MUNTIK NA

2 0 0
                                    

Bago lang ako noon
Bago sa mata ng mga tao
Bago sa lugar na kinikilusan nyo na noon
Bago sa lahat ng wala akong ideya bago ako makalipat dito

Siyempre, dahil bago
Nasa akin ang atensyon ng ibang usisero
Maraming handang tumulong
Maraming gustong "tumulong"

Probinsyana lang ako
Hindi ako mangmang na pinatapon dito
Matalino ako kaya ako pinadala sa unibersidad na ito
Kaya malakas ang loob kong tumanggi sa lahat ng "tulong" na inaalok niyo

Alam ko kung paano kumilatis ng kilos
O intensyon ng isang tao sayo
Hindi sa pagmamalaki pero alam kong iyon ang pinaka kinatutuwa kong taglay ko
Pero nagduda ako sa kakayahan ko
Simula noong makilala kita sa isang klaseng pareho tayo

Madalas ay wala akong kasama sa mga unang buwan ko dito
Papasok, break time, snack time, lunch break, uwian o kahit sa anong lakad ko
Pero isang araw, biglang sinabayan mo ako
Literal na sumasabay ka lang sa paglalakad ko

Hindi sa likod ko
O sa harap ko
Literal na tatabi ka sa 'kin
Pero di mo mab lang ako kakausapin

Doon lang kita napansin
Kilala na kita marahil sa iilang groupings
Pero doon ko lang talaga napansin ang ang astig mo kahit di mo ko pinapansin

Ilang beses naulit ang ganoong tagpo
Pero ni isang beses di ako umangal sa pagsabay mo
Di ako nagtaka sa pag aabang mo sa labas ng apartment ko
O pagka lunch ay uupo ka sa tapat ko
At kahit ang paghatid mo ulit sakin pabalik sa apartment ko

Naging komportable ako sa pananahimik mo
Na okay lang kahit di mo na ko kausapin
Pero di ko mapagtanto bakit nga ba hindi ka magsalita sa harap ko
Nagagawa mo ngang makipag usap sa iba pero bakit sakin puros sulyap,titig at tango lang ang natatanggap ko

At doon hindi ko malaman sa sarili kong panghuhusga
Ay nasabi kong mabuting tao ka
Na "actions speak louder than words" kaya cinonsider kong pipe ka
Nagkekwento ako minsan pag magkasama tayong dalawa
At kuntento na ako sa mga tangi at ngising iyong pinapakita

Pangatlong buwan ko pa lang sa Maynila
Pero dahil sayo natutulungan mo akong maging bihasa dito kahit hindi ka magsalita
Malapit na ngang mag dalawang buwan at gusto ko na sanang magtanong kung kailan ka sa akin mag sasalita
Gusto kong itanong kung espesyal ba ako dahil sa lahat ng taong nakakausap at nakakasama niya, ako lang ang di niya kinakausap kahit na kasama niya?

Pangalawang buwan
Nagsalita ka na
Ang daldal mo pala
Ang sarap mo din pala kausap

Bukod sa maganda ang mga napapag usapan
Maganda rin pala talaga ang boses mo pag kumakanta
Mas nakaramdam ako ng presensya ng pamilya dahil sa mga kwento at iyong paniniwala
Mas naging komportable ako sa punto nga na hindi ko na tinanong kung bakit isang buwan kang sakin ay di nagsalita

Umabot ng tatlo, apat na buwan
Walang nagbago
Magkausap at magkasama pa din tayo
Akala nga ng iba ay tayo na

Tingin nila ay "ako na" ang para sayo
Dahil ako lang daw ang nakatagal sa kasungitan mo
Na ipinagtaka ko
Dahil hindi ko iyon nakita sayo
Sa apat na buwan? Nakilala kita ng lubos pero sobra lang na bait mo

Probinsyana ako pero katulad ng sabi ko
Marunong ako kumilatis ng tao
Pero sayo lang ako nahirapan ng todo
Dahil sa mata ko, walang mali sayo
O baka nasanay lang ako at natanggap ko agad ang mga flaws mo

Nagkaroon din ako ng ibang kaibigan dahil sayo
Naging tulay ka para makapasa ako sa ilang subjects na medyo nahirapan ako
Buti na lang same batch and course tayo at hindi gaano mahirap na turuan ako
O hanapan ng oras para tulungan ako dahil madalas tayong magkaklase sa iilang subjects ko

Conversations with you made me thought about life

Conversations with you are the best.

Conversations with you are my favorite ones. Non sense man o may sense.

We talked for how many hours, so many topics.
And dreams are the best to talk about.

Pero isang araw
Tulad ng unang araw
Na pagsabay mo sa akin
Di ako nagtaka sa di mo pagsabay sa akin

Sa di mo pag pansin
Sa di mo pagkausap
Sa di mo pang aasar
Sa di mo pagpuna

Di ako nagtaka dahil nakita kong may kasama kang iba
At hindi ako nagalit sa bigla biglang pagkawala
Di ako nagalit kasi di ka nagpaalam
Dahil una sa lahat di ka din naman nagpaalam na papasok ka sa buhay ko diba
Hinayaan lang kita

Di na ako sanay ng mag isa
Pero buti na lang tinulungan mo ako magpapasok ng ibang tao sa buhay ko
Binigyan mo ako ng kaibigan na sasama sa akin pag wala ka
Tinulungan mo akong matuto hindi lang sa pang akademiko
Kundi pati sa kung paano makihalubilo sa ibang tao

Then i realized that moment na muntik na akong masanay na siya lang

Muntik na....

And it was like a fast forward motion
Mabilis ang agos ng pahahon
Di na rin bumalik ang pagtrato mo sa akin noon
Palagi na din naman ako sinasamahan ng mga kaibigan mo na naging kaibigan ko din dahil sayo

Partikular na ang matalik na kaibigan mo
Bukambibig nga kita minsan
At alam niya ang nangyaring bigla mong sa akin na pag iwan
Alam niya na ni minsan di ako nagalit o nagtaka
Alam niya na muntik na

Muntik na akong mahulog

Muntik na akong masanay

Muntik na akong maging kuntento na ikaw lang talaga

Muntik na

Untold TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon