Untold Story: When Jhemlord propose to Jhe-Jhe

124 2 0
                                    

                 ( Jhemlord🤵 👰Jhe )

Gosh dadalawin ako ng mahal ko kailangan kong magpaganda.! Natatarantang wika ni Jhe. Humarap sa salamin naglagay ng pulbo at pulang lipstick . Kunti lang naman ang inilagay niya sa labi saka ikinalat sa labi niya.  Natuwa naman siya sa simpleng ayos na meron siya. Today is the special day. Mag dadate sila ng pinakamamahal niyang si Jhemlord.

Ding-Dong... Tunog po ng doorbell ha. Hindi si Ding-Dong Dante's haha. Tama na sa kakornihan baka last kuna to. Haha.

Mahal koooooo!!!! Sigaw ko ng bumungad sakin ang napakagwapo nyang mukha.  Dinambahan ko din agad sya ng yakap na halos ikasakal niya na dahil mahigpit na pagkakalambitin ng mga braso niya sa leeg nito.

Arrrrgk!! Get down! Are you going to kill me?! Asik niya sakin. Kaya bumitaw agad ako sa pagkakalambitin sakanya.

Hmmft! Arte! Hindi mo ba ako namiss? Sabay pout nya dito.

Tss! Stop pouting it's disgusting. Mas lalong humaba ang nguso ko dahil sa sinabi nya. Kahit kailan talaga ang harsh nitong magsalita.

Ang sama mo!. Sigaw ko sakanya sabay padyak ng mga paa. Wala akong pakialam kahit nag mumukha na akong timang sa harap nya.

Yeah! Yeah! Tigilan muna yang pag iinarte mo kong gusto mo pang lumabas tayo. Napatigil naman ako sa pag alburoto dahil sa sinabi niya.

Hmmft! Ikaw kasi ei.! Ayie Tara na!. Sabay angkla ng mga braso ko sakanya. At natuwa ako ng hindi niya yon inalis.

Pumasok kami sa mamahaling restaurant.

Wow! Ang ganda dito mahal ko.!! Hmmn galanti ah! Siguro dami mong nakupit kay mother in law. Sabi ko habang abala kong iginagala ang paningin sa loob ng restaurant. My naglalakihang chandelier , my mga nag orchestrang tumutogtog sa isang tabi. Nakakarelax ang ambiance dito.

Gusto mong pauwiin kita?! At hindi ko kailangan mangupit my sarili akong negosyo at pera.!  Napatalon ako ng bigla nalang narinig ko ang galit na boses nito.pag tingin ko sakanya halos magkasalubong ang kilay nito at masamang masama ang tingin sakin.

Hehe! Sorry mahal.. nag jojoke lang naman ako ei. Sabay ngiti ko sakanya ng matamis.

Tss! Tanging sagot nito. Hindi nalang ako kumibo baka pauwiin talaga ako nito. Wala pa naman akong perang dala. Ganyan ako ka poor haha.

Sumalubong samin ang isang waiter at magalang na ngumiti.

Are you Mr.San Diego and Ms.Reyes? Tanong ng waiter na sumalubong samin.

Yes. Tipid na sagot ni Jhemlord. Kahit kailan talaga tong lalaki na to..

This way maam..Sir. Magalang na sabi ng waiter at iginaya kami sa isang upuan na medyo nasa sulok. Gusto kong kiligin ng makita kong candle light dinner ang tema ng mesang pinuntahan namin.

Uyyyy! Sweet ha. Kinikilig kong sabi sakanya bago umupo.

Maya maya lang my lumapit ulit saming waiter at nag serve ng wine.

Ei.. Tanging tugon ko. Tiningnan ko ng pagdadalawang isip ang wine.

Why? Takang tanong niya sakin.

Hmmn. Alam mo namang hindi ako umiinom Diba?.

Nah. It's ok hindi nakakalasing ang wine na yan. Drink it while were waiting our dinner. Pang iingganyo niya sakin kaya kahit nag dadalawing isip ako tinungga ko un ng nakapikit.

Woah! Easy! Narinig kong saway niya sakin pero wala na mauubus Kona pero bago ko pa man masaid ung wine meron ng bumara sa lalamunan ko na matigas na bagay.

Arrgk! Arrgk! Masuka suka kong sabi habang pinopokpok ang dibdib ko para makalabas sa lalamunan ko kong ano man yon.

My mga kamay na bigla nalang pumulupot sa bewang ko. Binuhat ako at pilit pinipiga ang tyan ko. Maya maya lang napaubo ako ng mailuwa Kona ang bagay na yon.

My god Jhe are you ok?! I'm sorry I'm sorry! Here drink this. Sabay abot niya sakin ng isang basong tubig.

Ano ba kasi yon?! Kakasuhan ko ang restaurant na to! My balak ba silang patayin ako!. Maluha luha kong sabi habang nag hihimutok ako.

Hinanap ko ung bagay na muntik ko ng ikapahamak.

Ano to? Singsing? Paano magkakaroon ng singsing sa wine na ininom ko?.Nagtataka kong tanong sa sarili ko ng makita ko sa kamay ko ang isang simpleng bilog na silver. Pero my munting diamond ito sa ibabaw at kumikinang kinang.

Tiningnan ko ang taong kaharap ko na seryoso lang na nakatingin sakin na para bang hinihintay ang magiging reaksyon ko. Nagpalipat lipat ang tingin ko sakanya at sa singsing.

Di nagtagal napanganga ako ng marealize ko ang gustong iparating ng nangyari sakin.  Singsing at taong nasa harap ko ngayon?.

Napatingin ako sa kaharap ko at ngumisi lang ito sakin.

My god!. Napatakip ako sa bibig ko at unti unti ng namumuo ang luha sa mga mata ko.

Wag mo sabihing???

Kahit kailan talaga ang slow m0. Sabay hablot niya sakin ng singsing at biglang lumuhod.

Arrggh! It's so embracing . Pero anong magagawa ko ganito kita kamahal. So Ms.Jhe-Jhe Reyes will you Marry me? Do you want to replace your surname with my sername Tanong niya sakin habang nakaluhod. Matagal ako bago nakasagot dahil nabibigla parin ako sa pangyayari.

Nangangalay na ako!. Reklamo nito.

Yes! Yes! I will marry you!! Kahit wala kaman lang ka sweet sweet sa katawan habang nag popropose ka.! Sige na isuot muna at baka mag bago pa ang isip ko.! Sabi ko at itinuon ang kamay ko sakanya na siyang tinanggap nya naman at isinuot ang singsing.

Waahhh!! Palahaw ko dahil sa sobrang kasiyahan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinugod siya ng yakap sabay sungkab ng halik sakanya.

Hindi nagtagal narinig ko ang palakpakan ng mga tao sa loob ng restaurant.

Humihingal kami ng magbitiw ang mga labi namin. Bigla akong nahiya ng mapansin kong ang dami palang nakapalibot sa amin at doon ko lang napansin na andon pala lahat ng pamilya ni Jhemlord at masayang nakikipalakpak samin.

Mas lalong umusbong ang saya ko. Hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito.

______________________________________
Sept-04-2018

**Haha kung my untold story po ung panliligaw ni Jhe. Syempre my untold story din si Jhemlord haha. Sa totoo lang kasama sana to sa OMG CAST MOMENTS ei. Kaso medyo napahaba at angkop pa sa ginawa kong story sa omg. Ayon nagbago isip ko. Ginawa ko nalang pong untold story tulad ng nanligaw si Jhe ki Jhemlord. Sana po nagustuhan niyo hehe.

Vote and Comment and Follow me if you like.

Add me on Facebook.
Anilehj-Jhe Yushie
             ⬇️⬇️
Jelina Rey Ramos

__😘YuhanJhemyel😍__
          ( J e l i n a  R e y )

Oh My GHOST😱(Completed)YJRR-JelinaReyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon