PAHINGABakasyon na
Siguro, oras na din para magpahinga
Sa kakatitig sa iyong mukha
Sa kasusunod kung saan mo man balak pumunta
Buong taon kitang sinusundan
Pwede bang ako naman?
Ako naman ang iyong tignan
Ako naman ang iyong sundan
Palagi na lang ba kitang papakinggan?
O baka pwedeng ako naman
Palagi na lang nasisigawan
Karapat-dapat bang ako'y iyong sungitan?
Panahon na ay maalinsangan
Iyo pa bang sasabayan?
Pwede bang magpalamig muna?
Kumain ka muna ng sorbetes na pinabili mo kanina
Baka pwedeng pagkatapos nito
Hindi na ako alalay mo
Baka pwedeng ituring mo na akong kasintahan mo
Bakasyon muna sa init ng ulo mo
Lambingin mo rin naman ako
Gawin mo rin sana ang mga ginagawa ko para sayo
Magbakasyon tayo pareho
Ako naman ngayon
Ako naman ang tignan at lambingin mo
Pero di ako magsasawa intindihin lahat ng pakulo mo
Pahinga lang tayo
Tapos bukas ulit, tuloy tayo.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Obviously not written by heart. One week na lang kasi pasahan na ulit for another book project na required nga ng prof namin sa Creative writing. Share ko lang.
-Arel
BINABASA MO ANG
Untold Truth
Randomcomposed of my own works may ibang galing sa sariling karanasan may ibang mula sa imahinasyon Iba-ibang klase. Pili mga suki Presy---- charot. Wala lang. Bored lang ako kaya ko po ito ginagawa. Please do not plagiarize (feeling maganda gawa) Thank y...