ZACHYRIE RUS MENDOZA
It's been four days since we broke up at simula non hindi ko na siya nakita ulit.
Tuwing nagtatanong naman ako kila Alecx ay magchachange topic agad sila, ang weird lang, kahit mga kaibigan ko ay ganun din.
At dahil nacucurious na talaga ako, pinuntahan ko siya sa bahay nila at tinanong ang mga kapitbahay o kaya naman ay maids.
"Hi po, nandito po ba si Dashii?" tanong ko sa mga ito.
Alam kong wala na kami at ako ang may kagagawan non pero shit lang, ako pa yung bobong nasasaktan ng husto!
"Hindi ko alam hijo, sa maids ka magtanong." sabi ng isang may kaidarang babae.
"Salamat po." sabi ko at lumapit sa isa nilang maid.
"Hi po, nandito po ba si Dashii?" tanong ko na ikinangiti niya pero halata ang lungkot roon.
"Umuwi na siya sa totoong bahay niya." sabi niya kaya lalo akong nacurious.
"Hindi po ba ay dito sila nakatira?" nagtatakang tanong ko kaya mahina itong natawa.
"Kalilipat lang nila hindi ba? Dati kasi ay sa New york sila nakatira at bumalik na dun si Dashii siya lang magisa at hindi namin alam kung bakit." sabi ng maid na ikanaladlad ng balikat ko.
'Iniwan na niya ako.'
'Tsk... niloko mo kasi.' ani ng isang bahagi ng utak ko.
'I know.' pero natakot lang naman ako na baka mamaya may mangyari sakaniya.
"Ah ganon po ba sige po, salamat po." sabi ko at ngumiti sakaniya. Sumakay agad ako sa kotse ko at doon nilabas ang naguunahang luha ko.
Mahal pa kaya niya ako?
Pero ako naman yung may kasalanan e. Kasalanan ko lahat! Ang tanga tanga kasi Zach!
"I miss you so much Dashii, please come back, kahit hindi na saakin." bulong ko at umiiyak na pinaandar ang sasakyan ko.
Pero kahit masakit na kakayanin ko parin... dahil alam kong hindi siya matutuwa kung babayaan ko ang pagaaral at ang sarili ko.
'Mahal kita Dashii, mahal na mahal.
DASHII YAS WHITE
Gabi ngayon dito sa new york at inaantok na ako hahaha.
"Hija, go to your room and rest. Stop crying already... Grandma is worried." malungkot na sabi ni lola kaya ngumiti ako at tumango.
"I will... you're the one who need to rest, next week pa naman po ang pasok ko." nakangiti kong sabi. Nakakapagtagalog si lola dahil ang dati niyang nanny is a Filipina, at napamahal siya sa kultura ng bansa natin kaya ganoon.
"Okay, but hija... rest now." sabi ni lola kaya ngumiti at tumango ako sakaniya. Mahal na mahal ko 'tong matandang 'to.
Everynight... I'm crying, natural lang naman 'yon dahil masakit talaga. I tried my best to keep myself together. Kasi kailangan kong matapos ang pagaaral ko, at sa oras na kaya ko ng kunin ang mga bagay na dapat ay talagang saakin na inagaw lang ng iba, kukunin ko na yon isa isa, dahil hindi ako makakapayag na ganon lang ang kalabasan nang lahat... pero kung wala na... edi aagawin ko parin ulit, duh?
I'll fight, if I can.
"I love him so damn much!" bulong ko at pumunta na sa kwarto ko at doon na natulog.
BINABASA MO ANG
Meeting Mr. Mendoza
RomanceMeet Series #1: Mr. Sungit Meets Ms. Kulit Makulit at Masungit ? Paniguradong WORLD WAR III ang dating. Masungit sya pero sweet yun nga lang seloso. Makulit syempre hindi mawawala ang pagiging sweet, clingy at kung ano pang kaharutan, pero pagmahal...