulos saakin sa kina tatayuan ko... si Dashii.
"Keep calm babe, may kasama siyang lalaki." nakangising sabi ni Levin kaya napatingin ako sa lalaking nakayakap sakaniya sa bewang... And I'm darn jealous at alam ko sa sarili ko na ganon din siya. Pero nakangiti parin siya sa harap nung lakaking nakayakap sa kaniya, at mas lalo akong natulos sa kinatatayuan ko ng mapatingin siya sa Gawi namin. Nakita ko ang pagbadha ng sakit sa mata niya pero agad ding nawala at nauwi sa wala'ng ka emo-emosyong tingin.
'At ang sakit sakit.'
Agad siyang nagiwas ng tingin at naglakad na sila palapit sa counter. Pagkabayad na pagkabayad nila ay lumabas agad sila ng boutique
"Come on babe, maluluwas na yung babaeng yun." sabi niya at hinila ako palapit sa counter. Nang makabayad kami ay lumabas na din kami kaagad ng boutique at lumipat naman sa iba hanggang sa magutom siya. Sakto namang nakatapat yung pinagkainan namin sa arcade at kitang kita mula sa kinauupuan ko si Dashii at si Kazen na masayang naglalaro.
'My heart is aching as fvck!'
Nagiwas nalang ako ng tingin at tumingin sa ibang way pero hindi ko talaga maiwasan e, sa mismong pagtingin ko ay saktong nahalikan ni Kazen si Dashii sa pisnge.
Sakto rin namang dumating na si Levin na nakanguso... hindi bagay mukha siyang bibe tangina!
BINABASA MO ANG
Meeting Mr. Mendoza
RomanceMeet Series #1: Mr. Sungit Meets Ms. Kulit Makulit at Masungit ? Paniguradong WORLD WAR III ang dating. Masungit sya pero sweet yun nga lang seloso. Makulit syempre hindi mawawala ang pagiging sweet, clingy at kung ano pang kaharutan, pero pagmahal...