BITUIN
Ang sarap titigan ng mga bituin sa langit
Nakakaginhawa't nakakapang-akit
Para bang sinasagot nito lahat ng aking bakit
At sa gitna ng dilim, liwanag ay lumalapit
Tila tinatanggal lahat ng sakit
At pinalitan ng kung anong tamis ang lahat ng pait
Mga bituing nagsilbing liwanag sa gitna ng dilim
Lahat sila'y pinakikinang ang mga mata mong may kung anong lalim
May kung anong dilim
Tila gusto ko silang lahat ay angkinin
Upang magliwanag ang iyong mundong madilim
At sa tuwing pula ang kalangitan
Pilit mong ginagalugad kung saan may kaasulan
At kung wala man
Binabalot ka nanaman ng kadiliman
At kung tuluyan mang umulan
Hindi mo ito sinasabayan
Bagkus pagbalik ng mga bituin ay iyong inaabangan
At kadilima'y iyo ring malalagpasan
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I am always amazed by the stars and the moon, nakaka gaan ng pakiramdam yung ganda ng langit pag walang ulap. Umagree kayo hahahaha char.
So ayun, nasulat ko ito habang nasa klase, 8pm na kasi uwian namin kaya minsan tulaley na ang ate mo. Di kagandahan pero labas po sa puso yan, lol.
Enjoy!
-Arel
BINABASA MO ANG
Untold Truth
Randomcomposed of my own works may ibang galing sa sariling karanasan may ibang mula sa imahinasyon Iba-ibang klase. Pili mga suki Presy---- charot. Wala lang. Bored lang ako kaya ko po ito ginagawa. Please do not plagiarize (feeling maganda gawa) Thank y...