O M G 😱 8

188 3 0
                                    

Hanggang nakauwi na ako ng bahay ang tamlay ko parin. Pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama. At napapaisip.

Magagalit kaya sya sakin pag nalaman nyang ung magulang ko ang dahilan kung bakit sya comatose? Hai buhay. Sabay buntong hininga ko ng mahaba.

Sinong magagalit?

Waahhh! Ahh! Ahh !! Sigaw ko. Sino ba naman hindi mapapasigaw kung my multong bigla nalang lilitaw sa harap mo sa kasagsagan ng malalim mong pag iisip.

Haha Anu ba yan ang tagal ko ng laging nagpapakita sayo hindi ka parin sanay. Ramdam kong naka smirk sya nung nagsalita.

Bwesit ka! Panong hindi ako magugulat ei ang lapit kaya ng mukha mo. Pagmamaktol ko.

Asus kunyari pa. Kung alam ko lang ei gusto mo naman talagang ganun kalapit ang mukha ko sayo. Pinag nanasahan mo kaya ako lalo na nung makita muna ako sa ospital haha. Pag yayabang nya.

Hoy multong mayabang hindi kita pinag nanasahan noh?! Kapal sobra. Medyo naiinis ko narin na pahayag.

Haha oh asar talo. Blehh! Tss Minsan talaga parang bata tong multo na to ei.

So Anu nga sinong magagalit? Pangungulit nya. Kala ko pa naman makaklimutan na.

Wala yon. Tanggi ko sabay talukbong ng kumot.

Anu nga yon? Di kita titigilan hanggat dimo sinasabi.

😑 Hindi parin ako kumibo. Sabay kunwaring naghihilik. 💤💤

Hoy! Wag mo akong tulog tulugan Dyan. Sagutin mo ang Tanong ko.

💤💤 Deadma parin.

Hmmn bat feeling ko ang gaan ko at parang nakalutang ako? Sabi ko habang Ninanamnam ko ung gaan ng katawan ko. Nakarinig ako ng pagtawa. Pasimple akong sumilip sa kumot ko pero bigla nalang ako nagulat na parang ang taas naman ata tingnan ng sahig. Samantalang mababa lang naman ang kama ko.

Omo!! Waahhh!! Ibaba mo ako! Sigaw ko ng marealize kong talagang umangat ako sa kinahihigaan ko. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko.

Haha ibababa lang kita kung sasabihin mo kung sino ung magagalit na sinasabi mo. Nakangisi nyang sabi sakin.

Abang multo ka ha! Ginagamit mong advantage yang pagiging multo mo sa sarili mong kapakanan. Mataray ko paring sabi kahit medyo natatakot ako kasi hindi ako sanay sa mataas kahit sabihin pang mababa lang ung pagkaangat ko.

Haha syempre lubuslubusin na habang my pagkakataon pa. Anu sasabihin mo na sakin oh mananatili kana lang jan? Sabay baba taas nya ng kilay. Sarap ahitin ei.

Oo na! Bwesit ka! My choose pa ba ako?! Ibaba muna ako. Pakasabi ko non naramdaman kong unti unti na akong bumaba. At nakahinga ako ng maluwag.

Bwesit ka. Mahina kong bulong.

Oi narinig ko un. Anung Bwesit ha? Kababae mong tao pero wagas ka makapag Mura. Tsk! Tsk! Parang my pagkadisgusto ung pagkakasabi nya.

Hala na turn off kaya sya? Sabay tampal ko sa bibig ko. Pahamak ka talaga.

Sorry na po. Pagpapa cute ko.

Tss! Anu sasagutin muna ba ung tanong ko oh gusto mong don naman kita sa labas palutangin? Aba demanding tong mukong na to. Napairap nalang ako ng patago. Malay ko bang totohanin nya ung sinabi nya. Mahirap na hehe.

Oo na Mr.Sungit. Anu kasi Anu.

Anung Anu?! Umayos ka nga!. Haha ang bilis talaga maubusan nito ng pasensya.

Haist. Wala . Naisip ko lang kasi kung galit kaba don sa taong dahilan kung bakit ka comatose ngaun. Sabi ko sakanya sabay upo ng maayos sa kama. At nakita ko syang umupo rin sa gilid ng kama ko.

Siguro oo kasi Kinuha nila ung pangarap ko. Malungkot nyang Saad.

Ha? Anung kinuha ung pangarap mo?. Naguguluhan kong tanong.

Alam mo ba kasi ng araw na yon pauwe na sana ako para mag celebrate kami ng pamilya ko kasi nakapasa ako para mag aral sa Harvard sa America?. Ung sarili kung sikap hindi dahil sa tulong ng pamilya ko. Ang saya ko non. Pero sa isang iglap nawala nalang bigla. Medyo poot nyang Saad.

Hindi naman siguro sayang. Baka pwede pa naman na makapag aral ka sa Harvard . Kasi naaksidente ka Diba?.

Hindi ei one at a time kalang pwedeng magkaroon ng pagkakataon na pwedeng mag offer sayo ang skwelahan para makapag aral sa ganong paaralan. Ramdam ko ang bigat sa bawat salita nya.

Hindi ako nakaimik sa sinabi nya. Totoong kinuha nga ang pangarap nya. I feel sorry for him.

Hmmn bat mo nga pala natanong? Tanong nya sabay baling sakin.

A-ah w-wala. Curious lang kasi ako. Si tita eme kasi sabi ok lang daw sa kanila ei kasi di naman daw sinadya ung accidente ei.

Sila mama yon. Hindi ako . Mas gusto kasi nilang sa mismong school namin ako mag aral. Alam muna mag isa lang nila akong anak. Pero iba ako. Gusto ko makapag aral sa sariling sikap ko. Kaya ng my pumunta sa school namin at nagpaexam para makapag aral sa ibang bansa kinuha ko agad ang pagkakataon na yon. Kahit totol ang magulang ko itinuloy ko parin. Ayaw ko kasing umasa lang sa kanila. Gusto kung tumayo sa sarili kung mga paa.

Mas lalong hindi ako nakaimik.

Haha masyado namang mabigat ang atmosphere dito. Pag babago nya ng usapan.

Hehe oo nga ei. Tangi ko nalang nasabi.

Hmmn Sige Jhe punta lang muna ako sa ospital gusto ko makita ulet makita si mama. Paalam nya sakin at bigla nalang naglaho.

Napangiti naman ako ng mapait. Pano pag dumating ang araw na malaman mong magulang ko ang dahilan ng sinasabi mong pagkawala ng pangarap mo?. Ganito padin kaya tayo? Masaya, walang iniisip, hindi nagkakailangan. Hindi ko naman intension na itago sayo ang totoo. Gusto ko lang na manatili kung anung Meron tayo. Lumuluha kong sabi. Ang sakit.

____________________________________
April-30-2018 10:47pm

Aww. 2updates sa isang araw hehe. Again. Yang tungkol po sa harvard2x chamba lang po. Hindi ko Alam kung Ano ang patakaran sa collage kasi hindi naman po ako nakatuntong man lang mag collage. Kaya kung alam nyo pong mali pacensyahan nyo nalang po. Kaya nga kathang isip po Diba ? Hehe. Salamat sa makakaintindi po.

Vote and Comment and Follow me if you like.

My Other Work.

Nasirang Puri (Complete)YJRR

Mga Banat po.

Chezzy Line's (Book 1)
Chezzy Line's (Book 2)

Malalaman nyo po kung akin ung story kasi Meron po syang YJRR sa katabi ng complete. YJRR stand for Yuhan Jhemyel Rey Ramos.

Add me on Facebook.
Anilehj-Jhe Yushie
            ⬇️⬇️
Jelina Rey Ramos

__😘YuhanJhemyel😍__
            ( Jelina Rey)

Oh My GHOST😱(Completed)YJRR-JelinaReyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon