NATAPOS NANatapos na tayo noon
Pero sinimulan mong muli
Pero matatapos rin pala ngayon
Ano bang pinasusubali?
Nagkamali na tayo noon
Bakit pa natin inulit ngayon?
Noo'y nagkamali
Pinagtakpan ang pagkakamali
Ng isa pang pagkakamali
Paano na natin ito maitatama kung hindi ititigil
Paano itatama kung puro mali
Siguro nga kailangan nang itigil
Kailangan nang pigilan
Kailangan nang wakasan
Dahil sa kahit kaninong paningin
Hindi mababawasan
Ang pagkakamaling hindi iniwasan
Hindi rin kayang bawasan
Ni matumbasan
At sa wakas
Natauhan na
Lumaban na
At ngayon
Natapos na
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I wrote this for my ex, we are an on-off relationship at nasulat ko 'to nung isang beses na nagbreak kami dahil sa babae. I got tired pero pinatawad ko ulit siya. Tanga ang ate niyo. But at the end, we broke up anyway. Ex na nga e, pero atleast naging instrumento ko siya para makapagsulat ng tula na mula sa puso.
Ayun. Thanks anyway.
-Arel
BINABASA MO ANG
Untold Truth
Randomcomposed of my own works may ibang galing sa sariling karanasan may ibang mula sa imahinasyon Iba-ibang klase. Pili mga suki Presy---- charot. Wala lang. Bored lang ako kaya ko po ito ginagawa. Please do not plagiarize (feeling maganda gawa) Thank y...