O M G 😱 15

175 3 0
                                    

Pagkarating na pagkarating namin sa ospital agad kong ibinaba si Jhe at tarantang tinawag ang nurse na nakita ko.

Nurse! Nurse! Please help me! Dali dali namang lumapit yong nurse na tinawag ko.

Sir Ano pong nangyari?. Sabi ng nurse at pinulsuhan si Jhe. Pero hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko pwedeng sabihin kong Ano ba talaga ang nangyari.

Magmadali kayo! Mahina na ang pulso nitong pasyente! Kailangan na natin siyang madala sa OP(operating room)!. Pag sigaw ng nurse sa mga Kasama niya at pinahiga agad si Jhe sa stretcher at dali dali ng ipinasok sa OP. halos nakisabay narin ako sa mga nurse na tumatakbo. Natatakot ako na mawala siya sa paningin ko.

Ng nasa OP na kami pinigilan na akong pumasok kasi bawal daw pumasok.

Pero miss! Pag aalma ko pero wala akong nagawa ng tinulak na ako palabas at isinara ang pinto. Mga boses nalang ng doctor at nurse na nagkakagulo ang narinig ko.

Arrggh! Frustrated kong sigaw at napahagod nalang ako sa batok habang pabalik balik na naglalakad at pasilip silip sa nakasarang pinto.

Sobrang natatakot ako at sinisisi ko rin ang sarili ko sa nangyari. Kong hindi lang ako nahuli ng dating siguro hindi to mangyayari sakanya. Ang tanga ko.!

Argh ! Arrggh! At paulit ulit kong sinuntok ang pader na para bang sa pamamagitan noon ay maiibsan ang labis na galit ko at pagsisisi sa nangyari.

Ng mahimasmasan siya Saka niya lang naalala na dapat niya palang tawagan ang mama niya at ibalita ang nangyari kay Jhe. Sa nakita ko kasi sobrang close ni mama kay Jhe. Samantalang ki Natalie na bestfriend ko ay malayo ang loob niya na hindi ko maintindihan kong bakit. Lalo na ng malaman niyang kami na ni Natalie kahit Hindi siya magsalita ramdam ko na ayaw niya sa relasyon namin.

Kinapa ko yong cellphone na nasa bulsa ko hindi alintana ang masakit at nag dumudugo kong kamao. Wala ang sakit na ito kumpara sa kalagayan ngayon ni Jhe.

Nakailang ring muna ang nasa kabilang linya bago my sumagot dito.

Hello son.. Napatawag ka? Tanong ng nasa kabilang linya at parang gusto ko nanaman maiyak.

Ma.. Wala akong ibang masabi.

Son my problema ba? This time nahimigan ko ang pag aalala sa boses ni mama.

Ma si J-jhe.. Diko mapigilang manginig ang boses ko.

B-bakit? Anong nangyari kay Jhe?! Tell me Jhemlord.! Napapikit ako ng marinig ko ang pag sigaw ni mama sa kabilang linya at tinawag pa ang buo kong pangalan. Ibig sabihin galit na siya at nauubusan na ng pasensya.

Ill explain later ma. But for now please come here in ****hospital. Hurry ma. I don't know what to do anymore. Hindi ko na mapigilang mapaiyak.

Ok son. Hintayin mo ako jan. Malumanay ng sabi ni mama.

Ok ma. Take care. Saktong pag baba ko ng cp Saka ko narinig na nagkakagulo sa loob ng operating room.

Anong nangyayari?!. Kinakabahan kong sigaw.

1.2.3 clear!! Toot..toooott..tooooth.. sunod na narinig ko.

Hindi!! Hindi to pwedeng mangyari! Sabay kalampag ko ng pinto at nagpilit pumasok.

Time of death 10:30 am Aug'2'****

Parang bombang sumabog sa pandinig ko ung sinabi ng doctor. Hindi yon totoo Diba? Hindi yon totoo. Dahil sa sobrang pursigido kong makapasok napwersa ko ung pinto at malalaki ang hakbang na lumapit ako sakanya.

Oh My GHOST😱(Completed)YJRR-JelinaReyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon