Chapter 13: Super slight matured content.
ZACHYRIE RUS MENDOZA
Nakakainis! Sobrang nakakabadtrip, wala raw siyang kasama? Tapos magpapasama pa siya roon sa Dan na 'yon?
Nakakabwisit.
"Hi Kuya." biglang may babaeng sumingit.
"Hello." sabi ko at nginitian yung babae.
"Ako nga pala si Shaia." sabi niya at naglahad ng kamay.
"Ako naman si Zach." sabi ko at iniabot ang kamay ko sakaniya.
"May kasama ka ba?" tanong ni Shaia.
"Wala." nakangiti kong sabi at tiningnan si Dashii. Akala ko maiinis rin siya pero ngumisi lang siya saakin at kinausap na yung lalaki.
"Halika na Dan." nakangiti niyang sabi dun sa lalaki at naglakad na sila papuntang counter.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko pero medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Dashii. Nang narinig nga niya 'yon ay napahinto siya sa paglalakad.
Pero dahil ng paasa siya akala ko dahil sa sinabi ko kaya siya huminto, yun pala ay para lang iabot ang kamay niya dun sa pesteng lalaki niya.
"Hmm, kain nalang tayo sa kahit saan mo gusto." sabi niya kaya ngumiti ako ng pilit.
Sinundan ko ng tingin sila Dashii hanggang sa natapos silang magbayad, naglakad na kami palapit sakanila at sinundan sila. Sa tingin ko ay sa isang restaurant ang punta nila.
"Tara dun tayo." sabi ko sabay turo sa pinasukan nila Dashii na Restaurant.
"Okay sige." sabi nalang ni Shaia. Nang makapunta kami dun ay nakita ko si Dashii at yung Dan na nagtatawanan, dapat ako yung kausap niya ngayon eh. Badtrip ampotek.
Bakit ba kasi abnormal ang mga babae?
Nang maka hanap ako ng upuan na malapit kila Dashii ay umupo na agad ako roon, nakakabadtrip lang dahil hindi na ako yung kadate niya ngayon.
"Hmm Zach..." tawag saakin ni Shaia.
"Oh?" takang ko at humarap sakaniya. Sa mismong pagharap ko ay nagtama ang labi namin ni Shaia. What the fuck?
Nahalikan ko siya.
"S-sorry." hingi ko nang tawad at tumingin kila Dashii, nakatingin siya saamin. Naka simangot siya pero nawala din ang ganoong reaksyon sa mukha niya nang makita niya akong nakatingin sakaniya. Putcha, hindi ko naman kasi sinasadya.
"Dashii." tawag ni Dan kay Dashii at pagkaharap ni Dashii ay hinalikan siya ni Dan sa labi. Anak ng puta? Sadya ba 'tong tanginang 'to?
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinila si Dashii palabas ng restaurant na 'yon at palabas na rin ng mall, pag kadating naming sa kotse ko ay kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang labi niyang nahalikan ni Dan, naiinis na kinuha niya rin saakin ang panyo ko at pinunas rin 'yong sa labi ko.
"Sa susunod h'wag ka nang magpapahalik sa iba!" Magkasabay na sigaw namin sa isa't isa.
"Nagseselos ako ng sobra, nakakainis ka kasi eh! Nakalimutan mo kung anong gagawin natin sa supermarket." sabi niya.
"Yun lang yon?" tanong ko, ang labo nang babaeng 'to, ayon lang kinainis amputcha.
"Tapos hinalikan mo pa yung babae na yon." sabi niya at tumingin sakin nang nakanguso. Magsasalita na sana ako nang may nagsalita sa gilid namin. Parati nalang may umeepal.
"Guys sorry ha."sabay na sabi ni Dan at Shaia. Magkakilala sila?
"Bakit?" takang tanong namin.
"A-ang totoo kasi niyan ay in a relationship kaming dalawa, agnapansin namin kayo kaya sinundan namin kaya at may nangyaring selosan." sabi ni Shaia at tumingin kay Dashii.
BINABASA MO ANG
Meeting Mr. Mendoza
Storie d'amoreMeet Series #1: Mr. Sungit Meets Ms. Kulit Makulit at Masungit ? Paniguradong WORLD WAR III ang dating. Masungit sya pero sweet yun nga lang seloso. Makulit syempre hindi mawawala ang pagiging sweet, clingy at kung ano pang kaharutan, pero pagmahal...