ANG BINTANA
Binuksan ko nang maluwag ang bintana sa aking kwarto. Sumabog ang liwanag sa aking mukha na syang nagpa-iwas sa akin na tumingin sa labas. Napansin kong hindi kumalat ang liwanag sa aking maliit na silid at nanatiling madilim ang bawat sulok nito. Nilingon ko ito't pinagmasdan.
Pero teka, ano ito? Maliwanag pero wala akong natatanggap na init mula sa araw. Imbis ay malamig na tubig na bumabayo sa aking pisngi. Pinahid ko ito't napagtantong wala palang araw. Kasama ng malakas na hampas ng hangin sa aking mukha ang lamig ng tubig ulan na tumatalsik mula sa labas ng aking bintana. Masarap sa pakiramdam ang lamig na dulot nito sa aking balat ngunit bumibigat na ang aking dibdib, nababasa na rin pati ang leeg ko.
Tumutulo mula sa ulo pababa sa aking naniningkit na mga mata, pababa sa matangos kong ilong, pababa pa sa manipis at mapupula kong labi hanggang sa umagos ito sa gatla ng aking leeg.
Napagdesisyunan kong isara na lamang ang bintana dahil nababasa na rin ang ilang gamit katulad ng mga sinusulatan kong mga papel sa gabi sa aking mesa sa tapat ng aking bintana pero mukhang kinalawang na ang mga bisgra nito dahil sa mga nagdaang ulan dahil sa hindi ko na ito maisara pang muli.
Kaya't nilingon ko ang aking higaan at naalalang may mga nakatago ako ritong mga bote. Lumuhod ako upang abutin ang isang botelya ng langis. Hinawi ang mga bote ng mga softdrinks at ilang hard drinks. At ayun ang bote ng langis na syang aking hinahanap. Pinatakan ko ng kaunti ang bisagra ng bintana ngunit ayaw pa rin magsara kaya't lalo pang nabasa ang basa ko nang mukha.
Hindi ako sumuko para maisara ang bintana kaya't binuhusan ko pa ng langis ang bisagra. Naisara ko na ito at binitiwan ang hawakan nito. Pero sa lakas ng hangin ay nagbukas nanaman ito.
Basa na rin ang puti kong blusa.
Ipinikit ko ang aking mga mata at iniharang ang dalawa kong palad, kasabay ang pagpapakawala ko ng bunton ng mga hininga at hindi mapigil-pigil na pagluha.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Naisulat ko din ito para sa librong binanggit ko sa naunang chapter, isang dagli na may hawig sa nararamdaman ko noong panahong naisulat ko ito.
So ayun po ano, ang drama ng life ko. Umiiyak lang talaga yan dami pang chenes.
So Enjoy!
-Arel
BINABASA MO ANG
Untold Truth
Randomcomposed of my own works may ibang galing sa sariling karanasan may ibang mula sa imahinasyon Iba-ibang klase. Pili mga suki Presy---- charot. Wala lang. Bored lang ako kaya ko po ito ginagawa. Please do not plagiarize (feeling maganda gawa) Thank y...