After the class dali dali agad akong lumabas at nakipagsiksikan din sa mga studyanteng atat ng makalabas gaya ng dati para akong magnanakaw na nagtatago para lang hindi mapansin ni manong guard.
Ng makalabas ako agad akong sumakay sa Jeep. Kasi po hindi ko afford ang taxi. Sana naman my mapala ako dito sa pupuntahan ko. Gusto ko talagang malaman kung anu talaga ang totoong nangyari para wala ng bumagabag sa akin.
Dahil sa sobrang pag iisip ko muntik na akong makalampas sa police station.
Ma para po! Sigaw ko.
Miss naman kung makasigaw ka parang wala kang katabi. Sabi ng lalaking katabi ko sa upuan.
Hehe pasensya na po kuya. Pabebe ko nalang na sagot at hindi nya nalang ako pinansin. Tss snabirong frog!
Habang papalapit ako mas kinakabahan ako. Ng malapit na ako parang gusto ko ng umatras. Kaso andito naku para umatras pa at sayang ng pamasahe ko 8 pesos din pambili pa ng samalamig at fishball hehe.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok na sa police station at nakita ko ung isang police na nakaupo sa desk.
Tumingala Ito ng maramdaman sigurong my papalapit sakanya.
Yes miss? May kailangan ka? Magalang na tanong nya sakin. Siguro mga 30s palang edad nito.
Ah..hmmn pwede po ba magtanong sir about don sa kaso ni Mr. Mrs Reyes? Mga month ago po. Medyo kinakabahan kong sabi.
Sorry miss hindi kame basta basta nagbibigay ng detalye. Unless kong kapamilya ung humihingi. Tiningnan ako ng police na my pag dududa.
Naku un na nga po sir. Anak po ako ni Mr. And Mrs. Reyes hindi po kasi sakin malinaw kung anu ba talaga ung nangyari sa magulang ko.
Kala ko anak ka nya bat hindi malinaw sayo ung nangyari? Nakataas ang kilay nyang sabi.
Kasi po hindi ko na inusisa masyado kung Ano ung nangyari sa magulang ko. Masyado po kasi akong pre occupied ng nangyari sa magulang ko nun. Please naman sir. Pagmamakaawa ko sakanya.
Tinitigan nya muna ako ng maigi bago tumayo at tiningnan ang logbook. Napangiti naman ako. Yes Ito na malalaman ko na. Pero handa ba ako sa malalaman ko? Haist bahala na.
Mr. And Mrs. Ricardo and Adelaida Reyes tama ba? Pangungumpirma sakin ng pulis.
Opo un nga. Mabilis naman ung pagsagot ko at sinabayan ko pa ng pagtango.
According dito sa imbestiga sabi ng mga nakasaksi kita daw nilang nawala sa focus ung nagmamaneho dahil sa biglang pagtawid ng isang aso. At.... Pambibitin nyang sabi sabay tingin sakin ako naman tiningnan sya ng deretcho.
A-at Anu po sir? Kinakabahan kong tanong. Ito na ba malalaman ko naba?. Napalunok ako sa naisip ko.
At dahil sa pagkawala ng focus ng driver sa pagmamaneho na nagkataon na ang iyong ama nagpagiwang giwang ung kotse at huli na para makahinto pa sila dahilan para sumalpok sila sa isang truck na nasa kabilang lane pero bago un my nahagip ung kotse nila na isang tao na nag aabang ng sasakyan sa kabila ng kalsada kung saan sila sumalpok sa my truck. At dead on the spot ung magulang mo dahil sa lakas ng impact ng kanilang pagkabangga.
Oh god. Napapikit nalang ako sa naisip kong scenario na nangyari sa magulang ko.
S-sir Diba sabi mo may nadamay sa accidente ung magulang ko sino po Ito?. Tanong ko sakanya.
Sorry miss confidental ei. Total pinasara na ng pamilya ung kaso ng taong nabangga ng magulang mo ei. Pasalamat nalang daw sila at buhay pa ung anak nila dahil agad nadala sa ospital. At pasalamat ka miss dahil mabait ung pamilya ng lalaki hindi na sila nag abala pa iakyat sa Korte ung nangyari. Total hindi naman daw kasalanan ng nakabangga sa anak nila ung nangyari ei. Madaming nakasaksi sa nangyari. Mahaba nyang sabi.
Opo alam kong mabait ang pamilya nila. Naiusal ko nalang.
Ha? Mabait sino? Takang tanong ng pulis.
A-ah ung pamilya po ng lalaki sir. Hmmn sir total andito nalang rin ako lulubus lubusin kuna please sir sabihin nyo na sakin ung pangalan ng lalaking nabangga ng magulang ko. Pagmamakaawa ko.
At bakit ko sasabihin? Pasuplado nyang tanong.
Bilang anak sir kailangan ko rin naman siguro magkaroon ng karapatan para malaman ang lahat Diba sir? At tumingin ako sakanya ng my determinadong tingin . At nagpakawala sya ng mabigat na buntong hininga na ikinangiti ko. Alam ko panalo ako.
Fine! JHEMLORD SAN DIEGO.
Pagkarinig ko ng pangalan na yon parang hinigop ung lakas ko. At nanlalambot na napaupo sa silya na naandon.
Okay kalang miss? Tanong sakin ng pulis na hindi ko na pinagkaabalahan man lang na sagutin oh tingnan man lang.
Ang magulang ko ang dahilan kung bakit sya na aksidenti at kung bakit sya ngaun comatose. Anu nalang ang mukha kung ihaharap ko sakanya ngaung nalaman ko na ang totoong nangyari.?.
Umalis ako sa police station na lulugo lugo at hindi alam kung anu ang gagawin at iniisip kong anu ba ang mangyayari pag nalaman nya kung sino ang dahilan ng pagka aksidenti nya. Kahit sabihin pang sinarado na nila tita ung kaso na yon.
____________________________________
April-30-2018 12:41am.What a day.🙂 Para po sa kaalaman nyo itchus2x ko lang po yang about sa kaso ah? Hindi ko talaga alam kong anu ba talaga ang proseso para pumayag ang isang pulis na nakatalaga para ipaalam sayo ang kaso. Kaya pasenyahan nyo nalang po kung nabasa nyo man yan na Mali. Hehe. 🙏✌️✌️
Vote and Comment and Follow me if you like.
Add me on Facebook.
Anilehj-Jhe YushieFollow me on Instagram.
Jhemyel14__😘YuhanJhemyel😍__
BINABASA MO ANG
Oh My GHOST😱(Completed)YJRR-JelinaRey
Teen FictionIsang Gabi na napahamak ka bigla nalang my lumigtas sayo. Isang gabi kung saan sa unang pakiramdam ay ligtas ka. At isang gabi na kahit Hindi mo man lang nakita ang mukha niya at tanging naramdaman lang ay minahal muna agad. Pano kung isang araw mag...