Exes Baggage

7 1 0
                                    

Nakita kita
Hawak mo ang alak sa kaliwa
At sigarilyo sa kabila
Nakatagilid ka
Kaya di ko inaasahang magtatagpo ang ating mga mata
At bigla
Biglang bumalik sa akin lahat ng alaala
Na baka ako lang rin ang naka aalala
Dahil di naman ikaw ang iniwan, ako diba?
Na sa pag alis mo, iniwan mo rin ang amoy mo sa aking mga unan
Na pati sa kumot ay ang asim mo'y kumakapit
Tila ayaw ako iwan
At kahit saan
Sa ilong ko ay sumasabit
Na sa bawat byahe ko kasama ang kotse kong minaneho mo
Ikaw lang ang naaalala ko
At sa lahat ng alak na iinomin ko
Halik mo ang hinahanap ko
Bakit?
Kasi doon ako mas nalalasing
Sa bawat hithit ng sigarilyo
Mas lalo akong naaadik sa amoy nito
Tila usok ng pag alis mo
At pinagsisisihan ko
Na di kita pinigilan pero
Tila gusto ko pa din isumbat sayo ang lahat dahil ako ang naiwan
Pero sa kabilang banda
Kasalanan ko pa rin pala
Dahil hindi ka aalis ng walang dahilan
Hindi mo ako iiwan
Kung wala akong ibinigay na dahilan
Hindi mo ako iiwan
Kung pinigilan lang kita
Hindi mo ako iiwan
Kung una pa lang, napag tanto ko na
Na ikaw ang mas minahal ko kaysa sa una
At hindi ko na gusto pang sukatin dahil hanggang ngayon, mahal pa rin kita.

Untold TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon