O M G 😱 14

195 2 0
                                    

Nabigla nalang si Jhe ng dinambahan siya ng halik ni Mr.Zonrox. Buti nalang naiiwas niya agad ang mukha niya at sa pisnge niya lang tumama ang halik at hindi sa mismong labi niya.

Puta ka! Wag mo akong hahalikang gago ka! Sa baho niyang hininga mo ang lakas ng loob mong halikan ako! Kakadiri ka! Galit kong sigaw sakanya. Pwe! Kung hindi lang ako nakagapos bubuhusan ko ng asido ang bunganga ng hinayupak na to.

Langya kang babae ka! Ang tapang mo talagang manlaban pa kahit Alam mo ng wala ka ng pag asa! Wag ka ng manlaban pa! Kung ako sayo namnamin mo nalang ang sarap na kaya kong ibigay sayo. At wala kang paki na utusan ako sa dapat kong gawin! Jan naakit ang mga babae ko sa amoy ng kilikili at ng hininga ko.

Baka nga hindi pa bumubuka oh lumalapit ka man lang jan sa mga babaeng sinasabi mo ei nasusuka oh di kayay nahihimatay na sila! Daig pa ang imbornal ang amoy ng bibig mo! Pwe! Sabay dura ko sa mukha niya.

Pak! Pak!

Magkakasunod na sampal ang natikman ko matapos ko siyang duraan sa mukha. Hindi ako nakakibo sa sobrang lakas ng sampal niya. Nalasahan ko pa ang dugo na galing sa pumutok kong labi.

Puta ka talagang babae ka! Sobrang talas talaga ng dila mo at hindi kaman lang ba natatakot sa pwedeng mangyari sayo ha?! Pagalit nitong sabi.

Bakla! Pakawalan mo ako! Lumaban ka ng patas. Pakialam mo kung matalas akong magsalita? Ei sa ganito ako ei lalo na kung sa isang katulad mo. At ako? Matatakot? Haha nagpapatawa kaba? Kung isang kagaya mo lang ang kaharap ko pwes hindi ako matatakot. Bakla ka naman ei haha. Nakangisi kong sabi sakanya.

Pwes tingnan natin ang tapang mo. BOYS!! Malakas nitong sabi at suminyas. Pakatapos noon may naglabasan na kalalakihan na may kanya kanyang pamalo. Baseball bat. Dospordus. Kadena at may bakal pa.

Nanlaki ang mata niya sa nakita niya at nagsisimula na siyang manginig sa takot.

A-anong g-gagawin niyo?! Pakawalan mo akong hayop ka! Magbabayad ka pag nakawala ako dito! Galit kong sabi habang nagpupumiglas sa tali na sobrang higpit ang pagkakagapos sa kamay at paa ko.

Haha! Yon ay kong makawala ka? Kala ko ba matapang ka ? Ei di harapin mo ang tapang mo. Nakangisi nitong sabi at muling suminyas. Boys alam na. Sabi nito bago prenting umupo sa upuan na para bang manonood ng magandang palabas.

Hayop ka! Hayop! Patuloy ko pang pagpupumiglas.

Hahaha! Narinig ko pang tawa niya. Simulan na yan boys magpakasaya kayo!.

Nagsilapitan na ang mga lalaking na my kanya kanyang ngisi sa mukha at hinahampas hampas pa sa kamay ang mga dala nilang armas.

Sayang ka miss maganda ka sana. Kaso hindi kana mapapakinabangan. Sabi pa ng isa na mukhang kalansay sa sobrang payat.

Oo nga miss kung ako kasi magmakaawa ka nalang kay boss at patikimin siya ng iyong biyaya para wala ng gulo diba?. Sabi naman ng isa pa na parang sungkaan ang mukha dahil sa butas2x ang mukha nito. Parang ilang libong pimples ang napisa sa mukha.

Kung kagaya rin lang ng tinatawag niyong boss na amoy imbornal ang bibig at kung tulad ng pagmumukha niyong Pangit pa sa Pangit ang makakakuha sakin nanaisin ko pang mamatay nalang! Kasya mapunta sa tulad niyo! Masahol pa kayo sa masahol!! Sigaw ko sa pagmumukha nila. Wala na akong paki sa mangyayari sakin. Total wala ng dahilan para mabuhay ako. Wala na Yong magulang ko. At wala narin yong kaisa isang tao na dahilan kong bakit pinili kong ipagpatuloy ang mabuhay.

Oh My GHOST😱(Completed)YJRR-JelinaReyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon