Pizzaaaa!! Sigaw ko ng makapasok na kami sa mall. Kailan ba yong huling Kain ko ng pizza? Sa sobrang tagal nalimutan ko na. Kaya pag pasok namin sa loob ng mall ung pizza parlor agad ang nakita ng mata ko.
Hoy tumahimik ka nga nakakahiya ka!. Napaismid nalang ako sa sinabi ng Jhemlord na to.
Tse! Manahimik ka! Sa gusto ko ng pizza. Libre mo ako bilis! Bawal tumanggi my atraso ka. Napangisi ako sa sinabi ko.
Yeah! Yeah para namang my magagawa pa ako. Ibang klase ka talaga. Pakasabi niya non nagpatiuna na akong pumasok at nag order na.
Wow! Nauna kapa talaga parang ikaw ang magbabayad ah. Napapailing iling nalang na sabi ni Jhemlord.
Asus wag kana mag reklamo bilis bayaran muna hehe. Nakangiti niyang sabi at nauna ng pumuwesto sa bakanteng upuan na nakita niya. Maya lang umupo narin si Jhemlord.
Hindi nagtagal nasa harap na namin ang pizza halos maglaway ako sa sobrang kasabikan. Walang pag dadalawang isip na kumuha ako ng isang piraso at isinubo ito. Napapikit pa ako ng sumayad ito sa dila ko. Sobrang sarap talaga sa pakiramdam pag nakakakain ka ng gusto mo.
Natigil ako sa pagkain ng mapansin kong walang imik ang kasama ko. Nakatulala itong nakatingin sakin.
Hoy! Sabay pitik ko ng daliri ko sa harap niya.
Huh? Parang naguguluhan pa Ito.
Bat ka jan nakatulala ha? Tanong ko sakanya habang patuloy paring kumakain.
Mukhang natauhan narin ito.
Ei kasi po hindi ako makapaniwala na sa liit mong yan masiba ka pala haha. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
Hmmmft hindi kaya noh sadyang miss ko lang talaga kumain ng pizza.
Ah kaya pala isa nalang ang tira? Samantalang ung large pizza ang inorder mo. Napatingin naman ako sa box na pizza na nasa harap namin.
Hindi kaya. Sabay tingin ko sa box ng pizza. Ai hehe. Sorry naman po hindi ko namalayan sarap kasi ei hehe. Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa sobrang hiya. Baka ma turn off siya sakin kasi nakita niya ang kasibaan ko. Huhu.
At least hindi pa naman ubos Diba? Sayo na yang isa. Sabay tulak ko sakanya ng pizza kahit gustong gusto ko pa yon kainin.
No thanks nahiya naman ako sayo. Ubusin muna mukhang kulang pa sayo.-Jhemlord
Grave ka naman sakin. Sayo na busog na ako. Pa demure pa kunwari.
Pero kung ayaw mo talaga sakin na ah? Maraming nagugutom sa mundo. Sabay kuha ng pizza at buong pusong kinain.
Tsk!. Napatawa nalang ako sa reaction niya pero hindi nakaligtas sakin ang pasimple niyang pag ngiti. Kaya hindi ko narin maiwasang mapangiti narin. Kinikilig ako nyehehe.
Burppp!! Malakas akong napadighay ng maubus ko na ang huling piraso ng pizza.
Excuse me hehe. Sabay peace sign sakanya.
Babae ka ba talaga? Lakas mong dumighay ei. Sabi nito at mapanuri akong tiningnan.
Aba! Hindi pa ba kita ang ebedensya?! Porket malakas dumighay ei. Ganyan talaga pag nakain ko ang gusto ko. Nakasimangot kong tugon sakanya.
Ebedensya? Wala akong makita ei. Sabay tingin niya sa dibdib ko habang my ngisi sa mukha.
Perv! Sigaw ko habang itinakip ang braso sa bandang dibdib.
Haha don't worry takpan mo man yan oh hindi parehas parin. Wala akong makita. Parang likod parin haha.
Ang sama mo!. Atleast natural hindi retokada!
Hoy miss pinapatamaan mo ba ako ha?! Nabigla nalang ako ng my biglang tumayong babae mula sa katabi naming misa. At para bang pinag mamalaki niya ang dibdib niyang halos mapunit na ang soot na damit sa sobrang laki ng hinaharap.
Mataray akong tumayo at humarap sa babaeng nakaliyad parin ang dibdib.
Bakit tinamaan ka ba?! Wag ka kasi makinig sa usapan ng iba para wag kang matamaan. Wag mong saluhin ang salitang hindi para sayo. Kaya ka natatamaan ei. Salo ng salo. (A/a: wow hugot hehe)
How dare you.! Sabi nito at handa na sana akong sungkaban.
Haha blehh!! Pang aasar kopa dito bago tumalilis palabas ng pizza parlor.
Haha hindi ko alam na ganito ka pala kapasaway. Hindi kaman lang natakot don sa dibdib ng babae haha.
Aba syempre papatalo ba naman ako? Puro boobs lang yon peke naman. Sabay kameng natawa sa sinabi ko. Ang sarap lang ng ganito. Sana hindi na matapos ang araw na to. Isa ito sa mga hindi ko malilimutang araw.
Saan tayo? Tanong niya maya maya.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng mall.
Ayon! Turo ko sa nakita kong munting ktv sa arcade.
Huh? Bakit jan? Wag mo sabihing kakanta ka? Nakangiwing tanong niya sakin.
Aba! Wag mo akong maliitin. Sa probinsya namin lagi akong sumasali sa singing contest. At uso sa probinsya ang Videoke. Pagmamalaki ko sakanya.
Sa iba nalang. Bakit ba ayaw nitong pumasok sa ktv room. Napangisi ako sa naisip ko.
Bakit ayaw mo pumasok? Siguro hindi ka marunong kumanta ano? Takot kang baka pakantahin kita tapos parang kokak naman ang boses mo.haha wag kang mahiya tayong dalawa lang naman ang makakarinig. Pang aasar ko sakanya. Pero sa totoo lang iniingganyo ko lang siyang pumasok sa ktv para kumanta.
Masyado lang special ang boses ko lalo na pag kinakabahan kaya kong maaari ayaw kong ibang my makarinig nito. Pagmamayabang nito.
Hoohh! Grave ang hangin! Mas malakas pa sa Aircon na nandito sa mall.! Sabihin mo nalang kasing parang kokak yang boses mo kaya ayaw mong kumanta. My pa special special pang nalalaman ei.
Hoy ano ba dahan dahan!! Napasunod nalang ako sakanya ng bigla nalang niya akong hinatak papasok sa isang ktv room na walang umuukupang tao. Madaming tao ngayon sa naturang mall. Lalo na dito sa arcade. Karamihan kabataang tulad ko. Mga studyante.
Padarag niya akong binitawan kaya napaupo ako sa Cough na andon. Pero napangiti narin ng makita ko siyang binubuklat na ang librong pagpipilian ng mga kanta.
Kakanta na yan. Kakanta na yan. Pang checheer up ko sakanya.
Shut up! I'm concentrating.! Napatahimik ako at kunwari parang zipper na isinara ang bibig ko. Tumahimik nalang ako baka hindi niya pa kumanta ang mokong na to. Sayang hehe.
Hindi nagtagal narinig ko na ang background music na gustong kantahin ni Jhemlord at hindi ko maiwasang kiligin.
Ehemm.! Mike test . Sabi pa nito.
Asus ang tagal lang Ei.! Simulan muna dami pang echos. Kokak siguro talaga ang boses mo haha. Hindi ko na mapigilan ang bibig ko at bigla na lang yon lumabas.
Shut up! Napatakip nalang ako ng bibig ko at nagpipigil mapahalakhak sa reaction niya.
_______________________________________
July-06-2018
*Bitin ba? Hehe. Tingnan natin sa nextchap ang magiging reaction ni Jhe pag kumanta na ang mahal niya. Huhu.Vote and Comment and Follow me if you like.
Add me on Facebook.
Anilehj-Jhe Yushie
⬇️⬇️
Jelina Rey Ramos__😘YuhanJhemyel😍__
( J e l i n a R e y )
BINABASA MO ANG
Oh My GHOST😱(Completed)YJRR-JelinaRey
Teen FictionIsang Gabi na napahamak ka bigla nalang my lumigtas sayo. Isang gabi kung saan sa unang pakiramdam ay ligtas ka. At isang gabi na kahit Hindi mo man lang nakita ang mukha niya at tanging naramdaman lang ay minahal muna agad. Pano kung isang araw mag...