Pusong alak lang ang may lakas para makapagsabi nang totoo
Nilaklak para makalimot nang buo
Pero dulot lang pala'y kung anong delubyo
Utak ay lalong ginulo
Sikmurang tinubuan ng paru-paro
At pusong dinagdagan ang pagkalito
Hilong-hilo
Hindi dahil sa gin at betsin sa baso at braso
Kundi dahil sa mga reply mong nakakagago
Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo
Pero bakit kinikilig ako
Malaki ang posibilidad na baka hindi ito totoo
O baka lasing lang ako
O baka imahinasyon na lamang ito
Dahil tangina, lasing na talaga ako
Umiikot na ang mundo ko
Dalawa na din ang tingin ko sa cellphone ko
Mali-mali na din ang spelling sa mga text ko sayo
Halata naman na siguro ang alak sa sistema ko
Pero nakakapag taka na nagrereply ka pa din sa mga text ko
At ang gabing ito, mamarkahan ko ang kalendaryo sa pader ng kwarto ko
Dahil ngayon ang gabi ng pagka-guho ko
Gumuho ang pader na binuo ko
Sa walong buwan na pananatili ng pader kong konkreto
Ikaw din pala ang gigiba rito
Lasing ako pero hindi ko alam na malalasing ka din pala sa mga salita ko
Ang rupok mo naman pala
Ang rupok mo din pala
BINABASA MO ANG
Untold Truth
Randomcomposed of my own works may ibang galing sa sariling karanasan may ibang mula sa imahinasyon Iba-ibang klase. Pili mga suki Presy---- charot. Wala lang. Bored lang ako kaya ko po ito ginagawa. Please do not plagiarize (feeling maganda gawa) Thank y...