BURNEK

1 0 0
                                    

Blanko ang aking utak
Pero naririnig ko pa rin ang mga salita mong mabulaklak
Pero bukod pa doon, may kung anong ngiti sa aking mga labi na nagtutulak
Ngumiti at tuluyang humalakhak

Hindi marahil sa nakatatawang mga salitang binibitawan
Pero marahil may bahid ng kaunting katotohanan na gusto kong paniwalaan
Estrangherong mga banat sa akin pinakakawalan
Pero syempre hindi ako papatalo't ikaw rin ay babanatan

Hindi ako mangmang sa laro ng pag ibig
Pero hindi ko rin gamay kung paano ito laruin at paikutin
Subalit kaya kong sumabay sa agos ng laro't baguhin ang takbo

sabi ng mga kaibigan ko pagdating sa paglalaro ng mga letra't salita
may talento ako
naitatapal ng tama ang bawat letra
naitatama ang bawat salita
sa bawat taludtod ay nagtutugma
nalalaro ang bawat pangugusap sa bawat talata

pero ...
siguro kahit na anong subok kong hindi maniwala
o makipagsabayan sa tuksuhan
o makipaglaro na mga taksil na salita ang sandata
magkasungay man sa laro na sinalihan

sa dulo mahuhulog pa rin sa sariling patibong
sa maling tao pa din mahuhulog
sa maling tao pa rin makukulong

Tama pa ba 'to?

o naliligaw na ako sa larong ako lang pala ang nag imbento?
Kathang isip ko lang ba na nilalaro lang ako ng taong 'to?
O baka totoong mas magaling makipaglaro ang mga lalaki gamit ang mga letrang akala ko'y sandata ko

hanggang dulo di ko pa rin mapag tanto

kayo? ano sa tingin nyo?

Untold TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon