Sige hilahin mo ko sa maling daan
Sige ayain mo ko uminom basta wala akong training kinabukasan
basta wala ako pasok kinabukasan
basta wala ako dapat tapusing requirement
o wala ako assignment
Sasama ako pero babalik at babalik sa tamang daan
hangga't sumama ka sa akin at sabay tayong mag lakbay
halina't umakbay
ako ang iyong alalay
susubukan kang pagsilbihan
hindi tayo pwedeng sabay malunod
siguro pwede pa sa saya
pero hindi pwedeng sa lungkot at pagkalugmok
sasamahan kita
kahit minsan di ko na rin kaya
hindi tayo pwedeng sabay malunod
para kang bahaghari
sa liwanag kita pa rin ang makulay kong pagmamay ari
ang iyong ngiti
na sana ako ang nagdudulot palagi
pero kahit hindi
Sana ikaw pa rin ay aking pagmamay-ari
o aking bahaghari
kailan ba kita mahahalikan sa iyong labi?
nagbabakasakali
gusto ko rin diyan sa iyong tabi
bakit?
ako ba'y masyadong nag mamadali?
pasensya na pero hindi rin ito ganon kadali
pigilin ang kilig, saya at ngiti
gusto lang kita makapiling
gusto lang kitang makapiling
BINABASA MO ANG
Untold Truth
Randomcomposed of my own works may ibang galing sa sariling karanasan may ibang mula sa imahinasyon Iba-ibang klase. Pili mga suki Presy---- charot. Wala lang. Bored lang ako kaya ko po ito ginagawa. Please do not plagiarize (feeling maganda gawa) Thank y...