CHAPTER 15

6.6K 194 16
                                    

Chapter 15

DASHII YAS WHITE

Boyfriend ko na kaya talaga 'yon? Baka naman nagbibiro lang 'tong mokong na 'to.

"Z-Zach, h'wag ka ngang magbiro ng ganiyan. Ang pangit mo magjoke." sabi ko at nagtakip nang mukha. Feeling ko kasi sobrang pula na ng pagmumukha ko.

Alam ko namang super pabebe ko, pero ano ba! Kinikilig ako, wala kayong magagawa.

"I'm not joking baby." sabi niya at kinagat ang baba ko. Pota, hilig mangagat.

"Are you sure?" tanong ko, ano bang klaseng tanong 'yan Dashii Yas? Dapat kahit hindi siya sure ay h'wag mo nang tanungin, mauudlot pa eh! Charot.

"Yeah, and you're mine Dashii." sabi niya at tinanggal ang kamay kong nakatakip sa mukha ko.

"I want to kiss you, can I?" tanong niya. Napairap nalang ako nang hindi pa ako pumapayag ay hinalikan na niya ako. Sabagay, ayos lang rin naman. Gusto ko naman eh, aarte pa ba?

"At nagpaalam ka pa talaga?" I said and as I cross my legs around Zachyrie's waist. Fuck, this is bad. Lumalandi ako kapag siya ang kasama ko. Hindi naman ako ganito noon. Kasi wala naman akong jowa dati.

"Can we swim now?" nangingiting sabi niya kaya na ngiti ako rin ako.

"Yeah,we can babe." sabi ko at hinalikan siya sa kaniyang labi. Tumayo na kami at inayos ang damit nasusuotin... siya ay naka beach short lang and white sando, ako naman ay two piece para makita ang napaka sexy kong katawan, charot.

Pinatungan ko muna ng summer cardigan, kinuha ko muna ang shades ko at isinabit sa gitna ng aking dibdib. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Zach,

"Hey." tawag pansin ko kay Zach.

"Bakit ganiyan ang suot mo?" nakataas kilay na tanong niya saakin.

"Bakit, pangit ba?" tanong ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

"H-hindi, ang sexy mo nga e." sabi niya at nag iwas ng tingin. "Sexy ka tapos pag may makakita niyang katawan mo. Dapat ako lang makakakita niyan e." Sabi niya na akala mong katawan niya 'tong katawan ko.

"E ano gusto mong suotin ko?" natatawang tanong ko.

"Rash guard." sabi niya at lumapit saakin para buhatid ako. Alam ko namang kadiri kami, sorry na.

"Ayoko." sabi ko at hinalikan siya sa labi. Adik na ako sa halik man, this is not so good.

"Bakit?" nakataas na kilay na sabi na naman niya.

"Takpan mo nalang ako." sabi ko at kumindat.

"Sabi mo e." sabi nya at hinalikan ako. Ang hilig naming maghalikan noh? ang sherep kasi. Eme, hindi ko rin alam, basta laplapan is life. Charot.

Palabas kami ng suit at buhat buhat niya ko dahil hindi ko alam. "Ibaba mo na ako nakakahiya na." sabi ko at kinagat siya. Lord, patawarin niyo po ako sa kalandiang mayroon ang katawan ko.

"Wag mo 'yang kagatin." sabi niya kaya tinigil ko na ang pagkagat.

"Nakakahiya na ibaba mo na ako." sabi ko kaya binaba na nga niya ako. Hinawakan naman niya ang magkabilang gilid ng cardigan ko at isinara yun gamit ang kamay niya.

"Mahihirapan ka Zach ako na ang hahawak." sabi ko at hinawakan ang hawak niya kanina. Ngumisi siya saakin at inakbayan ako.

Habang naglalakad kami palabas ay biglang nagring ang cellphone niya, tanda na mayroong tumatawag.

Meeting Mr. MendozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon