PBB: Pɪᴘᴇ, Bᴜʟᴀɢ at Bɪɴɢɪ

1 0 0
                                    


(Pipe,Bulag at Bingi / Pamahalaang Blah Blah: Puro satsat)


Binulag ang mga mata

Isinara ang mga tainga

At itinikom ang bibig mula sa mga balita

Mga nagaganap sa labas ng pinto at bintana


Sa gitna ng pandemya

Takot lamang ang nadarama

Na hinahaluan ng poot at pagkadismaya

At bawat parte ng katawan ay nanginginig sa pangamba


Tila isang tangang walang magawa

Na pilit na tumatakas sa katotohanan

Na lumalala na ang kalagayan ng ating Bayan

At mahirap na itong gamutin pa


Na kahit na natuklasan na natin ang tamang lunas

Hindi pa rin pala rito magwawakas

Walang hanggang katapusang paghahangad sa kapangyarihan

At kasakiman


Ng mga nakaupo sa itaas


Nagugulilat pero pilit na pinoprotektahan ang kayang protektahan

Dahil bukod sa kailangan ko ang sarili ko ay kailangan din ako ng aking Bayan

Para ipaglaban, hindi lang karapatan ng mga mamamayan

Kundi pati ang pansariling karapatan


Na ngayon ay ipinagkakait na ng sariling pamahalaan

Ginagawa tayong terorista sa sariling bayan

Na dapat ay tayo ang pinagsisilbihan

Na tayo ang kaniyang nasasakupan

Pero sa maling paraan tayo pilit na pinoprotektahan


Subalit paano?

Maraming Pilipino ang nagsusumamo

Sumisigaw, sumasayaw, humihiyaw

May ibang dinadaan sa kantyaw


Mga hindi halatang biro

Mga salitang nilalaro

At kahit pa diretsahin ang punto

Tila bingi pa rin ang siyang dapat makarinig nito


Iba't ibang paraan

Iba't ibang klase ng tao

May bata, may matanda

May natapos o Wala

At kahit pa may titulo sa simula o dulo ng ngalan


Pipe, bulag at bingi ba talaga ang nasa itaas?

Akala ko ako lang ang umiiwas?

Nagtatago mula sa mg problema

At ayaw makita ang kinakaharap na paghihirap

At iniindang sakit ng masa

Untold TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon