BUTAS

7 0 0
                                    

BUTAS 


Nanunuyong lalamunan 

Tila nauuhaw sa katubigan 

Na aking tinitignan 

Mula sa salamin ng telepono ng aking kaibigan 


Walang kulay ang mga mata 

Ang aking labi ri'y maputla 

Ang pisngi kong dating pula 

Ngayo'y kulay papel na 

Tinatakpan na lamang ng mga kolorete sa mukha

Ibang tingin sa mata 


Nakikitawa kasama ang iba 

Pero kapag mag-isa na 

 Kulay ay kumukupas kasama ang saya 

Bakit kaya? 


Para bang ang puso'y isang bola 

Sa kababato at kapapasa 

Nabutas na ng tuluyan 

At hindi ko alam kung kaya pa 


Kung kaya pa isalba 

O baka pwedeng itabi na lang at iwanan 

Hayaan 

 Takasan 

Dahil may depekto na sa madaling salita 

Sira na 

Butas na.  

Untold TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon