HANG-TING

4 0 0
                                    


HANG-TING


Nakasandal siya sa pader sa pagitang ng "Exit" at "Entrance" na gate ng eskwelahan.  Inaabangan niyang dumaan ang likod ng isang lalaki sa harapan niya. Kahit likod na lang. 

Sa dinami-rami ng lalaki sa eskwelahang ito, bakit siya pa?  Bakit siya pa rin? 

Alas otso y medya ang labasan ng lalaki pero alas siyete pa lamang ay nasa pagitan na pader na siya ng eskwelahan nito. Maraming gwapo at yummy pero isa lang ang nagpapabilis sa pulso niya at nakakapag pasikip ng dibdib niya kahit pa wala siya nito. 

Lunes hanggang biyernes,  walang mintis andito siya sa eksaktong isang oras at kalahati bago lumabas ang lalaki. 

Dalawang oras siya madalas kung mag hintay kung di pa ito agad lumalabas.  Pero makita niya lang ng isang beses ang likod o nakatagilid nitong postura ay okay na. Uuwi na siya. Bonus na lang talaga kung makikita niya ito ng nakaharap. 

Alas siyete ang tapos ng klase niya lunes hanggang sabado. Alas dyis naman ang pasok niya sa kaniyang part time job na hanggang alas sais ng umaga na malapit lang naman sa dorm na tinutuluyan niya. Isinasabay niya sa pag kakahera sa isang convenience store ang pag aaral at pag rereview. At alas dose naman ang pasok niya kaya't may apat hanggang sa limang oras siyang tulog araw araw at ibinabawi niya na lang pag linggo pagkatapos ng ilang gawain at pag aaral niya. 

Pero naisisingit niya pa rin ang lalaki sa dami ng gawain. Dalawang oras sa limang araw niyang pag hihintay sa isang linggo at isang oras tuwing sabado at linggo sa pag check ng social media accounts nito. 

Masaya siya sa ginagawa niya. May kasintahan man ang lalaki o wala. Suportado niya ito.  Ang creepy man ng ginagawa niya ay hindi na ito mahalaga. Basta ba ay hindi siya nito mahuli. 

Isang beses, sabado ng gabi, alas siyete y medya. Sumakay ang baba sa jeep papunta sa kaniyang trabaho nang biglang nakatapat niya ang lalaki. Laking gulat niya ng napatingin ito sa kanya kaya't napaiwas siya sa mata nito. Iniabot niya ang kaniyang bayad at inisip kung ano ang dapat niyang gawin. Pinilit niyang mag mukhang normal pero sa isip niya'y baka mukha na siyang natatae na ewan.  

Nang sa wakas ay malapit na siya sa trabaho ay pumara na siya, pero ikinakaba niya ng bumaba rin ang lalaki sa jeep kasunod niya.  Napalingon siya agad pabalik sa daanan kaya't tuloy tuloy itong naglakad diretso muna sa dorm niya kasabay ang pag darasal na sana ay mali ang kaniyang mga iniisip. Na sana ay nag aassume lang talaga siya sa mga kilos ng lalaki. 

Pero halos ikalusaw niya ang biglaang paghawak ng lalaki sa kaniyang braso. 

"Elle. Pwede ba tayo mag-usap?" 

Putangina. Bulong nito sa sarili. 

Bakit? Para saan? Alam niya ba na ako yun? Shet ang advance ko mag-isip baka naman mangungutang lang 'to?! Ano ba tong pinag gagagawa ko?!  Ngayon pinagsisisihan kong gusto ko siya palagi makita. NO. ERASE. GUSTO KO PA RIN SIYA PALAGI MAKITA PERO ANG MAKAUSAP?!  BIG NO. 

iyan ang tumatakbo sa isip niya habang tulala sa mukha ng lalaki na halatang may takot sa mata at pag tataka with a twist of amazement pa. 

"ELLE?"

"u-uhh. Bakit? Ano problema? " sinubukan niya pang maging normal at tumingin sa mata ng lalaki pero she failed. 

"Tigilan mo na ang pag punta sa school ko. " -lalaki

Paanong--tang ina. Napatingin siya sa kawalan at napabuntong hininga. 

"Anong s-sinasabi m-mo? " 

"Di ko alam kung sino kinikita mo dun pero sana naman nag iingat ka. Hindi ka sana nag susuot ng shorts o maikling palda kung saan saan lalo na pag gabi. " -lalaki

"what are you saying? "

"Concern lang ako"

Sinusubukan niya pang mag maang-maangan sa lalaki pero mukhang di na niya kaya. 

"Salamat. Pero di mo ko mapipigilan. You are not the boss of me. " subok niya pang pag tataray sa lalaki "Kung kinausap mo ako para lang sermonan, thank you na lang ingat ka sa pag uwi" 

Di niya maipagkaila sa sarili na nasasakatan siya. Dahil makalipas ang mahigit isang taong di nila pag uusap ay ito nanaman sila. Nag uusap. Nag aaway. 

Napabuntong hininga ang lalaki. Napasabunot sa sarili at napahawak sa batok. Frustrated sna siya. Ani ng babae sa kaniyang isip. 

"Di kita sinesermonan. Concern lang ako dahil kahit papaano ay may pinagsamahan tayo. Masama ang kutob ko sa lahat ng lalaking tumitingin sayo. Sa legs mo. At sa dibdib mo.  Alam mong maganda ka ,may magandang legs, at dibdib. Di mo na kailangang ibalandra sa iba."

kumulo ang dugo sa ulo ng babae kaya't eto na po.  Tatlong minuto para sa babae. 

"Excuse me!!  Di ko alam kung kabastos bastos ako sa sinasabi mo lero di ko naman ibinabalandra ang sarili ko noh!  And fyi, wala akong kinikita sa school mo. May iba akong agenda!  Nanghahangting ako!  Kaya tigilan mo ko sa pa-concern concern mo. Kaya ko sarili ko. Black belter yata ako noh!? "

Napakamot nanaman siya sa ulo at batok niya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. 

"Anong hinuhunting mo dun aber? " -lalaki

"wa- ano --- n-none of y-your business!! "

Pinawi niya ang ilang metrong distansya sa pagitan nilang dalawa at nag tira ng 2 sentimetro.

"O-OY!!  MAY JOWA KA!! " 

Hinawakan ng lalaki ang likod ni babae para di na maka atras pa gamit ang dalawang kamay. 

"Alam ko. And i am loyal. I just want to thank you..."

Nagkatinginan sila sa mata. At ang matigas na tingin ng babae sa lalaki ay napawi at napalitan ng pagkalito. 

"p-para s-s-saan?"

"Na kahit HANGgang TINGin lang, pinaparamdam mo pa din sakin na minahal at mahal mo akong tunay. Hindi ko pinagsisisihan na minahal kita at may mahal na akong iba ngayon... "

Inakap ng lalaki ang babae ng mahigpit. 

"Salamat sa pag respeto sa akin at sa girlfriend ko ngayon. Alam kong pinatawad mo na ako sa mga ginawa ko noon dahil ganoon kaganda ang puso mo pero hiling ko lang na sana isipin at mahalin mo rin ang sarili mo. You deserve someone better. Yung mga kaklase kong nakikita ka, gusto kang pormahan at natatakot akong mapunta ka sa mga gagong tulad nila. Enough na yung heart aches na binigay ko sayo noon. "

Bumitaw na siya at lumayo ng bahagya. 

Nanatiling tulala at punong puno ng luha ang mga mata ng babae. Naghahanap ng salitang tutugma sa nararamdaman niya. 

"Salamat Christian. Pero hayaan mo munang mag hilom ng kusa yung mga sugat ko. Salamat sa pag approach at concern. But please don't do this again. I am very much aware....  Of everything. "

At tinalikuran niya ang lalaki at dire-diretsong umakyat sa dermitoryo nito.


Hanggang tingin na nga lang, pinagbawalan pa. 

Wala na ba ang karapatang magmahal kahit mula na lang sa malayo? 

Untold TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon