CHAPTER 36

4.9K 106 12
                                    

ZACHYRIE MENDOZA


"How is she doc?" Tanong ko sa kakalabas lang ng Doctor. Kanina kasi ay bigla nalang siyang natumba at buti nalang at nasalo ko kaagad. Agad akong pumunta sa hospital at tinawagan sila Mommy at Tita.

"They are fine." Nakangiting sabi ng Doctor saakin.

"T-they?" nagtatakang tanong ko kahit na mayroon ng pumapasok na ideya sa isip ko.

"Yes, Mr. Mendoza, your wife and your baby. You can visit her. Stable na naman ang kalagayan niya pero masyado ata siyang puyat, I suggest na pumunta kayo sa OB niya. Congratulations, your wife is pregnant." nakingiting sabi ulit ng Doctora. Nanlaki ang mata ko.

What the fuck...

Tanginang 'yan, heaven.

DASHII WHITE

Minulat ko ang mata ko mula sa mahabang pagtulog. Anong nangyari saakin?

"B-baby...." tawag ko kay Zachyrie. Natutulog siya sa tabi ko habang hawak-hawak ang mga kamay ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at pinagmasdan siya.

Bigla ko nalang naramdaman na gusto ko siyang kurutin. Kinurot ko 'yung ilong niya pero i'm not satisfied. Hinawakan ko 'yung pisnge niya at kinurot siya, tila ba gigil na gigil.

"Hahaha, cute-cute!" tuwang tuwang sabi ko, hindi mapigilan ang pang gigil sa asawa ko.

"Hmmm..." daing niya.

"Cute hahaha, pwede ba 'yung pwet nalang niya?" Napanguso ako ng makitang nakaupo na siya.

"Baby? A-anong problema? M-may Kailangan ka ba?" Napatayo agad siya pero inirapan ko lang siya.

"Talikod ka." Utos ko sa kaniya.

"B-bakit?" takang tanong niya.

"Talikod ka sabi e!" Kinagat ko 'yung labi ko sa sobrang inis. Pero hindi siya kumilos kundi ay kumunot ang noo niya.

"Bahala ka nga!" sigaw ko. Bumalik ako sa paghiga at nagtalukbong. Bwisit! Bwisit!

"B-baby..." Hinawakan niya 'yung kumot at balak hitakin ng sipain ko kung ano man ang masipa ko.

"A-aray putangina." Napabalikwas ako ng marinig ko ang sigaw niya. Shit! Nakita ko siyang nakayuko habang hawak-hawak niya ang...

"Tsk! Bala ka diyan! Bagay lang sa'yo 'yan eh! Ayaw kasi tumalikod!" Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtulug-tulugan. Pinabayaan ko nalang siya roong dumadaing sa sakit.

ZACHYRIE MENDOZA

"Oh my god! Magkaka-apo na tayo balae!" Sigaw ng Mommy ni Dashii sa Mommy ko, habang ako ay tulala pa 'din.

"Zach, puntahan mo na si Dashii sa loob. Congrats anak!" Tinulak-tulak niya pa ako hanggang sa makapasok ako sa loob ng silid ng asawa ko.

Natutulog siya kaya pinagmasdan ko siya. Habang tumatagal ay lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Bakit kaya kailangan niyang maging sobrang ganda?

Napangiti ako at naluha. Damn! Sinong hindi iiyak kapag nalaman mo ng magkakaanak at magiging tatay ka na?!

"I'm so happy baby, ang baby ko, magkakababy na." Natatawang sabi ko sa kaniya. Kumuha ako ng upuan at itinabi iyon sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalik-halikan 'yon.

Meeting Mr. MendozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon